Chapter 39

1K 43 0
                                    

"Hello?" Tanong ng nasa kabilang linya. Nagtinginan naman si Lucas at Elaine.

"Hello, Hannah it's me, Elaine," sabi ni Elaine. Napagpasyahan na din kasi nilang pumunta na sa kung nasaan ang lugar ng sinasabing magulang ni Elaine kinabukasan.

"Oh my god Mica? Oh I mean Elaine, napatawag ka?" Napangiti si Elaine nang marinig kung gaano ka excited ng boses ng babae na tinawagan niya.

"Nagbabalak kasi kami bukas na pumunta sa lugar kung nasaan magulang ko, gusto ko kang makumpira. Ayos lang ba na sabihin mo sa akin ang exact address?" Tanong niya. Napatango siya kay Lucas na nasa tabi niya nakikinig din sa pinaguusapan nila sa telepono.

"Talaga ba?! Ako bahala I'll send you the address right away!" Sabi niya. Natatawa naman si Elaine dahil agad din pinatay ni Hannah ang telepono dahil sa pagkasabik na nararamdaman niya.

"So, it's settle?" Tanong ni Lucas nang maibaba na mismo ni Elaine nag cellphone niya.

"Hmm but can we get Sky with us?" Tanong niya. Ang balak ni Lucas ay iwan muna ni Sky sa magulang niya ngunit nag-aalala din si Elaine at walang kasiguraduhan kung hanggang kaylan sila mananatili sa lugar na iyon. Kilala niya si Sky mahihirapan aiya mag djust sa makakasama niya.

"You want to get him? Why?" Tanong naman ni Lucas. Wala siyany pagtutol ngunit gustong malaman ang dahilan mula sa dalaga.

"I'm worried, also use that day to have a bond with him," sabi naman ni Elaine. Napangiti naman ang binata dahil doon.

"Ok, I'll help you packed our things," sabi niya. Hindi namalayang naidapo na pala ang palad sa ulo ng dalaga bago ito ginusot. Napahinto naman sa balak na pagtayo si Elaine para ba itong natuod sa kinakaupuan.

Biglang inilayo ni Lucas ang kamay nang mamalayan ang ginawa bago sabay silang dalawang tumikhim.

"Ahh! O-ok!" Sabi naman ni Elaine bago marahas na tumayo. Lumipas na din ang ilang araw at lagi nalang silang ganoon na dalawa. Simula nang dumating sa buhay nila si Sky naging ganoon na ang binata. Noong una hindi talaga maganda ang pakikitungo ni Lucas ngunit nang tumagal-tagal at ginusto na nitong makipaglapit sa anak doon nagbago lahat. Hindi malaman ni Elaine kung nagpapasalamat siya at dumating sa buhay ni Lucas si Sky dahil siya din ang dalahilan kung bakit sila nagiging malapit ngayon.

Tila ba nabibitak ang pader sa pagitan nilang dalawa, ngunit dahil din sa mga madaling pangyayari hindi maiwasan ni Elaine na kabahan dahil natatakot itong mahulog pa ng tuluyag at hindi na makaahon pa. Walang kasigaruduhan na masusuklian ng binata ang pag-ibig na gusto niyang ilaan sa kaniya, darating ang panahon na iba pala ang ibig sabihin ng pinapakita ng binata sa kaniya, walang espesyal na motibo at iyon ang kinakatakutan niya.

HANNAH 

"Hannah saan ka pupunta maggagabi na," sabi ng aking mama. Palabas na kasi ako sa pintuan. Lumingon ako sa kaniya, kakarating lang pala niya galing sa opisina.

"Pupunta po ako kila ninang at ninong kakamustahain ko lang po sila," sabi ko. Nakita kong napabuntong hinaninga siya. Alam kong nag-aalala din siya sa kaniyang kumare dahil simula nga nang mawala si Mica.... ay mali Elaine, naging malungkot na sila. Sanay na din sila mama at papa na dinadalaw ko sila dahil nakakaramdam din ako ng guilt sa loob-loob ko.

Alam ko isa ako sa dahilan bakit nawala si Elaine, kung sana hindi ko siya kinunsinte o pinagtakpan hindi mangyayari ito, pero sa isang banda masaya ako para sa kaniya alam ko naman kahit ganoon ang nangyari naging maayos ang buhay niya at merong kumopkop sa kaniya.

"Sige, ingat ka, hindi na ako nakapaghanda ng ibibigay sa kanila ipakamusta mo nalang ako,"bsabi niya. Tumango ako bago ako tumakbo palabas ng bahay namin, dumiretso ako sa garage at kinuha ang aking sasakyan.

Tinanong ako ni manong guard kung saan ako pupunta sinabi ko din naman kung saan. Nagmaneho lang ako ng mga ilang minuto at nakadating ako sa tapat ng napakalaking gate, kulay itim siya.

Nakalimtan kong sabihin sa inyo bigatin talaga si Elaine lalo na ang magulang niya. Although malapit lapit lang din ang katayuan namin pero mas lamang siya. Magulang niya may ari ng 5 na company all over the world at iyong hacienda nila mismo ang pinagkukuhanan ng produkto na supply ng kompanya nila. Hindi na din ako magtataka kung may magkakaugaga na makuha siya lalo na sa mga taong pera ang gusto.

"Manong nandyan ko ba sila ninang at ninong?" Tanong ko sa guard. Sinisigurado ko lang busy kasi sila madalas at lagi din nas ibat-ibang country dahil sa business nila.

"Oo ijah pero paalis na sila may flight sila mamayang madaling araw," sabi niya bago binuksan ang gate. Tumango ako, nag-drive lang ako ng ilang minuto habang tanaw ko naman ang mga kabayo sa hindi kalayuan. Sa hindi kalayuan nandoon lahat ng mga tanim nila sa pinakadulo din ng lupain doon nakatira ang mga namamasukan dito. Sa sobrang yaman dahilan din kaya naghihigpit sila kay Elaine. Siguro dahil takot din sila na mapahamak siya. Ganoon naman ang magulang hindi naman sila magbabawal kung alam nilang hindi ikakaganda ng buhay ng kanilang anak kaso may negative effect din kasi sa sobrang higpit nakakasakal na din.

Nang maihinto ko ang aking sasakyan sa harapan ng isang napakalaking mansyon. Tumakbo agad ako paakyat sa hagdan hanggang sa makarating ako mismo sa tapat ng malaking pinto.

Nag scan lang ang mukha ko sa pintuan at maya maya pa may nagbukas na doon. Ang butler ng pamilyang Torres. Napabintong hininga ako at nagsipila pa mga katulong sa pinto akala mo naman kung sino ako.

"Good evening Miss hannah," bati nila sa akin nang makapasok ako. Nginitian ko lang naman sila sabay tango.

"Where's ninang ang ninong?" Tanong ko habang inililibot ang paningin sa buong bahay.

"Nasa living room miss Hannah," sabi nila. Nagpasalamat lang ako bago ako tumakbo papuntang living room. Doon ko sila nadatnan na busy sa pagtingin sa kung anong papel na nasa lamesa.

"Ninong! Ninang!" Pagkuha sa kanilang atensyon. Napangiti sila nang makita ako.

"Oh hannah napadalaw ka ijah," sabi nila. Umupo ako sa harapan nilang dalawa.

"I'm sorry po kung ngayon ko lang sasabihin ito. Nanggaling po kasi ako ng manila noong nakaraang linggo. Ayaw ko po sana isabi sa inyo para surprised pero rush na po eh," nagtataka silang nakatingin sa akin, hinihintay ang susunod kong sasabihin, "nakita ko po kasi si Mica sa manila..."

Kita kong napabitiw sila sa papel na hawak-hawak nilang dalawa, napanganga sa kanilang narinig. Alam ko nakakagulat din naman ang sinabi ko, ginulat ako ni Elaine kanina. Sana manlang sinabi niya ng mas maaga para makapaghanda ako at para ma surprise ko magulang niya, hindi ba.

"Ano ang sabi mo? Paki-ulit nga Hannah, tama ba narinig namin?" Tanong nila, malapad ang ngiti akong tumango dahilan upang mapalunok sila.

"Yes po, I already saw Mica and she will be here tommorow." Matapos ko maisabi iton nalalaki ang mata ko nang bigla nalang silang natumba sa sofa hanggang sa mamalayan kong nawalan sila ng malay.

Eh?! Ginulat ko ba sila ng masyado?

The Hidden Desire - COMPLETED Where stories live. Discover now