Part 1It's me again, Luna. Medyo mabigat para sakin 'tong ikwento, pero may kapupulutab rin namang aral. Uunahan ko lang, I'm not against anyone's beliefs. Si Jed, ang ika-apat kong Kuya. Lima kaming magkakapatid at ako ang bunso at nag-iisang babae. 2 years gap lang ang pagitan namin ni kuya.
Si Kuya Jed, siya ang angat pagdating sa pisikal na anyo at pag-iisip, iyon nga lang medyo lihis ang paniniwala niya kumpara saming kapamilya niya. Konting background lang kay Kuya, magaling siyang mangalikot ng mga electronics, siya rin ang umayos ng mga nasira naming PSP at personal computer. Devoted rin siya sa science, at hindi siya naniniwala sa Diyos at diablo. That made me conclude na isa siyang Atheist, pero habang tumatanda si Kuya Jed, nagiging sobra na rin siya at mas lalong lumayo ang loob niya samin.
UNA: First year high school siya nang mga panahong muntikan niya ng patayin sa sakal ang nag-iisa naming Mama, ang dahilan ay ayaw niya raw nakikitang naka-display ang mga santo sa bahay. Kinausap niya lang naman daw si Mama na tanggalin lahat ng mga bagay na may kaugnayan sa religion na naka-display sa bahay, syempre dahil relihiyoso si Mama di niya ginawa iyon, pag-uwi ni Kuya galing school bigla nalang siyang nagwala at tinapon ang ano mang makita niyang may koneksyon sa religion, syempre nakita ko pinaggagawa niya kasi nasa sala lang naman ako non, tinawag ko si Mama. Nagalit siya, pero pinakalma niya si Kuya nang bigla nalang siyang sinakal nito, wala ang iba kong kapatid kasi yung isa nagtatrabaho habang yung dalawa ay nasa school pa, college sila non. Tinawag ko lang ang kapitbahay namin non para ipaawat sila, bata pa kasi ako non at todo iyak lang ang nagawa ko. Nang maawat, kinapos ng hininga si mama dahilan para makatawag ng emergency at dinala siya sa ospital. Di sumama si Kuya Jed non kasi bigla nalang siyang nawala sa paningin namin nang isugod namin si Mama. Nang malaman ng iba kong mga kuya ang nangyari, tatlong araw hindi umuwi si Kuya Jed noon. Pero dahil malaki ang pagmamahal ng isang Ina sa kanyang anak, ipina-report ni Mama ang pagkawala ni Kuya Jed kaya naging missing siya. Dalawang araw ang nakalipas umuwi siya nang kusa, pero may nag-iba na kay Kuya Jed noon, parang umitim siya at laging may nakasunod sa kanyang isang maliit na usok sa likod, kulay itim ito at ako lang ang nakakakita nito. Todo iyak si mama habang yakap niya ito habang si Kuya Jed naman ay nakayuko at tahimik lang. Di siya pinansin ng mga iba kong kuya, ang laki kasi ng galit nila sa kanya that time dahil sa ginawa niya. Nalaman rin ni Papa ang nangyari, nasa ibang bansa kasi si Papa non dahil sa trabaho niya pero pina-bless niya ang bahay baka raw hindi si Kuya Jed ang may gawa non at may bumulong lang na masamang espiritu. Idinisplay nalang rin ni mama ang lahat ng mga santo sa loob ng kwarto niya para di na magalit si Kuya Jed. Simula noon parati ng umaalis si Kuya Jed tuwing linggo, aalis ito ng alas-tres ng hapon at uuwi na ng di aabot sa alas-dyes, sabi ni mama baka nagyu-youth daw. Akala ko rin wala ng mangyayaring iba, kibit balikat lang din ako sa maliit na usok na palaging sumusunod sa kanyang likod. Hanggang sa may nangyari na naman.
DALAWA: Naghuhugas ng plato ang ikalawa kong Kuya sa kusina nang sumulpot sa kanyang likod si Kuya Jed, nasa la mesa ako non kumakain ng mangga. Nakita ko nakangiti ng malapad si Kuya Jed sa isa kong Kuya na naghuhugas, kinalabit niya ito at nang lumingon naman ang naghuhugas kong Kuya biglang may sinabi itong si Kuya Jed. "Magpakamatay ka, may kutsilyo akong dala." hawak niya pa ang matulis na bolo sa likod niya. Sobrang creepy ni kuya non, umiyak lang ako at nagtatakbo kay Mama. Nang datnan ni mama ang dalawa kong Kuya, bugbog sarado na si Kuya Jed.
TATLO: 3rd year high school na si Kuya Jed nang mga panahong iyon, nakatambay siya sa balkonahe namin nang makita niya ang nagpuprusisyong mga tao, halad iyon para sa pista ng isang santo. Bigla nalang daw tumalon si Kuya Jed mula sa ikalawang palapag kung nasaan ang balkonahe, sinasaway niya ang mga taong nagpuprusisyon. Sumisigaw daw siya "Walang Diyos at Demonyo. Hindi totoo ang mga yan!" ayon sa mga kapitbahay namin mukha raw baliw si Kuya ng mga panahong yon. Kinuha siya kaagad ng mga Tito ko at pinasok sa bahay, pinakalma nila ito at doon daw nagsalita bigla. Sabi niya "Patunayan nyo ang mga paniniwala nyo sa sayantipikong pamamaraan."

BINABASA MO ANG
Scary Stories 6
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree