Ang Anak ni Sandra

693 17 1
                                    

*Ex*

Part4

Josh*
POV

"May, bili mo din ako C2 ah. Thanks" Sabi ko.

"Ok po Kuya." Sabi ni May na kasambahay ko.

Nabuburyong na ko sa bahay kaya pumayag akong ihatid si May na kasambahay ko.
Huminto muna kame sa Palengke.
May nakitang Kwek Kwek si May e Adik tong bata na to sa Itlog.

"Hays." Bulong ko.

Bumaba si May dito sa Kotse.
Naiwan akong nakaupo at naiinip dito.

"Hmm." Huni ko.

Habang nagtitingin tingin ako sa mga nag titinda.
May humatak ng atensyon ko.

Naglalakad ang isang Babae.
May mga bitbit na yun. Marami rami na syang napamili.

(Pamilyar yung babaeng yun.) Sa isip ko.

Bumaba ako ng sasakyan at sinabihan si May na may titignan lang ako saglit. Tumango ito habang ngumunguya.

Pag pasok ko sa pinaka loob ng Palengke.
Nakita ko sya, yung Babaeng pamilyar saken.
Nakatagilid yun at bumibili ng itlog.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

(Sya na ba talaga to?)

Bakit parang hindi naman sya nagbabago.
Maganda pa din at Sexy.
Kaya lang.
Yung kanang kamay nya.

(Anong nangyare dun?.)

Gusto ko syang lapitan.
Kamustahin.

Kaya lang.

Baka galit din sya saken dahil sa ginawa ng Pinsan ko sa kanya.

(Shit...Lumilingon sya.)

Ibig sabihin obvious ako.
Nako, baka mahuli nya ko kaya nagtago kagad ako.

"Oh god." Bulong ko sabay silip ulit.

Pagkakuha nya sa binili nyang itlog ay humarap ito sa kinatatayuan ko.
Dito kase sya pumasok.
Dito rin siguro sya lalabas.

Umusog agad ako sa gilid at yumuko.

"Shit." Bulong ko.

Nakita Kong nagmamadali sya.
Ayan at sumakay na sya ng trycicle..
Tumakbo naman ako pabalik sa sasakyan.

"Damn. Sya yun." Sabi ko.

Naka upo na si May at ready na.
Pinaandar ko na ang makina at sinundan ng tingin ang trycicle na sinakyan nung Babae.

*
Ngayon alam ko na kung San sya umuuwi.

Hinatid ko na si May sa kanila tapos bumalik ulit ako kung San yung nakita Kong pinasukan nya.

Nag antay lang ako sa kalayuan banda.
Ayoko magpa halata.

(Lumabas sya. Ano yung bitbit nya?)

Pinaandar ko na tong sasakyan ko at sinundan sya.

"Hmm." Huni ko.

Naglalakad sya...
Tapos biglang ang bilis ng hakbang nya.

Huminto ako para I check kung ano yung inabot nya sa Matanda.

"Shit." Bulong ko.

Ang tagal nyang nakikipag usap.
Baka halata na ko kaya umalis na muna ko.
Siguro iikot ako, babalik ako sa kung saan ako nag Park kanina.

"Hays. Galit ka ba saken." Sabi ko.

Dumidilim na.
Iniwan ko yung sasakyan at naglakad ako papunta sa kanya.

May dala syang Black Bag.
Pag bitaw nya sa Black Bag.

Tinawag ko sya...

"Sandra... " Sabi ko.

Lumingon ito't binanggit ang pangalan ko.

"Josh..." Sabi nya.

"Kamusta kana?" Sabi ko.

"Mm, ok naman."

*****
Sandra*
POV

Pag ka sagot ko sa kanya bigla syang lumapit at niyakap ako ng mahigpit.
Tapos ay tinignan nya ko sa mukha.
Kitang kita ko sa mga Mata ni Josh ang pagtulo ng luha nya.
Niyakap nya ulit ako at napahagulgol na ko sa iyak ganun din sya.

"Sandra!!"

Pagka graduate nilang magpipinsan ay nag alisan sila.
Nagpuntahan sila sa ibang banda.
Si Ivan lang ang naiwan.

Tandang tanda ko pa ang sinabi saken ni Josh bago sya umalis.

'Sandra, alagaan mo sarili mo ah. Magkikita pa tayo diba?... Lagi mong tatandaan pag sinaktan ka ni Ivan sabihin mo saken. Aawayin ko sya. Ok?' Sabi nya nun.(Sabay hawak sa pingi ko at hinalikan ako sa noo.)

Tumango ako.
Hindi ako makapaniwala na aalis na silang Apat.
Lalo na si Josh.

Minsan nag aaway kame ni Ivan nung nag aaral pa kame.

Si Josh ang laging kakampi ko pag nag aaway kame ni Ivan. Si Josh ang nag aayos samen pag nagkakatampuhan kame ni Ivan.

Tumutulo ang luha ko habang magkayakap kame ni Josh ngayon.
Makalipas ang Limang Taon.
Magkasama na kame ngayon.

"Thank god, okay ka na ngayon." Iyak ni Josh.

"Buhay na buhay pa ko Josh." Iyak ko.

Bumitaw ito sa pagkakayakap nya saken saka nya ko tinignan sa Mukha.
Ako naman nakatingala sa kanya habang umaagos ang Luha sa mga Mata ko. Ganun din sya.

"Nakarating saken lahat... Lahat-lahat Sandra, hindi ako makapaniwalang gagawin ni Ivan sayo yun.
Pakiramdam ko kasalan ko e...Dapat hindi na ko umalis para nabantayan kita." Iyak nito.

"Hindi Josh. Wala kang kasalanan. Si Denice at Ivan ang may kasalanan." Iyak ko.

"Bes!"

"Bes! Antagal mo naman andyan ka lang pala. Ay--" Sabi ni Anya.

Gulat na gulat si Anya nang makita nya si Josh.
Dali-daling lumapit si Anya at niyakap nito si Josh.
Nag iiyakan tuloy kameng tatlo.

"Mama? Tita Anya? Bakit po umiiyak kayo?"

"S'Sandra? May anak ka?" Sabi ni Josh.

Tumango-tango ako...

Ex (COMPLETE)Where stories live. Discover now