20

3.2K 138 15
                                    


CHAPTER 20

"Dating church 'to, right?" tanong ni Gail na nakatingin sa lumang pader na pumapalibot sa lumang simbahang malapit sa dagat at hindi na sila nahirapang maglakad dahil malapit lang ito sa kalsada. Alas 3 na ng hapon sila nakarating dito at dahil marami namang puno, hindi masyadong mainit ang paligid.

"Yes," sagot ni Henry. "Pero nasira ng earthquake noong 1892."

"Paanong naging Pindangan ruins ang tawag dito?" tanong ni Gail at kinuhaan ng litrato ang paligid lalo na ang walls na tinutubuan na ng mosses.

"Pindangan is the old name of San Fernando, La Union pero noong 1765, may bagong priest na nag-suggest na palitan ng 'San Fernando Rey' after St.Ferdinand, King of Spain.  Pindangan ay nakuha sa ilocano word na 'pindang' which refers to a place kung saan nagbibilad ng karne ang mga tao at nilalagyan ng asin as a way of preservation. Alam mo namang sikat dito ang bagnet."

"So mga prayle o Spanish priests ang nagpagawa nito? Hmm? Maganda at matibay kasi kahit matagal nang pinatayo ay buhay pa rin ang walls dito kahit na dinaanan ng lindol," sabat ni Dañel saka inakbayan si Gail at inabutan ng C2. Purely made of stones ang nasabing walls kaya matibay talaga.

"Ire-renovate kaya nila ito?" tanong ni Christa na napatingin kay Gail na hinalikan ni Dañel sa kanang pisngi saka nag-selfie.Noong gabi sa bahay nina Mateo, she felt guilty dahil bestfriend niya si Mateo at niloko lang nito si Abby pero ngayon, masaya na siya dahil nandiyan si Dañel para kalimutan nito si Mateo. Isa pa, mas mapanatag ang loob niya dahil nakikita niyang seryoso si Dañel sa kaibigan.

"So far walang plan ang lokal na pamahalaan pero pine-preserve nila ito," sagot ni Henry. "Sa pagkakaalam ko, dalawang beses siyang inilipat at ngayon ay nasa  plaza na siya ng San Fernando, La Union ang Cathedral of St.William The Hermit."

"Para akong nasa ancient time," sabi ni Gail habang nakatingin sa walls at hinayaan si Dañel na yakapin siya mula sa likuran.

Nanayo ang balahibo niya. Parang nai-imagine niya ang prayle sa lugar at ang mga taong dumarayo sa simbahang ito para magpasalamat, magsimba at manalangin.

May malalaking puno rin sa paligid na kahit wala namang tao, pakiramdam niya ay may mga batang naghahalakhakan at naghahabulan sa paligid.

"Are you okay?" bulong ni Dañel na malapit lang ang bibig sa punong tainga niya kaya naramdaman niya ang mainit nitong hininga na mas lalong nagpatayo sa balahibo niya but this time, iba na ang dahilan.

"I'm fine," sagot niya. Nakalimutan niya ang problema at gumagaan ang pakiramdam niya.

"Ich liebe dich, Gail. Mahal na mahal kita," puno ng pagmamahal na sabi ni Dañel.

"Mahal din kita," halos pabulong na sagot ni Gail at napangiti habang pinagmasdan sina Christa at Henry na naghahabulan.

"Pinsan mo pa rin si Christa," paalala ni Dañel, "at wala siyang kasalanan."

"I know."

"Ano ang balak mo?"

"Hindi ko alam pero sana makiayon ang kapalaran," sagot ni Gail. Hindi natuloy ang paghihiganti niya kagabi. Oo nga't matindi ang galit niya pero parang may kung anong bumulong sa kanya na huwag niya itong gawin dahil hindi siya mamamatay-tao.

"Paano kapag malaman na nina Christa ang lahat?"

"Hindi ko rin alam," sagot ni Gail. Totoo ang kabaitang pinapakita ng pinsan niya kaya nahihirapan din siya. Mas madali kasing makipaglokohan at iwan ang mga taong sinungaling kaysa sa taong tapat ang pinapakita sa 'yo.

"We can file a case against them. Buhayin natin ang kaso ng parents mo, Gail. Tutulungan kita."

"Huwag mo nang isipin pa iyon, Dañel."

The Mayor's sonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora