Chapter Three

181 13 0
                                    

Hindi mapigilan ni Joey na hindi sipatin ang lalaking nakaupo sa isang bench ilang dangkal mula sa kanya. Dadalawa lang sila sa lugar na iyon dahil liblib na ang daan na iyon papunta sa apartment niya. Nakasuot din ang lalaki ng kulay gray na jacket, at ang hood ng jacket ay nakasuot sa ulo nito.

Matatakot sana si Joey dahil naglipana ang mga masasamang loob ngayon. Somehow, though, her Caution: Danger signals weren't working. Isa pa, parang pamilyar sa kanya ang lalaki...

Yup, her instincts were right. Pamilyar sa kanya talaga ang lalaki.

"Have I seen you before?" Nang manatiling nakatingin lang ang lalaki ay saka napagtanto ni Joey na tunog pick-up line ang sinabi niya. Idiot. "Wala akong ibang ibig sabihin ha. I just think that you look... you look..."

Hindi niya maituloy-tuloy ang sasabihin. May kung ano kasi sa paraan ng pagtingin ng estranghero at nawawala sa pag-transition ang utak niya.

"Familiar," the stranger supplied.

Tumango na lang si Joey para matapos.

"Maybe," anito. "Maybe you've seen me around. Maliit lang naman ang mundo."

Gusto pang magkomento ni Joey pero parang naumidan siya ng dila. The stranger's voice was so defined that it almost drowned out the sound of the rain rattling above their heads. In fact, may na-a-associate siya sa boses ng estranghero.

"Batman," bigla niyang nasabi.

Not the Christian Bale voice, of course. That was awful. But the Kevin Conroy one.

The Batman voice. It was the way the words were rolling in the stranger's tongue. Pati na rin ang aura nito habang nakaupo sa madilim na parte na iyon ng waiting shed. To her, he looked like someone who was capable of battling evil or something.

"Gotcha."

In short, in plain gray hoodies, he looked like a rogue superhero. Sort of.

Tumaas ang kilay ng estranghero na parang nagtatanong, Batman? "No, sorry, may iniisip lang ako... nevermind."

Sinipat na lang ni Joey ang labas ng waiting shed. Malakas pa rin ang ulan.

Rain in summer? Ano na ngang sinabi ni Erwin sa kanya kapag umuulan tuwing tag-init?

There's a miracle coming...

"Maaampyasan ka diyan."

Napalingon ulit si Joey sa estranghero. Nakaupo na ito sa dulo ng bench at inginunguso ang kabilang dulo. Sandali lang siyang nag-alinlangan bago umupo doon. She hasn't even settled yet in her place when the stranger spoke again.

"So, what's the deal?"

Kumunot pa ang noo ni Joey – dahil sa tanong at dahil sa accent ng lalaki. Clearly, the man was no ordinary criminal, if he probably was. Ngayon lang ata siya nakakilala ng hoodlum na nag-i-English na nga ay mukhang graduate pa ng Masscom.

"Deal saan?"

Itinuro ng estranghero ang kisame ng shed. "Bakit nakikipag-usap ka kay Lord sa gitna ng ulan?"

Joey unconsciously stuck out the tip of her tongue – mannerism niya kapag napapahiya siya. Hindi naman mukhang nang-iinsulto ang tanong. In fact, she could detect genuine curiosity in his voice.

"Gusto ko lang itanong sa Kanya kung kailan magagamit ng taong-bayan ang tax ng mga Pilipino."

Hindi man lang kumurap ang lalaki. "Sa sobrang gulo ng gobyerno natin, pati si Lord, sumuko na."

"Sabi nga Niya. Kaya nga tinanong ko na lang kung anong winning combination sa Lotto. Kaya lang..."

"Kaya lang?"

Isang Salitang May Tatlong Letraजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें