CHAPTER ELEVEN | Is this the love that he needs?

14 1 0
                                    

GIO

A year ago...

"Narinig niyo na ba ang latest? Sina Gio at Arianne, sila na?"

"OMG! How can an achiever from elementary to high school decide to date a walking red flag like him?"

"Swerte naman ang naging boyfriend ni Umali! Gwapo na, matipuno pa!"

"Oo nga. Iyon nga lang, kung titignan mo sa mukha ng Gio na iyon e medyo basagulero tignan pero mabait naman."

"Ako, tingin ko parang hindi ako natuwa. Kasi kapag nakikita ko ang mga mag-jowang naglalakad e dito ako naki-cringe ng sobra. I don't want to put all the blame on the two of them because they have the rights to do what it takes, but then there are limitations to follow."

Pagpasok naming dalawa sa school ay laman na kami ng tsismisan sa buong campus. Matapos akong sagutin ni Arianne kahapon ay samu’t sari nang mga balita ang dumating sa’min, maski uwian ay dala-dala pa rin nila ang isyu tungkol sa’ming dalawa.

Umakyat kami papunta sa hallway, hindi namin napansin ni narinig man lang ng aming mga tenga ang tungkol sa'min, bagkus ay nagpatuloy kami sa paghakbang papunta sa Class 7-3. Subalit nang nakapa ko ang kamay ni Arianne ay agad siyang nabigla nang naramdaman ko ang lambot ng kanyang kamay papunta sa’kin.

"Anong ibang sabihin nito?" nauutal na tanong niya sa'kin. Nilingon ko ang kanyang pabilog at hazel niyang mga mata bago ko siya halikan sa pisngi, "Arianne, simula ngayon, hahawakan natin ang ating mga kamay. Ito'y magpapatunay na hindi natin bibitawan ang isa't isa at hindi na tayo magkakalayo pa, kahit anuman ang sabihin ng ibang tao tungkol sa'tin. Huwag tayong magpapaapekto sa sasabihin ng ibang tao sa campus, okay? Lalo na sa lunch. Doon tayo magkikita, naiintindihan mo?"

Tumango naman siya bilang sagot, sumisinag sa kanya ang ngiti na siyang bumalot sa kanyang kaluluwa bago niya ako yakapin sa’king bisig. 

"I love you, Gio."

"I love you too," I replied before nudging our nose together. Sa totoo lang, hindi muna kami nagpansinan sa eskwelahan — pwera na lang kapag lunch time. Bukod dito ay lumalabas din kami lalo na sa park, na kung saan sa unang buwan ng relasyon namin ay unang beses pinagsaluhan ang aming mga labi nang magkasama.

"Did you enjoy our celebration, bub?" I asked, holding our hands while looking at each other. Our smiles radiated to our senses as we enjoyed the first month of our relationship, and now that it is over I'll accompany her to the tricycle station where she hangs out every morning with her cousins before going to school.

"Syempre naman," magiliw niyang banggit sa'kin. "Lalo na kapag kasama kita. Hindi ko alam kung bakit pero itong celebration natin, katumbas ito ng 70% bolahan at hampasan at ang natirang tatlumpu ay pawang PDA ang kinalalabasan."

Humagikhik na lamang ako sa kanyang sinabi bago ko haplusin ang malambot at mapula niyang pisngi, "Pero seryoso. Kahit anong mangyari, mamahalin at mamahalin pa rin kita kahit mga bata pa tayo. Wala namang masama doon, diba? Kahit tumanda man, umabot tayo ng tatlong taon, magsasama pa rin tayo. Promise?"

A small teardrop escaped on her face as I said those words to her. Napayuko na lamang siya sa sobrang hiya, "Hala, pinapaiyak mo na naman ako!"

"Masyado ba akong madrama? Sorry na. Pero totoo ang lahat ng sinasabi ko. Sabay-sabay nating aabutin ang mga pangarap natin; kahit mahirap, kaya natin itong suungin. Basta't magkasama tayo, okay?" 

Tumango si Arianne kasabay ng pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata, "Basta't magkasama tayo. O siya, mag-iingat ka, Gio."

"Oo, mag-iingat ako. Katulad ng relasyon natin."

Broken Hearts And Lost SoulsWhere stories live. Discover now