ENCHTD 048

17 3 1
                                    

𝐒𝐨𝐥𝐚𝐫'𝐬 𝐉𝐨𝐮𝐫𝐧𝐚𝐥
▪️ENTRY 0181▪️

⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉⑉

Naging abala sila Traj na hanapin sina Vria at Trace, habang ako naman ay naging abala sa paghahanap ng may-ari ng bag na nakuha ko.

Kailangan kong mahanap yung libro.

Hindi ko pa nasabi kila Traj ang tungkol sa pagkawala ng libro dahil ayokong dagdagan ang stress nila sa paghahanap kila Vria.

Sakto ring may nakita akong 2x2 na picture sa loob ng bag, picture siya ng isang lalaki. Hindi ko kilala pero baka kilala niya kung sino ang may ari nung bag kaya siya na lang rin ang hinanap ko sa university.

Pero nalibot ko na ang buong campus, wala akong nakitang kamukha ng lalaki sa picture. Nagtanog-tanong pa ako sa ilang estudyante, ngunit sa lawak ng university, malamang ay wala pa sa 2% ang estudyanteng nakakita sa lalaking ito.

Pagod na ako, Jorna, pero mas mahalaga yung libro kaya walang sukuan 'to. Tinutubuan na ako ng tigyawat dahil sa sobrang stress. My gosh!

Stress na FC,
𝐒 𝐎 𝐋 𝐀 𝐑

Enchanted to Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon