Chapter 15

169 10 0
                                    

Bryce's POV

Nasa bahay pa ako ngayon at kanina ay tinawagan ko na yung apat na sabay na kaming papasok ngayon sa school.

Nag-aayos ako ngayon ng gamit ko ng biglang tumawag yung lolo ni Marcus.

"Hello sir?"Panimula ko.

"Hello Bryce? Where are you?"Biglang tanong ni sir Jaime.

"Ahmmm nasa bahay pa po pero papasok na po ako ngayon ng school..."Sagot ko naman.

"Ganun ba? Kapag nakasalubong mo ang apo ko pakisabi na dumaan siya sa office ko at may pag-uusapan lang kami"Bilin na sabi ni sir Jaime.

"Sige po"Sagot ko naman at saka na niya binaba yung tawag.

Pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit ko ay lumabas na ako ng kwarto saka bumaba at akmang aalis na ng biglang nag-ring yung phone ko. Tinignan ko naman kung sino ang tumatawag.

Si Ayden.

Sinagot ko naman yung tawag niya.

"Hello Ayden? Napatawag ka"

"Bryce nasaan ka na?"-Ayden

"Paalis na ng bahay"Sagot ko naman.

"Wag ka na muna pumasok"

"Ha ano? Bakit?"Nagtataka kong tanong.

"Basta delikado!"

"Tsk! Nasaan ba kayo?"Nagtataka ko pa rin tanong at napapakunot noo na lang.

Anong delikado? Eh lagi naman talaga delikado buhay namin lalo na mga gangster kami.

d>>__<<b

"Nasa secret place natin kami kaya dito ka na muna dumeretso at saka may importante kaming sasabihin sayo kaya dalian mo na! Pumunta ka na ngayon dito"Nagmamadaling sabi ni Ayden.

"Geh punta na ako"Sabi ko.

Agad na akong umalis sa bahay at pumunta sa secret place namin na kaming lima lang nakakaalam at doon kami tumatambay kapag may importante kaming pag-uusapan.

                        
                         ***

Pagkadating ko sa secret place namin ay agad nila akong sinalubong.

"Ano bang nangyayari?"Agad na tanong ko sa kanila.

"Si Red"Nanlalaking mata na sabi ni Dylan.

"Oh eh anong nangyari na naman dun?"Kunot noo kong tanong.

"Nasa bahay pala nila Soo kagabi"Sagot ni Dylan kaya ako naman ang nagulat ngayon.

"Paano niyo nasabi?"Takang tanong ko habang gulat na gulat pa rin.

"Tch...Eh kasi kaibigan namin yung si Shawn"Sagot ni Dylan. Napakunot ulit noo ko.

"Shawn? Sino yon?"Kunot noo kong tanong.

"Tch... Basta!"Sagt naman ni Dylan.

"Hays! Paano niyo naman naging kaibigan yon?"Takang tanong ko.

"Wala lang... Nakilala lang namin sa Gillford noon"Si Quinn naman ang sumagot sa tanong ko.

"Sa Gillford pa rin yon nag-aaral kung gusto mo puntahan natin ngayon tapos ipapakilala ka namin sa kanya? Mabait yon at saka kilala niya nga yung black army eh"Sabi pa ni Quinn.

"So paano niyo nasabi na nasa bahay ni Soo si Marcus? Sabi ba nung Shawn?"Tanong ko at sabay naman silang napatango.

"Oo, nag-text siya sakin na nasa kanila daw si Marcus at yung apat na naglalasing daw"Sagot ni Quinn.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant