Two - Murder

7 0 0
                                    

"Ann..Ann.." sabi ni Ate Zette..

di maituloy ni Ate Zette ang sasabihin niya habang umiiyak.

nandito kami sa bahay namin habang ang parents ko, kinakausap ang NBI.

ako naman, eto nakaupo lang at katabi si Ate Zette nakatitig lang sa kung saan, di ko talaga alam kung ano tong nararamdaman ko..

lungkot..panghihinayang..

masyado pang bata ang kuya para mawala na sa mundong ito.

madami pa siyang pangarap na gustong ma-achieve.

"Zette..Ann" sabi ni Papa.

tumingin kaming dalawa sa kanya, yung mukha ng papa ko nakakaawa, parang pagod at stress siya dahil nga sa nangyari.

"may kaaway ba si Darwin?" tanong ni papa.

Kaaway? parang may natatandaan akong kaaway ni kuya sa business. parang narinig ko na din siyang kausap niya yun sa phone.

sino nga ba yun?

tanginis! di ko matandaan ang pangalan.

"Ba-Bakit po tito?" tanong ni Ate Zette habang humihikbi.

tumabi si Mama sa aming dalawa..

"Sabi... daw kasi ng Pulis, ay maaring kakilala daw ni Darwin ang pumatay sa kanya" sabi ni Mama na di na rin napigilan ang umiyak.

"magiimbestiga pa daw sila kung anong motibo nila sa pagpatay sa kuya mo" sabi naman ni papa.

pumatay? tanong ko sa sarili ko. dahil natagpuan si kuya sa sasakyan niya na wala ng buhay. may tama ng baril ang kanyang sasakyan at sa kanyang dibdib.

"Darwin!! ang DARWIN koo..bakit nila nagawa sayo yun" sigaw ni Ate Zette habang umiiyak.

"Iiyak mo lang yan anak" sabi naman ni mama kay Ate Zette na parang naiiyak na din.

**Ring.. Ring...

may tumawag kay papa.

ako naman pumunta sa kusina at uminom ng tubig. di ko talaga alam ang gagawin ko ngayon na wala na si kuya.

kung alam ko lang, instead na makipaginuman ako sa mga friends ko ay nakipag bonding nalang sana ako sa kay kuya.

"Ann, pumunta na daw tayo sa morgue" sabi ni papa.

"Si-sige po pa" sabi ko kay papa. kanina parang ayaw lumabas ng mga luha ko, pero ngayon na makikita ko na ang katawan ni kuya na wala ng malay... parang gustong lumabas ng mga luha ko.

gusto kong wag umiyak pero ang mga luha ko yung gustong kumawala.

naiiyak nako...

ayaw kong makita si kuya..

sa dami ng mga luha ko na nailabas. di ko namalayan na nakarating na pala kami sa morgue..

si Ate Zette, si Mama at si Papa. tiningnan ko sila.

lahat kami sobrang na hu-hurt sa nangyari kay kuya.

pag lapit namin sa kanya, nakabalot pa siya ng puting kumot..

pakshet! naiiyak na naman ako. di ko talaga siya kayang makita.

"DARWIN!! DARWIN!!" sigaw ni mama at ni Ate Zette.

ang lakas ng iyak nilang dalawa.

si papa naman nasa likod lang ni mama, pero kitang kita mo yung lungkot sa mga mata ni papa.

tinanggal ng nag a-assist yung kumot.. lalo naman silang umiyak, at hindi ako makatingin.

"Ann... i am sorry.. im late" biglang sabi ni Kyle.

di ko namalayan na dumating na pala siya.

"K-Kyle.." sabi ko kay Kyle.

yumakap ako sa kanya. ito na naman yung malandi kong luha na gustong lumabas dahil nasa tabi ko si Kyle.

"Tito. Tita and Zette....." sabi ni Kyle.

Sobrang lungkot din ng mga mata niya. ramdam kong sobrang nalulungkot din siya sa pagkawala ng bestfriend niya.

"I am sorry for what happened....to Darwin" sabi pa niya.

"Iho.. wag kang magsorry samin, wala kang kasalanan" sabi ni papa.

"dahil wala po ako sa tabi niya, wala po nagtanggol sa kanya" sabi pa ni Kyle.

oo nga pala, kakauwi lang ni Kyle at ako lang ang nakakaalam.

teka.. nagsisisi ba siya na ako lang ang sinabihan niya na uuwi na siya?

sabagay.. kung si kuya sana ang una niyang sinabihan..

baka sakaling.. may nakasama si kuya kagabi.


3 Days Later..

Nandito kami sa cemetery.. kakalibing lang ni kuya. paalis na din ang mga bisita.

si Ate Zette at si Kyle ay kausap yung ibang bisita. si Papa at Mama naman ay umuwi na dahil muntik ng mahimatay si mama.

kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko, nakatayo lang kami sa harap ng puntod ni Kuya.

"Kuya Darwin, kung nasaan ka man. i hope na masaya ka jan" sabi ni Joana.

"Hoy! Darwin.. bakit maaga kang nawala. naku! mag wawalwal yan si Ann, wala ka na" sabi naman ni Anj.

alam kong pinapasaya lang nila ako.. pero ngayon nasa stage pa ako ng Denial..

ayaw kong paniwalain ang sarili ko na patay na si kuya..

"Ann, Aalis na daw sila tita Jazz" sabi ni Kyle na papalapit sa amin.

"di na sila lumapit sayo, alam nilang mabigat pa din ang nararamdaman mo" tuloy pa niya.

lumapit siya sa puntod ni kuya.

"Kyle.." tawag ko sa kanya.

tumingin siya sakin.

"May kilala ka bang kaaway ni kuya?"
tanong ko sa kanya.

"Kaaway?" nagisip siya..

"Yung matinding kaaway na kaya siyang...patayin" sabi ko sa kanya.

"Ann.. ipagpaubaya mo na yan sa NBI" sabi Jhana.

"sabi ng mga pulis, walang nakita sa CCTV. yung dashcam naman nawawala" sabi ni Kyle.

"and as per them, they're still conducting due dilligence background checks" tuloy pa niya.

"wag kang maalala Ann, magkakaron din ng hustisya ang pagkawala ni Kuya Darwin" sabi pa ni Jean.

i hope.. as soon as possible. dahil kawawa naman si kuya.

Paalis na kami ng cemetery, pero parang may nararamdaman akong nakatingin sakin..

lumingon ako sa sasakyan, pero di ko makita kung may tao sa loob dahil tinted.

pero one thing is for sure..

may naramdaman akong kilabot at galit...

humanda ka sakin.. kung sino ka man.



















You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The RevengeWhere stories live. Discover now