Chapter Nineteen

18.6K 1.4K 1.7K
                                    

Chapter Nineteen

ANYA

"Doon muna ako sa inyo mag i-stay."

Isang segundo. Dalawang segundo. Tatlong segundo. Hindi umimik si Blue. Tila hindi niya alam ang isasagot sa sinabi ko.

Nag aalinlangan siya? Nag dadalawang isip? Bakit? Samantalang kahapon siya mismo ang nag alok sa akin.

Binawi ko ng ngiti at mahinang hampas sa braso ang sinabi ko.

"Joke lang. Babalik na ako sa apartment."

"Teka... bakit? Okay ka lang ba mag-isa? Wait, sa amin ka? Sige wait ah—" napatingin siya sa tapat ng bahay nila. Tila hindi alam ang gagawin.

He's really hesitating, huh?

"Ayos lang, Blue," sabi ko. "Uuwi na ako. Kaya ko."

"Pero Anya—"

"I'm not as weak as you think."

Bahagyang natigilan si Blue sa sinabi ko at napayuko, "okay, I'm sorry. I'm just worried."

Nginitian ko siya, "wala ka naman dapat ipagaalala. Hindi mo ako responsibilidad."

"But still! Pag hindi ka okay tawagan mo ako ah?"

Ngiti lang ang tanging isinagot ko sa kanya bago ako pumasok ng tuluyan sa loob ng bahay nina Vanna.

Gusto niya ako, sigurado ako doon. Alam kong hindi niya yan ginagawa dahil isa siyang mabuting kaibigan. Hindi ako tanga para hindi makabasa ng motibo ng mga tao.

Gusto niya ako.

Pero hindi katulad ng pagkagusto niya kay Vanna.

Napahinga ako nang malalim at naupo sa porch ng garden nina Vanna. Naglabas ako ng yosi at sinindihan ko ito.

Do I like Blue?

He's okay.

Do I want to pursue him?

Natigilan ako dahil ang unang pumasok sa utak ko ay oo.

Hindi dahil gusto ko siya, hindi dahil mahal ko siya, kundi dahil kailangan ko siya. And yes I hate myself more for thinking like this.

Pero pagod na rin kasi ako malungkot. Baka siya ang makakatulong sa akin.

~*~

VANNA

Gagawin ko ba talaga 'to?

I'm looking myself at the mirror. Naka dress—which hindi ko madalas gawin, nakalugay ang buhok, on point ang kilay at eyeliner at medyo effort ang make up. Pero mag d-dinner lang naman ako kasama si Uno.

Ilang beses na ba akong nag dinner kasama si Uno na kaming dalawa lang? May ilang beses na rin. Pero ngayon lang kami lalabas bilang----wait ano nga ba kami?

Is by mere agreeing to this date a sign na pinapayagan ko na siyang manligaw?

Parang gusto ko ulit umatras. Sa totoo lang, nag ayos ako hindi dahil sa excited ako. Nag ayos ako kasi natatakot ako and everything is just my shield and mask to hide what I'm feeling right now.

Kathang IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon