1: Collide

125 7 11
                                    


"Kuya, matagal pa ba yan? Jusko naman, ngayon pa yata ako male-late!" She was wailing at the same time irritated. Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay ang ma-late, sa trabaho o sa kahit ano pang appointment.

"E ma'am may aksidente po yata kaya bumagal ang galaw ng mga sasakyan," turan ng kanyang driver.

Chineck niya ang kanyang Waze app sa kanyang cellphone. 'Accident reported ahead, estimated time in traffic 30 minutes.'

"OMG kuya! Male-late nga ako, takbuhin ko nalang po." Hindi niya inantay ang sagot ng kanyang driver, bumaba sya ng sasakyan at kumaripas ng takbo. Hahangos hangos siyang dumating sa studio kung nasaan ang rehearsals. At sa kakamadali niya, bumunggo siya sa nakasalubong nya.

Napapikit nalang siya dahil akala niya sya ay babagsak sa sahig ngunit may dalawang malalakas na bisig na humawak sa kanya. Sa sobrang gulat niya, pareho silang na out of balance.

'Ok na sana eh, hindi na ako susubsub sa sahig pero mukhang malas yata ako ngayong araw na to,' ipinikit nya ang kanyang mga mata at inantay ang paglagapak niya sa sahig ngunit laking gulat niya nang bumagsak siya hindi sa sahig ngunit sa mabangong halimuyak na nanggagaling sa dibdib ng pinagbagsakan niya. Nanatili siyang nakapikit at ninamnam ang manly scent ng kung sinu mang pinagbagsakan niya.

"Hey, are you ok?"

'Ang sarap pakinggan ng boses,' turan ng dalaga habang nakapikit pa rin siya.

"Miss?" Nakaramdam sya ng pagyugyog sa kanyang balikat.

Dahan dahan siyang tumingin sa mukha ng nagsalita, only to be mesmerized by the most beautiful and expressive eyes she's ever seen. Kung yung iba gusto nila ng mga chinito, ibahin nila siya dahil gusto nya ng mga matang nangungusap. Ang lalim ng kulay dark brown na mga mata na pinapaligiran ng prominenteng eye bags. Hindi pa rin siya nagsalita at nakatitig lamang sa lalaking nasa ilalim niya.

"This is getting awkward, I think we better get up." Narinig niya ang lalake na nagsalita.

Saka lamang sya bumalik sa huwisyo. 'Ay anu ba to, awkward nga!'

Dahan dahan siyang tumayo at inantay din na tumayo ang lalakeng nakasalo sa kanya. Dahil sa tagal ng pagtitig niya sa lalake ay nahihiya na sya kaya yumuko na lamang sya. Hiyang-hiya sya sa kanyang mga kilos at ramdam nya ang pamumula ng kanyang pagmumukha.

"Uhmm..sorry at salamat!" Nagmadali siyang tumakbo muli nang makita nya ang oras sa relo ng lalake. 'Hindi siya maaaring ma-late'

Nagmamadali siyang tumakbo sa studio kung nasaan ang rehearsal at masaya siya dahil umabot sya at hindi na-late, pero ang ka-collab nila na guest sa araw na iyon ay wala pa. Gayunpaman nagsimula na silang magrehearse ng kanilang mga prod. Excited silang lahat dahil wala pang nakakaalam kung sino ang bagong artist na makakasama nila sa prod sa araw na iyon. Basta ang balita ay galing daw itong US at gustong i-pursue ang kanyang career sa Pilipinas.

'Tsk, mapapalaban na naman tayo sa Englishan neto,' sa isip isip nya.

Malapit na silang matapos sa rehearsals ngunit wala pa ang makakasama nila sa collab nang biglang may narinig silang sigawan at ingay sa labas ng studio. "Ahh, ang pogi, OMG!" Curious siya, kaya naman napatingin sya kung nasaan ang ingay at lumaki ang kanyang mga mata sa gulat.

"Good morning everyone! I'd like you to welcome Bamboo! Make him at home ok," sabi ni Mr. Stark. Isa-isang nakipagkamayan ang lahat sa kanya. Nahihiya man ay lumapit na din siya upang makipagkamay.

"You are?" Gulat sya sa tanong niyo ngunit agad namang nakabawi.

"Asher." Tipid siyang ngumiti.

Only Time Can TellWhere stories live. Discover now