Chapter 23

837 63 21
                                    

KAORI POV

Nang matapos kumain ay nawala sa paningin ko si Jelay. Hindi ko naman siya mahanap dahil inantok si Dale at nakatulog dito sa cottage kaya binabantayan ko.

"Hi!" nakangiting bati ni Donny sa akin kaya nginitian ko lang rin siya.
Naupo naman siya sa tabi ko saka humarap.

"Swimming naman tayo.." aya niya sa akin..

"Binabantayan ko si Dale e. Baka biglang magising at maghanap." sagot ko dito

"Ang cute ni Dale nuh? Sobrang lambing. Hehe" masayang ani nito

"Oo naman. Anak ko kaya yan." pagmamalaki ko dito

"Hahaha kung makapagsalita ka parang ikaw ang nag-ere sa kanya!" natatawang ani nito.

Kung alam mo lang..

Tumawa na lang rin ako sa sinabi nya. Nakaka hiya naman na tawang tawa siya tapos istatwa lang ako dito.

Sabay naman kami napalingon sa bagong dating.

Kulang ata ang mga Anghel sa langit. Andito sa lupa ang isa..

"Oh, andyan na pala si Jelay e. May magbabantay na kay Dale.. Jelay, bantayan mo muna si Dale ha? Magswimming lang kami ni Kaori"

Hindi agad ako naka-react sa nangyari. Namalayan ko na hinahatak na ako ni Donny papunta sa dagat.

"Hindi araw araw tayong nagpupunta ng beach. Hindi ka dapat nagmumukmok. Hayaan mong mag-enjoy ka.. Tara!" aya sa akin ni Donny..

Sumabay na lang ako sa kanya.. Lumangoy siya, lumangoy na rin ako. Kapag tumawa siya, tatawa na lang rin ako. Kung anong gawin nya ay ginagaya ko na lang rin.

"Are you okay?" tanong nya sa akin na hinawakan ang braso ko.

Hindi naman ako nakasagot sa kanya..

"You really love her ha?" saad nito na tinitigan ko lang.

"Narinig mo naman sinabi nya kanina diba? Kao, andito naman ako e." nakita ko sa mata nya ang pagmamakaawa..

Nakukunsensya ako pero wala talaga akong maramdaman kay Donny..

Naramdaman ko namang niyakap niya ako.

Pati ang yakap niya walang wala sa yakap ni Jelay.
Yung yakap ni Jelay nakakapagpagaan ng nararamdaman ako. Nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Bakit hindi ako ang piliin mo Kao? Bakit dun ka sa hindi sigurado sayo? Andito ako, sigurado ako sayo." pagsusumamo niya.

Hinagod ko ang likod nya para pagaanin ang pakiramdam nya.

"Donny, naiintindihan ko si Jelay kung di siya sigurado sakin kasi yun din nararamdaman ko sayo. Alam kong masasaktan kita kapag sinagot kita dahil hindi ko matutumbasan ang pagmamahal mo. Nasaktan lang ako sa narinig ko kay Jelay kanina pero sigurado naman ako na sa isang ngiti, isang lambing, isang haplos at isang yakap lang ni Jelay ay ayos na ako. Kasi ganon ako kasigurado sa kanya." i heard him chuckled.

"You really love her?" ulit nya sa tanong nya kanina.

"I do. The moment i saw her, i know there's something about her. I really really do love her." buong pusong pagtatapat ko kay Donny.

"It's funny you said that while you're in my arms.. Kaori, ang sakit pero kakayanin ko ito kung makikita kitang masaya sa kanya pero nadodoble ang sakit ngayon dahil alam kong nasasaktan ka nya. Nasasaktan ka nya pero wala akong magawa para pagaanin ang loob mo." bumitiw ako sa yakap ni Donny at tinitigan siya..

"I love her and i'm willing to be hurt. I'm willing to absord the pain. Kung masaktan man ako sa kanya at least, nilaban ko ang nararamdaman ko. In love, there's no such thing as lose. It's either you win or you learn. I'm sorry Donny. I just want to be honest with you. Ayukong umasa ka pa sa akin." tumawa naman sya ng mahina.

The Other Side (JelRi Fanfiction) Where stories live. Discover now