I

123 32 70
                                    

For BaMeloxxx and her affection to kuya attorney slash engineer. Enjoy reading!

•••

Jewel

"Hoy. Bilis na, turuan mo na ako. Malapit nang dumating si Ma'am, oh!"

Lalong naningkit ang singkit kong mga mata dahil sa narinig ko. Gusto ko na talagang batukan 'tong kumag na 'to, eh. Kanina pa ako nag-aabang dito, ha.

"Saglit lang, tatapusin lang namin 'to," saad niya at iginalaw ang kamay niya para itulak ang isang chess piece pasulong.

"Kanina pa kaya kayo d'yan! Hay nako Mark, sasapukin na talaga kita, eh!" Napakagat na lang ako ng labi nang aksidenteng malaksan ang boses ko. Nako-conscious kong inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng library kung nasaan kami ngayon. Kami na lang ang natitirang estudyante. Jusko, sana hindi napansin ng librarian ang pag-iingay ko.

"Ineng, rule number four."

Nakakaloka. Nang magtama ang paningin namin ni Miss Lita the Librarian, binigkas niya ang mga salitang iyon sabay senyas sa akin palabas ng pinto. Napa-peace sign na lang ako sa kanya at ngumiti nang pilit habang dahan-dahang lumingon sa lalaking ipinunta ko rito.

"Ang ingay mo raw, labas na. Shoo!"

Aba? Ang kapal talaga ng mukha nitong mokong na 'to at ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Agad akong tumayo sa pagkakaupo at sinagi ang chessboard na pinaglalaruan nilang dalawa bago dire-diretsong lumabas ng pinto. Narinig ko pa ang mga pabulong nilang reaksyon dahil nagtumbahan ang pieces pero wala akong pakialam. Mag-chess sila d'yan habambuhay. Pinaghintay pa ako, kaloka.

Napatingin ako sa relo ko at nakitang 12:57 na, tatlong minuto bago ang afternoon class namin. Patay, male-late na ako!

Ang mabibilis kong hakbang ay ginawa ko nang takbo. Ayokong ma-late! Jusko, mahuli na ako sa ibang subjects 'wag lang sa Math! Ay kennat!

•••

"You know the rules, right? Every time that you show up late in my class, you have to perform a talent number to get in."

Ang ugong lang ng air con namin sa classroom ang maririnig ngayon. Seryoso ang lahat habang nakatingin kina Mark at Ryan at nakatayo ngayon sa harapan. Seryoso nga ba?

Kagat-labi na si Ryan na nagpipigil ng tawa habang gumagala naman ang tingin ni Mark sa aming mga kaklase niya. Nang tumingin siya sa akin ay mabilis kong inilabas ang dila ko bilang pang-aasar. Ano kayo ngayon, ha? Chess pa more!

"Ano na? Show us something. Or else, you'll stay outside for the rest of my period." Nagkatinginan pa ang dalawang tungaw sa harapan. Halatang wala silang maisip na gagawin kaya naglakas-loob akong tumayo.

"Excuse me po, Ma'am. Suggestion ko lang po, pakantahin niyo na lang po sila ng "Sorry Na" para may apology. Saka padagdagan niyo na rin po ng dance steps para mas maganda." Napangiti ako nang bongga pagkatapos noon. Napatango naman nang kaunti si Ma'am Regina at binalingan ulit ang dalawang hindi pa rin alam ang gagawin.

"You heard Jewel, right? Kapag kinanta niyo 'yon, okay na." Nginitian din ni Ma'am sina Mark at sinabayan pa ng pagtaas ng kilay.

Ang bongga niyo, Ma'am! Bet ko na kayo. 'Wag niyo lang sanang maalala ang assignment. Fingers crossed!

•••

"Sorry na, talaga, kung kami ay late~"

"Nay, sa siwal ni Jewel."

Napahagikhik na lang ako habang nakasunod dito kay Mark. Napilitan kasi silang gawin ang suggestion ko noong Math time, at sa sobrang pagka-entertain ni Ma'am Regina, nakalimutan niya na ang assignment. Ang kapalit lang ay ang panibagong kahihiyan nina Mark at Ryan, pero okay lang 'yon, masaya naman ang majority.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reverse Factor Theorem [ONE-SHOT]Where stories live. Discover now