Chapter 4

1 2 0
                                    

Arniel POV

Gusto ko nang ibigay kay Jiesel, ang mg binili ko para sa kanya pero hindi pa kami tapos kaya ngayon ay papasok na kami sa isang shoe shop.

"Pumili ka na"

"Bibilhan mo rin ba si Ate, Kuya?" tumango naman ako dahil may pupuntahan kami ni Jiesel, sa friday.

Akala ko, ma bo- bored lang ako kapag nasa hospital ako pero nagkamali ako. Dahil sa kaka daldal ni Faith, para akong may kapatid na babae.

"Kapag nagising na ate, mo, may masusuot na sya at may surprise ako para sa inyo" napangiti na lamang si Faith, sa sinabi ko.

Sinabi nya ang sukat ng paa ng Ate, nya kaya naghanap na ako. Nakatingin lang sya sa mga sapatos na naka display kaya tinawag ko na sya at wag titignan ang price.

The worth of the shoes is around 6 to 12k thats why, she didnt need to look for the price. Mag a alinlangan lang syang pumili kapag iisipin nya ang price.

Nakapili na kami at ngayon ay nasa kabilang side naman kami upang bumili ng sandals. Gusto ko rin bilhan si Jiesel, ng stinelas. Wala syang stinelas na maayos sa Ospital kay bibili na rin ako.

"Kuya, salamat dito" ginulo ko na lamang ang buhok nya at ngumiti.

"Kaya dapat, mag aral ka ng mabuti at huwag mo nang magpapaligaw hangga't hindi ka pa 18" tumango naman sya at tinaas ang isa nyang kamay.

"Promise kuya" saka sya humagik ik."Pero, pwede magtanong kuya?"

"Ano yun?"

"Crush mo ba si Ate, kahit hindi pa sya nagigising?" crush? Pang teenager lang yun, ang tamang tawag dun ay Inlove.

"Sasabihan kita pero dapat hindi mo sabihin kahit kanino" tumango naman sya kaya pumasok muna kami sa knockbox.

"Kuya, mahal dito"

"Ako bahala"

Bumili ako ng apat na watermelon dahil sa lahat ng Milktea na binibinta nila ay ito ang paborito ko. Napatingin si Faith, sakin dahil sa inorder ko.

"Bibigyan ko ang kaibigan ko pagkatapos kitang ihatid" tumango na lamang sya kaya umupo na ako."Promise, mo yun ah! Hindi mo ipagsasabi"

"Promise"

"Yung crush, sa teenager lang yan. Ang laki na namin kaya hindi na yun Crush....

"Inlove" sabay naming sagot.

"Ehhhh!! Si kuya, Inlove kay Ate" iniisip ko pa lang na kayakap ko sya o di kayay magkahawak kamay kami, solve na ang araw ko.

Alam kung nag ha hallucinate lanv ako pero hindi naman masamang mangarap. Hindi masamang maging totoo ang lahat.

"Wag ka maingay" inayos ko ang shades ko at cap, dahil baka may maka kilala sakin.

Famous itong mukhang to dahil sa business industry at baka may kumalat sa social media na kung ano ano. Ayaw kung ma damay si Faith, sa mga bagay na hindi sya involve. Boto naman sya para samin ng Ate, nya pero ang aga aga pa para dun.

Pagkatapos namin mag usap, umalis na kami. Dumaan kami sa isang Bookstore at bumii si Faith ng gift wrap para sa gift nya sa kaklase nya.

Nag take out ako ng food sa Jollibee, dalawang Family size, para samin ni Jiesel at para sa mga kaklase ni Faith. May fried chicken, rice at drinks na naman kaya mabubusog na sila non. May burger at fries pa. Bumili na rin ako ng extra rice, incase kung gutom pa sila.

Hinatid ko muna sya sa bahay nila dahil iiwan nya ang mga pinamili nya ngayon at babalikan na lamang nya sa friday ng umaga para magpalit ng damit.

Hinatid ko na sya sa bahay ng kaklase nya habang dala dala nya ang pagkain. Pagpasok nya sa loob ng bahay, umalis na ako at pumunta ng ospital.

Pagdating ko nang ospital, natutulog na si Jiesel. Nilapag ko na lamang ang pagkain sa mesa at sa sofa naman ang mga pinamiling gamit.

I emmediately open my laptop, and do my work. Hindi ako nakapasok ngayong araw kaya ngayon ko na lang ito gagawin. Hindi pa ako sigurdo kung papasok ako bukas, pero nandun naman ang bestfriend ko kaya pwedeng hindi ako pumasok.

"Nel" napaangat ako ng tingin kay Jiesel, at nakita ko syang nakaupo sa kama.

"Gising ka na pala. Bumili ko ng food sa Jollibee, kumain muna tayo" tinanggal na nya ang kumot at tumayo kaya inalalayan ko syang tumayo at pinaupo ko sya sa sofa.

Kinuha ko ang mga pagkain at nilapag  sa mesa. Isang bucket ng Fried chicken, 6 Rice at 6 drinks with fries. My watermelon at Milktea pa.

"Ang dami naman ata"

"Baka kasi nagugutom ka kaya dinamihan ko na" bumili pa nga ako ng burger, para samin dalawa.





Jiesel's POV

Pagpasok nya sa kwarto, nagising na ako. Tumingin ako sa kanya, na busing busy sa laptop nya. Ni hindi man lang nya napansin na gising ako.

Hindi nya ako iniwan  mula nang magising ako pero umalis sya para samahan ang kapatid ko na bumili ng mga gamit para sa party nila.

Napatingin naman ako sa mga paperbag na nasa sofa. Mukhang madami silang biniling gamit, pero subra naman ata. Ang dami nyan.

"Nel" napa angat sya ng tingin kaya ngumiti ako.

Kapag nakita ko lang ang ngiti nya, okay na ang araw ko. Hindi ko alam pero parang may spark kami sa isat isa at napapangiti na lamang kami.

Alam kung bago pa lang kami nagkaka kilala, ni hindi pa umabot ng isang araw pero alam ko sa sarili ko kung ano ang nararamdaman.

"Gising ka na pala. Bumili ko ng food sa Jollibee, kumain muna tayo" tinanggal ko ang kumot saka nya ako inalalayan sa pag tayo.

Pinaupo nya ako sa sofa at kinuha ng mga pagkain. Ang dami nyang binili, mauubos ba namin to? Hindi ako sigurado pero sana lang at maubos namin dahil bawal magsayang ng pagkain.

Habang kumakain kami, kinuha nya ang mga paper bag at nilagay malapit sa paa ko kaya napataas ang kilay ko. Bakit naman nya binaba at sa tabi ko pa talaga?

"Bumili ako ng mga gamit para sayo. Sa makalawa, makakalabas ka na. Surprise natin si Faith, hindi ko kasi sinabi sa kanya"

"Salamat, pero hindi ka na sana nag abala pa. Ang laki na nang naitulong mo samin na magkakapatid" niyakap ko sya sa subrang tuwa ko pero ng ma alala ko ang ginawa ko, bigla na lamang namula ang mukha ko sa hiya.

"Youre allways welcome" kumalas na ako sa pagyakap at nagsimula na kaming kumain ulit habang tinitignan ko ang mga binili nyang mga gamit para sakin.

First And LastWhere stories live. Discover now