Chapter 12

1.5K 48 1
                                    


C H A P T E R 1 2

Jaira POV

Si Rain?!

" T-Teka paanong ako? Bakit may mangyayari sa akin? " Nanginginig na tanong ko.

Bumuntong-hininga si dad. " Lahat ng naging karelasyon ni Rain ay nakakatanggap ng death threats at isa ka na sa mga iyon. "

Shit!

" Pero matagal na kaming walang koneksyon? Paano naman nalaman ng kung sino mang tao na yun na may naging relasyon kami ni Rain?! " Natatarantang ani ko kay daddy.

" Hindi rin namin alam ang sagot dyan princess so please calm yourself first. Walang maitutulong ang pagpapanic mo. " Ani dad. Tumango ako at niyakap na lang ang anak ko.

" Bukas na bukas ay agad kayong babyahe papunta sa resthouse at doon muna kayo mag-s-stay hangga't di pa nahuhuli ang may kagagawan nito. " Ani dad.

" P-Pero napasok sa school— "

" Don't worry about that. Ako na ang mag-aasikaso ng lahat ang importante ay makalayo kayo ng apo ko. "

Nangingilid ang luhang niyakap ko si dad. " Pasesya na daddy hanggang ngayon di ko pa rin kayang protektahan ang sarili ko maging ang sarili kong anak. "

Niyakap ako ni dad. Naramdaman ko naman ang kamay ni mommy na hinahagod ang likod ko. " Wala yun anak. Kahit anong mangyari ikaw pa rin ang nag-iisang anak kong babae at gagawin ko ang lahat maprotektahan lang kita, kaya huwag ka ng umiyak. "

Tumatangong niyakap ko pa siya at nakisali na din si mommy maging si Raileigh ay ganun din.

" Hey may group hug pala dito hindi niyo man lang kami sinasabihan. Group hug! "

Lahat kami ay natawa ng bigla na lang sumulpot si kuya Jaico kasunod si kuya Jander.

" Namiss ko 'to. Lahat ng ito. " Ani ko.

——

Kasalukuyang naglalaro sa pool sina kuya kasama si Raileigh ako naman ay nasa gilid lang at nakalublob ang paa.

Napangiti ako ng makitang masaya at may ngiti sa labi ni Raileigh.

" Alam mo hija, mas sasaya ang anak mo kung makakasama niya na ang daddy niya. "

Napalingon ako kay mommy at may kung ano sa ngiti nito na hindi ko maintindihan bago ito pumasok sa loob ng bahay.

Ano daw?

" Mommy sali ka samin dali! " Bibong yaya sa akin ni Raileigh.

Lalayo na sana ako ng hilahin ako nina kuya sa pool kaya nabasa na din ako. Nakipaglaro na lang din ako sa kanila.

——

" Mag-iingat kayo princess. " Ani dad.

Tumango ako at yumakap sa kanilang dalawa.

" Nandoon na sa resthouse ang makakasama ninyo kaya no need to worry. " Ani dad at ngumiti ito.

Makakasama? Maids?

Sumakay na sa van si Raileigh kaya naman sumunod na ako. Nagba-bye na kami hanggang sa makalayo ang van.

Napatingin ako sa phone ko ng nag-vibrate iyon.

' Honey! Ingat kayo ni Rairai. Love you! ' text ni kuya Jaico.

Napangiti na lang ako.

Buong byahe ay tulog ang anak kong mukhang napagod sa pakikipaglaro sa mga uncle niya kahapon. Napailing na lang ako.

" Ma'am Jaira nandito na po tayo. " Ani ng driver. Tumango ako at ginising na si Raileigh.

Nauna na itong pumasok sa loob ako naman ay tinulungan pa yung driver na ilabas yung mga gamit namin.

Akala ko ba may maid dito?

Tiningnan ko ang kabuuan ng resthouse. Agad kong narinig ang tunog ng dagat ng makapasok ako sa loob. Tabing dagat nga pala ito. Dinama ko ang simoy ng hangin sa aking balat.

" Mommy! "

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses ni Raileigh. Agad kong hinanap ang anak ko at nakarating ako sa likod ng resthouse. Nakita ko ang anak ko na malapit sa dagat pero agad akong napatigil ng makilala ang lalaking katabi nito.

Napaatras ako. " A-Anong ginagawa mo dito? R-Reiji?! "

" Mommy makakasama daw natin dito si Daddy. "

" Miss me Jaira? "

A Night with Him Where stories live. Discover now