Chapter 1

6 0 0
                                    

3rd person POV

Past  -18 years ago-

"Baby! Namiss mo ba si Daddy?" Sabi ni Alfredo sa kaniyang anak na babae.

"Yes daddy! I miss you so much" ika ni Isabela, sabay akap sa kaniyang ama. Hinalikan niya ang kaniyang ama at sila'y nagbonding.

"Ah babe, nakalimutan ko! Babalik raw pala sila ate Mendy ngayon. Dito na raw muna sila matutulog hanggang sa isang araw. Mag-order nalang tayo ng pagkain. Sigurado akong malapit na ang mga yon" sabi ni Alfredo sa kaniyang misis na si Amanda.

"Sige babe, hindi na rin sapat yung oras kung magluluto pa ako" sabi ni Amanda kay Alfredo.

"Wait lang baby ha. Oorder lang ng pagkain si daddy" tumango at ngumiti nalang si Isabela.

-30 minutes after-

"Ate!" Sabay beso ni Amanda kay Mendy.

"Uy Amanda sorry ha. Full na kasi yung hotel na pagstastay-an sana namin. Si mamita kasi di nagpa-advance booking eh!" Sabay tawa ni Mendy.

"Anong ako? Ikaw nga pinapabook ko non eh!" Sabay singgit ni Mamita. Napangiti nalang ng pilit si Mendy. 

"Nako tita okay lang. Welcome na welcome kayo dito. Atsaka masaya si Isabela" sabay turo kay Isabela na ngiting ngiti kasi kalaro niya ang mga pinsan niya. Tumawa nalang sila.

-Kinabukasan-

"AAAHHH! Mommy may stranger sa kwarto ko! Sino ka po?!" Sigaw ni Isabela paggising niya.

"Isabela si auntie Mendy lang ito. Ano ka ba" Sabi ni Mendy na mahinahon.

"Po? Wala po akong kilalang auntie Mendy" sabi ni Isabela na confused na confused padin.

"Anak bakit? Anong nangyari?" Natatarang tanong ni Amanda sa kaniyang anak.

"Siya po kasi. Hindi ko po siya kilala" sabay turo ni Isabela kay Mendy. Kumunot naman ang noo ni Amanda.

"Anak si auntie Mendy mo yan. Hindi mo ba naalala? Kagabi magkatabi kayo matulog" nakangiting sabi ni Amanda sa kaniyang anak.

"Hi-hindi ko po maalala. Wala po akong naaalala sa nangyari kagabi. Sino sila mommy?" Tanong ni Isabela sa kanyang ina sabay turo sa mga pinsan niyang nasa loob na ng kwarto niya.

"Te-teka. Ha? Pa-anong.. paanong hindi mo sila kilala?" Tanong ni Amanda na natataranta at naiiyak na.

"Nakuha niya sa lolo niya." Ika ni Mamita na pinukaw ang atensyon ng lahat ng nasa kwarto.

"Ma.. hindi. Hindi pwede" natatarantang ika ni Amanda.

"Babe Hindi pwede! Hi-hindi pwede" sabay lapit kay Alfredo. Inakap lang ni Alfredo si Amanda.

"Lumabas muna kayong lahat." Ika ni Mamita. Lumabas na silang lahat pwera kila Amanda, Alfredo at Isabela.

"Anak, wala na tayong magagawa. Gawin nalang natin ang ginagawa natin noon sa papa mo" sabi ni Mamita kay Amanda. Nagakapan nalang ang magina.

______________________________________

-Present day-

"Good morning world!" Ika ni Isabela pagkabangon niya. Pagkatingin niya sa side table niya, nakita niya ang isang cellphone. Pagkabukas niya, ang lockscreen ay

'Isabela, may sakit ka. Namana mo ito sa lolo mo. Hindi mo naaalala ang nangyari sa past mo. Ni kahapon wala kang maaalala. Wag mong subukang alalahanin ang nangyari kahapon, dahil sasakit lang ang ulo mo. Si Mommy Amanda and Daddy Alfredo lang ang naaalala mo. Sinusulat mo sa purple na notebook lahat ng nangyayari sayo. Ngayon, gusto kong isulat mo lahat ng mangyayari sayo ngayong araw. Wag mong kakalimutan

-Isabela '

Pagkatapos niyang basahin, nakita niya ang purple na notebook na katabi lang ng cellphone niya. Nagbasa muna siya ng nangyari kahapon pagkatapos ay bumaba na siya sabay bati sa kaniyang ina at ama.

"Hi mommy hi daddy"

"Good morning anak. Tara na kain na" sabi ng magasawa sa kanilang anak. Ngumiti lang si Isabela at umupo na.

"Sino po siya?" Sabay turo ni Isabela sa taong kakaupo lang sa tabi niya.

"Si auntie Mendy mo anak. Ate ko" sabi ni Amanda na halata sa mata na nagluluksa.

"Ah. Hi auntie Mendy" ngumiti naman ni Mendy sa kaniyang pamangkin.

-20 minutes after-

Tinulungan nang mag-ligpit ng lamesa ni Isabela si Amanda. Pagkatapos nila mag ligpit, sila ay nag kwentuhan. Routine na ang pagkwento ni Amanda sa kaniyang anak sa nangyari kahapon, kahit hindi niya ulit ito maaalala kinabukasan.

"At iyon ang nangyari kahapon" sabay hawi ni Amanda sa mukha ni Isabela.   

"Grabe naman pala yon mommy. Kaya pala medyo masakit likod ko kasi nahulog pala ako haha" sabay tawa nilang 2.

"Oh siya, anak samahan mo ako sa mall ngayon. Diba kwinento ko sayo na mag-bibirthday na ang pinsan mo? Kailangan natin bumili ng regalo." Ika ni Amanda.

"Sige po mommy. Maliligo na po ako" sabay ngiti ni Isabela sa kaniyang ina. Ngumiti at tumango nalang si Amanda.

-1 hour later-

"Anak! Hindi ka pa ba tapos?" Sigaw ni Amanda galing sa baba.

"Tapos na po mommy! Wait lang po" ika ni Isabela habang nagmamadaling ilagay ang kaniyang doll shoes. Hinablot niya na kaagad ang bag niya at bumaba. Naka dark blue na dress si Isabela.

"Wow naman anak, ang ganda mo talaga. Bagay talaga sayo yang dress na yan. Lalo kang pumuputi" sabi ng kaniyang ina. Napangiti nalang si Isabela at umalis na sila. (A/N : kung tinatanong niyo kung nasaan si Alfredo, nasa trabaho siya. Umalis na siya kaagad pagkatapos nilang kumain kaninang umaga)

•Mall

Naglibot libot sila hanggang sa nakita na nila sa kabilang banda ang Blue Magic.

"Mommy ayun po oh" ika ni Isabela.

"Aba dito lang pala iyan eh san san pa tayo naglibot" sabi ni Amanda sa kaniyang anak. Palakad na sana sila sa kabilang banda ngunit, biglang naiihi na si Amanda kaya sabi niya sa anak niya na mauna na siya sa Blue Magic at susunod nalang siya doon.

Nung papunta na sa kabilang banda si Isabela, may biglang bumunggo sakaniyang lalaking tumatakbo. Napapikit nalang si Isabela. Sobrang lakas nung bunggo sakaniya na muntik na siya mahulog sa lapag, buti nalang may sumalo sakaniyang lalaki at sa hindi inaasahan, naghawak kamay sila. Pagkahawak kamay nila, biglang may mga bagay na hindi niya maalala. Mga tao at lugar na hindi niya makilala. Hanggang sa nakita niya ang isang ala ala na kakakwento lang sakaniya ng kaniyang ina kaninang umaga. Napadilat siya. Gulat na gulat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The UnexpectedWhere stories live. Discover now