l a m p a r a

17 7 0
                                    



titindig ka ba kung ika'y aking tatawagin?
diringgin mo ba kung aking sasabihin?
kung iaabot ba'y iyong tatanggapin?

—aking lamparang nais kang yakapin



pagsilip ko sa bintana'y tatanawin mo din ba?
pag-awit ko sa dapit hapo'y mahihimigan mo kaya?
sa gitna ng ulan at gabi hanggang sa ito'y tumila

—lampara ko kaya'y maiibsan iyong lamig at luha



magpaka alipin sa aking lampara'y hiling
sa pagdating sana ng panaho'y makapilin
yaong liwanag ko sana'y matagpuan at hingin

—pagka't lampara ko'y buong pusong iyong maaangkin

Midnight ThoughtsWhere stories live. Discover now