At Home

16 9 4
                                    

Third Person's POV

"Mommy, please.. Hindi ba talaga ako pwedeng sumama?" pakikiusap ng isang siyam na taong gulang na bata na si Joy sa kanyang ina. 

Bumuntong hininga si Elsa "Anak, bawal kasi ang mga bata doon," ngumiti siya sa kaniyang anak "'tsaka mas ligtas ka dito sa bahay, kaya dito ka nalang okay?" dagdag niya.

"Anak, bibilhan ka na nalang namin ng maraming laruan," pagsingit ni Fred. Sumimangot naman ang bata. 

"Ayoko! Marami na akong laruan! Gusto kong sumama!" sigaw ni Joy habang nagpapadyak. Umupo si Fred at lumebel sa kaniyang anak. Hinaplos niya ang buhok nito. 

"Anak, mabilis lang kami, promise, nandito naman ang yaya Gina mo, babantayan ka niya habang wala kami ni mommy mo," nakangiting sabi ni Fred pero tinakbuhan lang siya ng bata at nagkulong ito sa kaniyang kwarto. 

"Maam, hindi naman sa nakikialam po ako, pero bakit hindi nyo nalang po isama si Joy?" tanong ni Gina. Nagkatinginan naman ang mag-asawa at ngumiti si Elsa kay Gina. 

"Delikado doon, Gina, mas mabuti siguro na magpaiwan na lamang siya dito sa bahay." 

"Sandali lang naman kami, hindi kami aabutin ng hating gabi," si Fred.

Natahimik si Gina. Naawa kasi siya sa kanyang alaga dahil halatang gustong sumama nito pero wala naman siyang magagawa kung ito ang desisyon ng kaniyang amo. Hindi rin nagtagal at nagpaalam nang umalis ang mag-asawa habang ang kanilang anak ay nasa kwarto parin at nagkukulong. 

"Hindi nila ako mahal," sabi ni Joy habang nakadapa sa kaniyang kama at may ginuguhit sa kaniyang drawing book. Tumakbo siya sa bintana ng makarinig siya ng sasakyan at lalong napasimangot nang makitang umalis na ang kanyang mga magulang at iniwan siya. Kinuha niya ang kaniyang teddy bear at tinapon ito dahil sa inis. 

Nakarinig siya ng katok sa pintuan kaya napatingin siya doon at bumukas naman ito at iniluwa ang kaniyang yaya Gina. Nakangiti ito at may dalang tray na mukhang naglalaman ng pagkain. Nakatingin lang siya dito habang lumalapit ito sa kanya na nakangiti. Nang makalapit ay binaba nito ang tray at inayos ang buhok niya. 

"Joy, huwag ka sanang sumama ang iyong loob sa mga magulang mo dahil hindi ka nila sinama," tinabig ni Joy ang kamay nito at sinamaan ng tingin.

"Hindi nila ako sinama, yaya!" bumuntong hininga si Gina. 

"Joy, intindihin mo ang mga magulang mo, ha? Ang sabi nila ay mas magiging ligtas ka dito, siguro delikado ang pupuntahan nila," tumitig naman si Joy sa yaya Gina niya. 

"Bakit yaya? Saan ba sila pupunta?" napaisip naman si Gina ng palusot dahil hindi rin nagsabi ang kaniyang mga amo kung saan nga ba sila pupunta. 

"Ang alam ko ay pupunta sila sa isang hotel at sa hotel na iyon ay may mga bad guys," umirap naman si Joy. 

"Sa nga movies lang naman iyan eh!" tumawa ang yaya Gina niya. 

"Mabuti pa kumain ka na muna ng hapunan baka malipasan ka pa," tumango lamang si Joy at kinuha ang tray at nagsimula ng kumain. Liniligpit ni Gina ang mga kalat sa kwarto ng bata habang naghihintay na matapos itong kumain. Nang matapos na si Joy ay binaba din agad ni Gina ang pinagkainan nito at naabutan si Abel, ang driver ng pamilya nila Joy. 

"Oh? Akala ko ba uuwi ka ng maaga ngayon?" tanong niya kay Abel, tumingin naman ito sa kanya at huminga ng malalim. 

"Nasira ang kotse eh, kailangan ko pang ayusin iyon bago umuwi," kumamot ito sa ulo niya at tumango lang si Gina. Nang umalis na si Abel ay nagsimula na siayng maghugas ng pinggan. 

"Ate! Mag day-off ka kasi bukas please!" 

Pumasok sa isip niya ang pakikiusap sa kaniya ng kaniyang nakababatang kapatid kanina nang tumawag ito sa kaniya. Graduation kasi nito bukas at nakikiusap ito na sana ay lumiban muna siya sa trabaho para panoorin ang kaniyang graduation. Ngumiti siya. Tinanggihan niya kasi ito kanina dahil balak niya sana itong sorpresahin bukas sa mismong graduation nito. Wala kasi siyang masyadong oras sa kanyang nakababatang kapatid dahil sa kanyang trabaho. Bumuntong hininga siya. 

At Home || OneshotWhere stories live. Discover now