Kabanata 1

206 14 3
                                    

Kabanata 1


"I.. I like you!"

Tinitigan ng isang lalaki ang babae sa harap nya. Maganda ito. Mahaba ang itim nyang buhok, maputi, may pagkachinita at matangkad. Namumula pa ang magkabilang pisngi nya dahil sa pagtatapat ng nararamdaman nya sa lalaki sa harapan nya.

Napabuntong hininga ang lalaki bago magsalita.

"Uhm.. I'm sorry but..."

"O..Okay lang! Haha. Sige, alis na ako."

Pilit ang ngiti ng babae bago mabilis na naglakad palayo. Pinagmasdan lang ng lalaki ang papalayong babae. He has this bored look on his face. Hindi na bago sa kanya ang magkaroon ng ganitong senaryo. Sa inaraw-araw ba naman na ginawa ng Panginoon ay lagi syang tinatawag sa likod ng school para lang dito o kaya naman ay makakatanggap sya ng text or sulat para lang magtapat ng kanilang nararamdaman para sa kanya.

"May binasted ka na naman, 'no?" Bungad sa kanya ng kanyang kaibigan pagkabalik nya sa kanya room.

"Ano pa bang bago doon, Lev?" Dagdag pa ng isa nyang kaibigan. "Pwede na ngang magtayo ng fansclub lahat ng mga binasted nitong si Rivo, e."

"Tsk, inggit ka lang, March," sabi ni Rivo.

"Awit! Wag naman ganyan, ser. Kelo! Kelo ang pangalan ko!"

Ayaw kasi ni Kelo na tinatawag syang March na galing sa pangalan nyang Marchielo.

"Bro, you should get a girl." Suhestiyon ni Lev sa kanyang kaibigan.

"That's right. Ang daming patay na patay sa 'yo."

"They're not my type," bored na sagot ni Rivo.

"Awit! Sana all pwedeng maging choosy!" Madramang sabi ni Kelo.

"Sa daming nagcoconfess sayo ni isa don wala ka pa ring type? Teka, ilan na nga ba nagconfess sayo? Nasa kulang 100 na yata sila ah!"

"Ninety one, I guess." Hindi siguradong sagot nya dahil hindi nya sigurado kung isasama nya ang matandang babaeng nagoffer maging sugar mommy nya kaninang umaga nung papasok sya ng eskwelahan. Simula first year highschool palang sya ay marami na ang nagcoconfess sa kanya. Maski mga senior nya ay nagconfess na rin sa kanya.

Rivo has this very unique retentive memory when it comes to people he met or talked to. Kahit hindi nya matandaan ang pangalan nila ay madali nya naman itong mamukhaan. Kaya madali nyang natatandaan kung ilan na ang mga nagconfess sa kanya.

"Ay, wow. Hindi ka pa talaga sure sa lagay na 'yan," natatawang sabi ni Kelo.

Fourth year highschool na sila pero hanggang ngayon ay wala pang nagiging girlfriend itong si Rivo kaya maski ang mga kaibigan nya ay nafufrustrate na para kay Rivo. Hindi kasi nila malaman kung babae ba talaga ang tipo ng tropa nila o baka naman kalahi pala nila.

"How about this? You have to accept the 100th confession that you will get?" Lev suggested.

"What the fuck?"

"Try lang naman, bro."

"Wala namang mawawala. Date whoever confesses to you. Kapag hindi mo trip e 'di i-ghost mo! Simple as that!"

"Oo nga! Nice idea, Lev! G si Rivo! Ako na nagsasabi sa 'yo!"

"Gago ka, March!"



*****


"Magcoconfess ka kay Rivo? Seryoso ka ba dyan, Carina?!"

"Shh!! Huwag kang maingay, Leo!" Suway ng babae sa kanyang kaibigan. Tumingin-tingin pa sya sa paligid para masigurong walang nakarinig sa sinabi ng kaibigan nya.

The 100th Confession (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon