1

6.6K 105 14
                                    

Ishi Panget

iMessage
6:45 AM

Aki! Good morning!

7:28 AM

Akiii, finals game 1 na ngayon.
Kinakabahan akoooo! 😭😭

8:01 AM

Bakit ka kinakabahan?
Nag-training naman kayo.

8:16 AM

Ay good morning din sa'yo, Ishi! 😅
Kahit kailan talaga sariling sikap sa'yo, Aki. Hmp!
Anyways, nakakakaba pa rin kaya. 😰
Siyempre! Palarong Pambansa 'to, boi!
Ibang level na 'to.

Kala mo naman first time sumali ng Palaro.

Iba na ngayon.
I'm the captain of the WVT, so mabigat na responsibility 'to.
Best among the best na 'to sa buong country.
Huhuhu, palibhasa sure win na yung MBT niyo. 😖

Magaling kami, eh. 🤷‍♂️

Yabang mo po, ano? 😫

8:32 AM

Nood ka ba mamaya?
Cheer mo naman ako saka yung team. 🥺

Di naman ako kasali sa pep squad.
Bakit kita i-chi-cheer?

Taena mo talaga, dela Cuesta. 😠
Napakabait mong kaibigan.
Punta ka na, please?
It'll help me relax if I see you on the stand.
Pretty please???

9:22 AM

Aki, sige na. Nood ka na.
I'll treat you after the game sa fave mong bilihan ng street foods.
Di ko isusumbong kay Tita Abby, promise. 😉

9:30 AM

Maawa ka naman sa best friend mo.
Watch our game na, plsss?

Di kita best friend.
Si Guillermo best friend ko sa pagkakatanda ko.

Sakit mo naman magsalita. 💔
All along akala ko aports tayo. 😭

Ewan ko sa'yo.
Mag-warm up ka na. Baka sakaling manalo pa kayo.

Wow, salamat sa paniniwala, boi. 🙃

9:59 AM

Aki, nood ka na pls.

Pag-isipan ko. May gagawin pa ako.

Please?

Kulit.

12:38 PM

Magsa-start na yung game.
Wala akong nakikitang matangkad na nakasalamin sa bleachers. Di ka talaga manonood?

12:46 PM

Huhuhu sige kahit pagdasal mo na lang kami. 😖

3:57 PM

We lost, Aki. 🙃
Shit, nakakahiya sa buong DLSA community.

Wag ka lalabas ng dug-out.
Hintayin mo ko, susunduin kita.

8:50 PM

Thanks, Aki. For letting me cry my heart out. 🥺
At siyempre, sa libreng pagkain.
I should be the one to treat you kasi nanood ka pala ng game, pero ikaw pa tong nanlibre.

You're right, though. Di ako dapat panghinaan kasi 1st game pa lang naman. We still have four more to go. Babawi kami! 💪

Itulog mo na yan, uhugin. Haha.

Bastos din yang bibig mo, 'no? 😖
Panira ka ng moment, lintek ka!

Yung varsity jacket ko ibalik mo, ah.
May game kami sa Friday.

Yes po, Captain! ⛹️‍♂️
Yung panyo mo din pala.
Sabay na lang sa Thursday ng hapon.
Papalabahan ko muna.

Sa'yo na 'yang panyo ko.
Nabahiran mo na ng sipon, eh.

Grrr! Ang ayos mo talaga kausap. 😠

Matulog ka na, panget. Wag ka na umiyak.
Wala ako diyan para punasan ilong mong tulo sipon.

I HATE YOU AKIO MIKAEL DE LA CUESTA!!!!!
😠😠😠😠😠😠

Ge. Good night. 😌

BANGUNGUTIN KA SANA DIMUNYU KA! 😖😠
Read 9:10 PM

Subtle HeartWhere stories live. Discover now