Kabanata 1

2K 45 3
                                    

Zarylle's POV*

Naalingpungatan ako sa pagtulog dahil sa pesteng tumawag sa cellphone ko. Di'ko tiningnan kung sino ang tumatawag habang nakadapa. Sinagot ko nalang yun ng padabog.

"Hello! Ang aga-aga tumatawag ka kitang natutulog pa yung tao eh,Sino ka bang hinayupak ka?! Ha!Bullshit!" Nakapikit ako sa inis.

"Ehem"

Doon ko naimulat ang mga mata ko bago napatingin sa Screen ng Cellphone ko.

𝘖𝘩 𝘴𝘩𝘪𝘵!

"Ang Bastos sumagot, Gan'yan naba ang bungad mo sa'kin Dongsaeng? Anong oras kayo pupunta reto sa GW andito na lahat ng Gangster kayo nalang ang wala..Zarylle Bumangon kana! "

Nanindig ang balahibo ko sa sigaw n'ya. Dali-Dali kong binaba ang tawag bago kumaripas ng takbo para gisingin ang tatlong bruha.

Napatingin ako sa ibaba napatingin din sa'kin ang tatlo habang nakanguso.

"Di'ka namin ginising baka kasi mapilayan kami, Maligo kana at kumain bihis na kami oh?" Maikling sabi ni Hez.

"Nakita ko" Malamig kong tugon.

Goddamn! Fucking Damn it! Ugh!

Agad akong naligo at pagkatapos hinanap  ko ang damit kong black ng makita ko na ito sinuot ko na bago ko sinuklayan at nilugay ang buhok kong Black na Black.

Lumabas na ako ng kwarto habang naka pamulsa. Dire-diretso lang ako hanggang makababa ng hagdan, Pumunta ako sa kusina bago nagpalaman ng Sandwich. Bago ako naglakad papunta sa labas at nakita ko ang tatlo na nakasakay sa Motorbike nila, 'di sila gumagamit ng kotse pagpumupunta sa GW at ganun din ako Syempre.

Kinuha ko ang motorbike kong si Hamster sa garahe bago ko sinakyan at pinaandar.

"Mauna kayo."Nakangiwi akong tumingin sakanila.

"Race nalang tayong apat hanggang GW."Nakangisi si Ariana na tumingin sa'kin.

𝘕𝘢𝘯𝘨𝘩𝘢𝘩𝘢𝘮𝘰𝘯 𝘣𝘢 𝘵𝘰? 𝘛𝘴𝘬.

"Sige ba" Taas noong sabi ni Jer.

Tumango ako bilang sang-ayon nagstart na kaming apat na magrace sa kalsada. Natatawa nalang ako kasi maraming sasakyan ang dumadaan.

"1...." Unang bilang ni Ari.

"2..... " Nakangising bilang ni Hez.

"3..... " Napapailing naman si Jer habang nakatingin sa'kin.

"Go! "

Sigaw ko At pinaharurut ko motorbike bike, Apat kaming magkapantay habang nagrerace, napapailag ang mga sasakyan na iniilagan namin sa bilis namin magpatakbo. Natawa ako ng may biglang Huminto kaya napilitan akong Patakbohin sa Ere ang Motorbike ko.

"Hoooo! " Sigaw ko ng mag-isa nalang ako at sila nasa hulihan.

Wala parin talagang tatalo sa'kin, Magaling ako mag motorbike dahil sa Kuya ko at Isa akong Gangster hindi lang simpleng Gangster, Kinakatakutan ako ng lahat, pero walang Takot Sa'kin pag bloody night na ang usapan.

Pagkarating ko sa GW Agad akong Bumaba sa Motorbike ko, Ganun na din ang Tatlo na nakangiwi sa'kin. Paano natalo sila lakas mang-hamon tsk. Nakapamulsa akong Naglakad Hindi ko na pinag-aksayahan ng panahon pihitin ang Doorknob Dahil Sinipa ko na to Dahilan para manlisik ang mata ng Kuya ko.

"Sorry" Ngumiti ako. Natawa lang ng Tatlo sa likuran ko.

"Sinong nagsabing Sipain mo ang Pinto? "

THE  GANGSTER QUEEN √Donde viven las historias. Descúbrelo ahora