CHAPTER 5

20K 547 47
                                    

LAICA

Napatigil ako sa pagbabasa ng may kumakatok ng pinto. Natigilan ako ng ilang minuto at nakikinig lamang sa katok na iyon. Natatakot akong buksan iyon at mabungaran si Glyde. Ilang araw na ako dito sa silid ni Leo kahit alam kong nasa kabila lamang ang silid nito. Pero hindi naman ito naglalagi sa kanyang silid. Mas panatag ako kapag nandito si Leo sa tabi ko.

Nagpasabi lang ako kay sir Ricky na masama ang pakiramdam ko. Ayokong bumalik na doon sa silid na iyon kung saan maaalala ko lang ang pangyayaring iyon na sumira sa pagkatao ko.

"Laica, gising ka ba?" Nang marinig ko ang boses na iyon ay agad akong napatayo at tinungo ang pinto para buksan.

"Kayo po pala, sir Ricky. Pasok po." Sinara ko ang pinto bago siya hinarap. May nilahad siyang basket ng prutas kaya kinuha ko iyon at nilapag sa lamesa.

"Masama parin ba ang pakiramdam mo? Pasensya kung ngayon lang ako nakadalaw dito. Abala kasi ako sa ibang negosyo." Sinsero nitong sabi na agad ko naman kinailing.

"Ayos lang po ako, huwag kayong mag-alala." Tumango naman ito sakin.

"Mabuti naman ba ang pakikitungo sayo ni Glyde?" Sa narinig kong pangalan nito ay natigilan ako saglit pero hindi nagpahalata kay sir Ricky.

"O-opo." Nauutal ko pang sabi na kinangiti nito. Lumapit ito sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Buti naman. Tulungan mo akong magbago ang anak ko, Laica. Mahal na mahal ko iyon at ayoko siyang mapahamak." Pero ako naman po ang napahamak dahil sa anak niyo!

Gusto ko iyon isambit sa kanya. Gusto kong magsumbong sa ginawang kahayupan ng kanyang anak sakin. Pero nangingibabaw itong utang na loob ko sa kanya at ayoko nalang na palakihin pa ito.

"Gagawin ko po ang makakaya ko para tulungan kayo sa anak niyo." Matapat kong sabi kahit ang totoo ay hindi ko alam kung kaya ko pa itong harapin matapos ang ginawa nito. Hindi ko alam kung kaya kong baguhin ang masamang ugali nito.

"Salamat, iha." Tumango ako bago ako nito niyakap. Nagpaalam narin siya at naiwan naman akong nakatulala muli at naguguluhan ang isip. Kung sana madali ko lang malimutan itong nangyari sakin para magawa kong matulungan si sir Ricky sa kanyang anak pero hindi eh. Hindi madaling kalimutan ang bagay na iyon. Habang buhay kong babaunin ang sakit na iyon.

Kinahapunan ay naisipan kong lumabas para pumunta sa nakita kong mga taniman ng mga bulaklak sa may likod bahay. Tanaw kasi mula dito sa beranda at ngayon ko lang iyon nakita. May maliit na kubo din iyon kaya maaari akong magbasa doon. Pero nag-alangan akong lumabas baka makasalubong ko si Glyde, pero sa ganitong oras ay wala naman siya siguro. Magtatago lang ako kung makakasalubong siya at hindi naman siya siguro nagpupunta doon sa likod bahay.

Napagpasyahan kong lumabas. Inayos ko muna ang sarili bago binitbit ang isang libro at lumabas ako ng silid. Dumiretso ako sa likod bahay at napahinga ako ng maluwag ng walang may nakakita sakin. Pumunta ako sa nakita kong mga taniman ng mga bulaklak at agad akong napamangha ng makita ang mga namumulaklak na iba't ibang klse ng bulak. Napayuko ako at inamoy ang bawat isa nun. Naamoy ko ang bango nila at marami akong nakita na mga paro parong nagsiliparan ng dumaan ako. Napapitas ako ng isang rose at inaamoy 'yon habang lumalakad ako papunta sa maliit na kubo. Nang makarating ako ay agad akong naupo sa papag na kawayan. Nilibot ko muna ang aking paningin sa paligid bago ko binuksan ang dala kong libro na nakakalahati ko nang nabasa.

Isang pahina palang ang katatapos kong basahin ng bigla akong magimbal sa boses na narinig ko.

"Hi, sweetheart." Nakangising nakahilig ito sa gilid ng pinto na nagbigay agad kilabot sakin katawan. Mabilis akong tumayo para lumabas sa pinto nang bigla nitong iharang ang katawan. "Not so fast, sweetie." Napaatras ako ng humakbang ito palapit sakin. Nagsimula muling manginig ang katawan ko sa takot.

Possessive Men #:2- Glyde's Darkest PassionWhere stories live. Discover now