Broken Strings

4 0 0
                                    

"How can I give anymore
When I love you a little less than before."
|Nelly Furtado|


"Name?"

"Katalina Cepeda," I answered as the woman gave me my enrollment slip. Now, all I have to do is hand this to my teacher then done. I'm finally leaving this school.

Umalis ako sa linya at hinanap ang babaeng kasama ko kanina lang. Kanina pa ako nagugutom. Kung pwede lang sanang iwan yung pila ginawa ko na kaya lang hindi maaasahan mga estudyante rito. Mga selfish, err.

Hinanap ng mga mata ko ang aking kasama ngunit hindi ko siya makita.

What the eff? Nasaan si Samantha? I told her to wait for me at the Registrar's Office, where is she now?

"Kata?"

Humarap ako sa lalaking tumawag sa akin. Noong una hindi ko agad siya nakilala. Tanging ang gwapo niyang mukha ang na-digest ng aking hindi kalakihang utak. Ngunit nang mag-iisang minuto na ang nagdaan ay hindi ko na napigilan ang mapangiwi. Matutuwa na ba ako? Si Samantha ang hinahanap ko, hindi itong lalaking nagsisilbing reminder kung gaano ako ka-jeje dati!

I stood straight and crossed my arms. Sinubukan ko ring tanggalin ang ngiwi sa aking mukha pero wala talaga kaya hindi ko na pinilit.

"Sino ka?" Tila nagulat siya sa naging sagot ko dahil medyo nanlaki ang kanyang mga mata. Bumuka ang kanyang bibig para magsalita pero bago pa man may lumabas doon ay tinaas ko na ang aking kanang kamay at inunahan siya. "Wag na wag mo kong babarahin at sabihing inire ka at hindi sinuka, hindi ako marunong rumespeto ng joke!"

Tumawa siya at mukhang tuwang-tuwa pa sa warning ko. Ganyang-ganyan rin yung mga reaksyon ng mga lalaking tinadyakan ko dati. Sayang, buti na lang di ako pumapatol ng gwapo.

"Chill. Si Stav 'to, don't you remember me?" Nagtaas-baba siya ng kilay na mas lalong ikinalukot ng mukha ko.

Oh my God. Of course I do remember him! But heck, syempre hindi ko iyon aaminin. Tumaba pa atay nyan.

"I wouldn't ask kung naaalala kita." I tried so hard not to roll my eyes but I failed. Sana lang ay hindi niya nakita iyon, but if he did? Then damn it.

"We were classmates in elementary, also in grade seven. Hindi mo talaga naaalala?"

Umiling ako.

"Really? Akala ko pa naman hindi mo 'ko makakalimutan. You once told me na isa sa mga unforgettable moments mo ay noong binigyan mo ak-"

"May amnesia ako eh, bye." Tumalikod ako at mabilis na naglakad palayo sa lalaking iyon.

Oh my God! What the eff?! Did I really say that?

Lumiko ako at pumasok nang makakita ng Comfort Room. Halos magtatatalon ako nang makitang walang tao doon. Ni-lock ko agad ang pinto at nagtungo sa harap ng salamin para tingnan ang sarili. Chineck ko na rin kung may kahihiyan pa ba akong natira.

Nasampal ko ang sarili nang maalala ang sinabi ko sa lalaki kanina. May amnesia ako? Really Kata? How lame!

Stav Carlos. Sinong makakalimot sa pangalang iyon? Isang baliw na babae lang ang makakalimot sa isang Stav Carlos. At hindi ako baliw!

Well, baliw ako sa kanya dati. Bwisit. Yung mga katangahan ko noon, naaalala ko na naman, err.

Pinitik-pitik ko ang noo habang paulit-ulit na sinusumpa ang mga araw na iyon. Ang mga araw na nagkakandarapa pa ako sa kanya. Err, nandidiri na ako sa sarili ko. I should probably go home and wash myself to wash away the dumb Kata.

Broken StringsWhere stories live. Discover now