Kabanata 3

104 10 7
                                    

Kabanata 3

"HA?"

"I said do—"

"Hotdog!"

Bumuntong hininga si Rivo dahil sa sinagot ng babae.

Hotdog? Huh, what a kid. Sa isip-isip ni Rivo.

Sa lahat ata ng nagconfess kay Rivo ay bukod tangi itong babaeng nasa harap nya. Sya lang kasi ang nagconfess na sobrang angas at akala mo ay napilitan lang sa ginawang pagtatapat. Bago ito sa kanya kaya hindi nya maiwasang lihim na mapangiti. For some unknown reason, Rivo thinks it's kinda cute.

"This," itinaas ni Rivo ang sulat na ibinigay ng babae. Nanlaki naman ang mga mata ng babae bago humagalpak ng tawa.

"Tanga. Hindi akin 'yan," sagot agad ng babae. Sa halip na mainis dahil sinabihan syang tanga ng babae ay napangiti na lang sya at napailing. Another first for him. First girl na sinabihan syang tanga. "Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Sa kaibigan ko 'yan! Pinapabigay nya lang. She got sick so she didn't had the chance to personally give it to you." Paliwanag nito.

"Uh-huh.." Rivo was a bit disappointed about it. "What's her name?"

Napairap na naman ang babae sa tanong ni Rivo. "I think it's written there. Magbasa ka kaya?" Iritableng sagot nito.

Rivo pursed his lips, trying to stop his self from smiling dahil baka barahin na naman sya ng babae.

Tiningnan nya ulit ang sobreng hawak nya at nabasa nga doon ang pangalan ng babaeng nagpapaabot nito sa kanya.

'Carina.'

Bahagyang napataas ang kilay ni Rivo nang mabasa nito ang pangalan. It was the girl this morning. Yung mahinhin na babae na kasamahan nung babaeng agaw atensyon sa cafeteria kanina.

"What's your name?" Diretsang tanong ni Rivo sa babae.

Tinaasan naman sya nito ng kilay. "Why do you need to know my name?"

Nagkibit balikat si Rivo. Trying to find excuse in his head on why he wants to know her name.

"Confirmation? Baka mamaya sa iyo pala ito galing at ginagamit mo lang ang pangalan ng kaibigan mo."

"Asa ka naman!"

"So, ano nga? Bilisan mong sumagot at gusto ko nang umuwi."

"Tsk, it's Leo! Masaya ka na?" Nakairap na sagot ni Leo. Napangiti naman si Rivo kaya kumunot ang noo nya.

"Sobra," sagot ni Rivo bago ito naglakad sa kabilang direksyon at iwan si Leo na tulala.

"Anong trip non?" Naguguluhang bulong ni Leo sa sarili. "Weirdo."

Nagpatuloy na lang din si Leo sa paglalakad pauwi ng bahay nila. Hanggang ngayon ay naiinis sya kung bakit sya pa ang pinakisuyuan ni Carina na mag-abot ng love letter nya para kay Rivo.

Sabagay, sya lang naman ang matalik na kaibigan nito na nakakaalam na may gusto si Carina kay Rivo.

Kung hindi ba naman kasi biglang nilagnat itong si Carina e sana hindi napurnada ang pagtatapat nya kay Rivo. Kinailangan kasing umuwi ng maaga ni Carina para makapagpahinga ng maayos sa bahay nila kaya sinundo ito ng nanay nya kanina.

Kaya napilitan si Leo na sya ang mag-abot ng sulat ni Carina para kay Rivo kanina dahil naisip nyang sayang din naman ang effort ng kaibigan para sa sulat na ginawa.

"Oh, ano na? Okay ka na?" Bungad na tanong ni Leo nung magvideo call si Carina sa kanya nung kinagabihan.

May nakalagay pang cooling pad sa noo ni Carina nung tumawag ito. Si Leo naman ay nakahiga na kanyang kama.

The 100th Confession (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon