23

151 4 0
                                    

Chapter 23

"The doctor?!" frustrated kong sigaw sa kanya.

"Yes, got a problem?" nakataas niyang kilay na sabi sa akin.

Inis akong umiling sakanya at umirap sa kawalan. Mga nakamasid silang lahat sa aming dalawa at nag-oobserba ng kilos ngunit pinanatili ko ang inis kong mukha sakanilang lahat at inirapan sila.

May mga kasamang nurses si Timothy na dalawa at kapwa mga babae ito. Tiningnan nila ang Dad ko sa mga vital signs at kung ano pa at si Dad naman ay sinasagot ito.

Habang si Timothy naman ay tiningnan kung normal ang heartbeat ni Dad at chineck rin ang mga aparatus na nakatabi sa kaliwa at kanan ng kama niya. Tumabi rin muna ako ng saglit upang bigyan sila ng espasyo.

Ilang saglit pa ay patango-tango si Timothy habang sinusulat ang mga data sakanyang hawak na parang notebook na nakalagay sa metal upang suporta. Iniwas ko ang tingin ko sakanya ng ngumisi siya.

Wala naman sakanyang nagbago. Lalo pang nadepina ang kanyang panga, mga matang tila kulay abo ay lalo pang tumingkad. Habang ang kanyang mga pilik mata at kilay ay lalong umitim. Ang kanyang mga labi ay tila mamasa-masa dahil sa pagkapula nito.

Hindi ko maipapagkakaila na lalo siyang gumwapo makalipas ang walong taon. Alam kong gwapo siya noon pa man at inaasahan ko na lalong magiging gwapo siya. Ang kanyang mga biceps ay nagfle-flex habang nagsusulat siya at parang naging matured siya ng masyado dahil seryoso siyang nagsusulat.

Sa ilalim ng kanyang gown ay naka undershirt siyang blue na hapit na hapit sa kanyang katawan. Idagdag mo pa ang visible na 8 pack abs niya na hindi mo na kailangan hawakan dahil kitang-kita mo ito sakanya.

"Stare at me like I'm your favorite view" sabi niya sa akin na nakatingin sa akin na natatawa.

"No thanks. I've seen a better view than you" saad ko sakanya.

"Damn" he cursed while finishing his writing.

Nakailang ulit pa siya ng mura na hindi ko maintindihan kung para saan pa iyon. I don't want to assume but his gestures are giving me creeps.

Ang kanyang ngisi kanina ay napalitan ng simangot. Chance ko naman ito para ako ang ngumisi. I've observed him and kahit pagsusulat pa lamang ay passionate na siya. Paano pa kaya kung actual surgeries diba?

Wala akong balita sakanya. At ngayon pa kami nagkita at dito pa sa Hospital. Unexpected happenings do come true.

"Your Dad is fine. I mean, he doesn't have a symptoms of any sickness. But we should undergo some tests to make sure" sabi niya sa akin na nakasimangot pa rin.

"From the looks of you. I'm sure that my dad have an illness. I don't want bad vibes here, coz I want my father to be healed" sopistikada kong sabi sakanya na nakataas ang kilay.

Ngumiti siya ng abot tenga na halos wala na siyang mata sa pag-ngiti. It showed me his white full set of teeth. Bagay sakanya ngumiti pero kailangan kong pigilan ang sarili ko sa pagpupuri sakanya.

"Happy?" sabi niya sa akin at nagpauna ng lumakad kasama ang alipores niyang mga nurses.

Lumipas ang mga araw at pabalik balik ako sa hospital at firm namin. Hindi naman ako napapagod dahil si Dad naman ay nakikita kong unti-unti ng binabawi ang lakas niya.

Undergo tests are going to release later. And if my Dad doesn't have an illness. I'm going to discharge him immediately so that I could ripped him off on my life.

Alam kong move on na ako sakanya. Eight years na iyon at may sarili na kaming buhay na dalawa. Wala na akong pakialam kung ano ang gawin niya sa buhay niya.

Prior Against JusticeWhere stories live. Discover now