chapter 21(you're a...)

334 18 0
                                    

YASSEY'S POV

"Yassey gising... Baka malate ka at baka mainip ang naghihintay sayo" sabi ni lola sa akin

"S-sino? Si romeo po ba?"

Hindi ko naman sinabi na sunduin nya ako

"Si Jacob" at lumabas na siya sa kwarto ko

Jacob? Anong ginagawa nya dito?

Ginawa ko na ang aking daily routines at tsaka bumaba na

"Ang tagal mo" bungad na sabi ni jacob sa akin

"Hindi ko naman sinabi na sunduin mo ako"

"Bakit hindi si romeo? Diba nobyo mo siya?" Pasulpot na tanong ni dad

Tss.. Kahit kailan hate na hate nya si jacob! -,- hindi naman siya masama eh..

"Uhmm dad. Alis na ako, jacob Tara na"

At hinila ko siya palabas sa amin

"Mukhang hindi talaga ako gusto ng dad mo, si romeo ata gusto nya. Sabagay nobyo mo"

"Ewan ko kay dad... Sana wag ka magalit sa dad ko. Sorry"

"Okay lang"

At niyakap ako ni jacob at nagulat ako ng nakita ko si romeo na nakatingin sa amin

"Jacob ano ba"

Ngumisi lang siya.. Tss. May nakakatawa ba?

"Ro-romeo... Bakit andito ka?"

"Sunduin sana kita. Tara?"

Sabi nya sabay abot sa kamay ko

At inabot ko ang kamay ni romeo

"Jacob, sige bye"

At nakasimangot lang syang naka tingin sa amin.

---

Napansin kong umiba ng direksyon si Romeo , saan nya ba ako dadalhin?

Papunta kami sa may kagubatan.

"Mag hintay ka sumikat ang araw, masyado pa kasing maaga.." Sabi nya

Bakit? Anong gagawin namin sa araw.

"Kung may matutuklasan kaman.. Sorry kung hindi ko sinabi sa iyo, at sana maintindihan mo"

ROMEO The half blood princeWhere stories live. Discover now