Break-ups are always bad. Lalo na sa mga babae. Lalong-lalo na sa mga Pinay.
Ang mga Pinay kasi, karamihan, martir. O, o wag agad umalsa ang mga balakubak ninyo diyan, mga lola. Kabago-bago pa lang ng article eh. Relax lang kayo diyan.
Oo. Martir ang mga Pinay.
Totoo ‘yan. Kumpara sa mga babae sa ibang bansa, ang mga babaeng Pinay ay pinalaki ng mga magulang na maging isang mabuting babae sa lalaking mapapangasawa nila. Na importante na mag-last ang marriage. Importante na ingatan ang sarili, meaning, as much as possible, wag isuko ang Bataan sa kung sino lang na Pontio Pilato diyan, at maghintay ng THE one, yung bigay ni Lord. So, karamihan sa mga Pinay ay talaga namang inirereserba ang virgininity sa lalaking pakamamahalin at hindi isinisuko sa high school prom bilang rite of passage into adulthood or yung nag-e-eksperimento lang sa sex.
Kaya naman kapag naisuko ang puri, puso at kaluluwa sa isang lalaki at bigla na lang siyang iniwan ng talipandas sabay sabi ng “I need space to find myself” bullshit, tang-inez, ansakit nun! Mahirap maka-move on ang mga babaing nag-invest ng mga ganung level sa kanilang BFs. Mas madaling maka-move on yung mga walang sex na nangyari.
Tapos ayun na.
Masisiraan na ng bait si lola. Yung iba pansamantala, yung iba, medyo matagal din magbabaliw-baliwan. Yung iba nga, name-mental hospital talaga.
Ang gagawin niyan ay ii-stalk ang FB account ni Ex. Gagawa ng fake account or gagamitin ang old account at di bale ng magmukhang engot, tatanghod sa account ni Ex buong maghapon, araw-gabi, mag-aantay…mag-aantay…mag-aantay na merong ipo-post si Ex na tipong “I miss her” “Not used to her not being around” “Miss ko na luto niya” at kung ano-ano pang ka-echusan. Hoping much ang Lola na baka nagsisisi na si Ex na iniwan siya. Baka na-realize nito na hindi pala nito kayang mawala siya. Baka nahipan lang ito ng masamang hangin at natauhan na. Hoping…hoping…hoping…
Taz bilang bumulaga ang post ni Ex! Meron itong kasamang girl sa picture, answeet nila na nagho-holding hands pa! May caption pang “The reason I smile today.”
Powtah!
Mumurahin mo siya mula balakubak niya sa anit hanggang kubal sa paa niya. Yung pagmamahal mo sa kanya eh napapalitan na ng galit. Kung pwede lang ibato ang bagong iphone6 na pinag-ipunan mo ng 3 sweldo eh. Unfeyr di ba? Ipo-post talaga sa account niya eh alam naman niyang baka makita mo? Wala man lang bang galang yun sa nararamdaman mo? Di ba, di ba?
Pagkatapos murahin si EX, heto na, babalingan mo na si “girl.” Yup, ni ayaw mo alamin ang pangalan ng bago ni Ex. “GIRL” lang talaga ang tawag mo sa kanya. She is not worth knowing. She is an insect. No, a worm. An ugly, fugly slug. No. A slut.
Tapos tititigan mo na ang mukha ni girl. Ibo-blowup mo ang picture niya at hahanapin ang mga pimples, ap-ap at bakukang niya sa mukha. Tapos kikilatisin mo na ang level ng byuti niya. Siyempre, hindi mo matanggap na mas maganda siya sayo ‘no! Pango ang ilong niya, pustiso yata ang ngipin niya, medyo duling siya, ang itim-itim pa! As in ampangit! Tapos di ka pa makuntento niyan. I-stalk mo na rin ang FB ni girl. Talagang gagawa ka ng fake account. At doon, iisa-isahin mo ang pics niya, kikilatisin mo lahat-lahat pati tabas ng kuko niya. Maitim ang kili-kili, yak, super-cheap ang color ng hair, parang ibinabad sa zonrox ang buhok. At ang bilbil, nag-body fit pa! Eww. Baduy, grabe! Chaka, as in chaka to the max!
My gaz, ipinagpalit ako sa pangit na ‘yun na antaba?! I cannot believe it! Hindi ko matangap! Asan ang logic dun! Utang na loob, paki-explain! Hindi ko ma-gets! Ano pa ang hahanapin niya sa akin? Mabait ako, maganda, sexy, may trabaho, disente. Ipinagpalit ako sa babaing pangit, mataba at ka-cheapan!
Uhm..teka lang, te. Hindi ko rin ma-gets. Eh di ba ang ganda mo? As in ang ganda-ganda mo. Kung sa ideal woman pa, ikaw na yun. Kung sa contest pa, grand prize ka. So….bakit ka iniwan? Ang tanga naman ng ex mo no? Meron na siyang naminang ginto, naghanap pa ng tanso. Kumbaga naka-Iphone6 na siya, bumalik siya sa 3210?
Eh bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ko nga alam eh!
Hmmm, baka naman ilusyon mo lang na maganda ka. Ops, hwag ka naman agad mapikon diyan. Nagpapaliwanag lang ako. Alam mo kasi, kapag emotional tayo, nagiging irrational tayo. Dahil sa nasaktan nating puso, siyempre defense and coping mechanism natin ang pride. Pero dahil diyan, lahat na ng bagay na may kinalaman sa taong nakasakit sa atin ay pangit sa paningin natin.
Kaya ang tingin mo sa new girl ni Ex ay female version ni Shrek (but I find Shrek cute and loveable) ay dahil lumalabas ang pagiging narcissist natin kapag nasaktan tayo o na-reject tayo.
Pero kung i-a-analyze mo ang mga nangyari, simple lang naman yun. Yung bagong GF ni EX ay walang kinalaman sa yo. Bagong chapter na yun ng buhay niya. Nag-turn the page na siya sa Chapter 5, ikaw naiwan pa rin sa Chapter 2. Yung new love niya, hindi pangit yun sa paningin niya kundi dyosa sa ganda. Di ba, beauty is in the eye of the beholder? Kung baluga ang tingin mo dun sa girl, exotic ang tingin sa kanya ng mga blue-eyed hombres na kamukha ng crush na crush mong si Channing Tatum. Ayaw ng mga white guys ang mga babaing nilalagok ang glutathione o tinitira na parang heroine sa mga ugat. Gusto nila may kulay na balat. O ha, wag mapikon, nagsasabi lang ako ng true. Pero ang mga Pinoy naman ay mahilig sa mga labanos, so go lang sa gluta at maxi-peal, te. Okay ‘yan. Pero yun nga, ang ganda ay depende yan sa tumitingin. Don’t judge beauty by the skin tone. Saka wag masyado sa gluta kasi ang init-init na dito sa Pinas at habang pinapatay mo ang melanine sa balat mo, prone ka sa skin cancer, hala ka.
Kaya…tigilan na yang kai-stalk mo kay Ex. Move on na. Iniwan ka na, please naman, isalba na ‘yang natitirang dignidad mo sa sarili at tanggapin mo na na wala na kayo at hindi ka na niya gusto o mahal. Yun lang talaga ng gamot diyan sa baliw-baliwan phase mo. Acceptance.
Lubayan mo na ang Instagram ni Ex. Tigilan mo na kapapadala ng hate mails at texts dun sa girl niya. Hindi mo mapapabalik si Ex mo sa ganyang paraan. Dahil kung babalik siya, hindi ka na niya iniwan in the first place. Naglalaro lang siya? Ikaw ang tototohanin niya in the end? Aba, payag ka nun, na pag half-time eh doon siya lumalandi sa cheerleaders? Tapos babalikan ka uli pag game na. ‘Te naman, respeto sa sarili, asan na? Kapag ang lalaki di ka nirerespeto na hindi ka pa niya asawa, lalo ka niyang babastusin kapag asawa ka na niya. Bakit? Simple lang. Kung hindi siya natakot na gaguhin ka na hindi pa kayo kasal at pwede mo pa siyang iwan, ano pa kaya kung kasal na kayo at hindi mo na siya pwedeng basta iwan?
Kung saan ka nadapa, doon ka babangon? Te, utang na loob, panahon pa ni Jose Rizal ang motto na yan. Babarilin ka sa Luneta katulad niya, sige ka.
Hindi ka nadapa. Natisod lang. Ang nadapa ay ‘yung nagpakasal talaga sa talipandas na lalaki sa kabila ng katarantaduhan nito. Iyong kumuha ng batong ipupukpok sa ulo habang-buhay. For life yun kasi walang divorce dito. Gusto mo nun? It’s a crime against humanity. Your humanity. Maawa ka sa future mo.
Kaya wag mo ng karerin na mapabalik mo sa ‘yo si Ex. ‘Yaan mo na yun.
Move on na, K?
Yun.
PS. Maganda ka (sabi ng nanay mo), pero mas maganda kang tunay kapag maganda ang pakiramdam mo sa kalooban mo.

YOU ARE READING
CRACK SHOT (sex, lies and all kinds of female shit)
HumorHOW WOULD YOU DESCRIBE A BABE ON LOVE CRACK TRYING TO CRACK YOU UP ON THE VERGE OF CRACKING? That's what this work is all about. Sense of humor required before reading.