02. | Yedam's

338 18 9
                                    

___

Yedam's 

Ka-chat ko si Doyoung, habang palabas ako ng Student Council Room. Inaamin ko na takot rin ako mag isa kaya naisip ko rin kausapin yung kaibigan ko. Kung ipapaliwanag kasi ang hallway, madilim narin kasi kaya nakatingin lang ako sa cellphone ko habang naglalakad, ayan yung palagi ko ginagawa sa tuwing gabi na ako nakakauwi. 

Rereplyan ko na sana si Doyoung nang may biglang may bumangga sa akin sa likod akala ko mapapadapa na ako sa lakas, napalingon naman agad ako at nakita ko yung isang babae na napaupo sa lakas ba naman ng pagkakabangga niya sa akin pero teka...pamilyar ito ah...

Ah si Lowee, yung kaklase ko pero hindi lang basta kaklase lang, asawa ko narin siya na makakasama ko na sa condo at tsaka siya yung kaklase ko na palagi ko nababalitaan na nakikipagsuntukan siya- kung pwede ngalang ako mamili ng babae yung matino na at hindi nakikipag away. At tsaka dahil dyan marami taong natatakot dyan, kahit mga lalaki kong kaklase. 

Chinat ko muna si Doyoung na mag-off na ako at agad ko naman siya tinulungan tumayo.

Ganito kasi yung nangyari, yung kumpanya ng dad ko nanganganib na talaga at yung kumpanya nila Lowee isa sa mga pinakamayaman, at nagkataon na close magulang nila, kaya ako ang pinakasal sa kanya. Napag usapan naman na kami na mag sasama nga kami pero kunwari hindi talaga kami mag kakilala kaya naman pinag tataka ko kung bakit biglang ayun gusto ng magulang namin.

"Lowee, sorry hindi ko alam na-"

"Ayan, dyan naman kayo magaling sa hindi ko alam, sa susunod kasi mas galingan mo wag tumingin sa dinadaanan mo kung hindi ka ba naman tanga" Sabi niya sabay pinagpagan niya yung palda niya, tatalikod na sana siya nang hinawakan ko yung braso niya at tinanong na,

"Bakit andito ka pa sa school?" Alam kong dapat wala akong pake pero syempre kasama ko rin sa bahay iyan at tsaka marami mag aalala sa kanya, dapat mabait parin ako kahit demonyo yung pinakasalan sa akin. 

"hindi ko makita yung keychain ko na koala." Koala? Junkyu ka ba? Joke. 

"pero gabi na, hindi ka ba natatakot mag isa?" 

"Ba't ako matatakot? Sila dapat matakot sa akin."

"Gusto mo bang samahan kita?" Alok ko sa kanya.

"Hindi ba paalis ka na? baka may gagawin ka pa sa bahay? Alam ko kung gaano ka-busy yung tulad mo na kulang nalang isubsub ko na yung mukha mo sa mga libro."

"Hindi, okay lang at tsaka andito pa naman ako. Willing to help." Sana lahat willing to help joke lang ulit.

___

Closer | Bang YedamWhere stories live. Discover now