- 16

367 13 2
                                    

AGNES'S POV

Hindi ko na nakita ulit si Pat. I am not even sure why. Siguro busy na siya with all her wedding preps. Since I got out from the hospital, wala na akong narinig galing sa kanya. Sabagay, sino ba naman ako para puntahan pa niya.

Hindi ko alam kung bakit but I felt the urge to actually do something. Akala ko okay na lang sa 'kin ang lahat pero andito ako doing something stupid, and that is to at least make Pat feel as if I'm still here.

Ayoko naman sirain kung ano mang meron sila ni Coelli. Pero ayoko rin naman na hayaang mawala na lang sa 'kin si Pat nang hindi ko man lang napaparamdam sa kanya kung gaano ko pa rin siya kamahal. Tanga na kung tanga. But this is the last chance I have. Not for me to win her back, but for me to finally let her go. But if I could make her change her mind, bakit hindi? Pero I know that after all these, I will let her be happy. Wala naman na akong choice.

Kaya I cooked lunch for her. Nagluto ako nung paborito niyang sinigang. I don't know how she knows but, lagi niyang sinasabi sa 'kin na kakaiba yung lasa ng sinigang ko. I find it weird kasi sa 'kin hindi naman. Sana hindi pa siya kumakain or sana hindi siya nagbaon. Baka kasi nilulutuan din siya ni Coelli ng pagkain. Hindi ko rin alam. But this season is a busy season for Pat. And when she's busy, you need to drag her out of her workplace para lang kumain siya.

"Ate Cherry."

"Uy ma'am Agnes! Kumusta na kayo? Tagal niyo nang hindi nagagawi dito ah. Susunduin niyo ba si ma'am Pat?"

"Ah hindi. Ate, may favor lang sana ako."

"Ay sige ma'am. Ano po yun?"

"Ito."sabi ko sa kanya sabay inabot ko yung lalagyan ng pagkain.

"Nagready ako ng dalawang set ng pagkain. Yung isa po para sa inyo, yung isa para kay Pat."

"Hala ma'am, dinamay niyo pa 'ko."

"Maliit na bagay lang naman yan. Medyo malaki kasing favor hihingin ko."

"Sige po. Ano ba yun?"

"Pwede mo bang ibigay yan kay Pat? Pero pag lumabas lang siya. Pati, wag mong sasabihin sa kanya na sa 'kin galing yan ha. Sabihin mo na lang na kunyari niluto ng asawa mo. Please ate ha."

"Sige po ako na po bahala." Ngumiti ako. Paalis na ako nung tinawag niya ako ulit.

"Ma'am Agnes."

"Yes po?"

"Kayo pa rin po ang gusto ko para kay Ms. Pat. Umaasa ako na sana magkabalikan pa kayong dalawa."nahihiyang sagot niya.

Ako din Ate Cherry. Umaasa din ako.

The InverseWhere stories live. Discover now