CHAPTER 3

1 1 0
                                    

SOFIA'S POV

   NANDITO kami ngayon ni krisz sa sala kumakain. Tahimik lang kaming kumakain, parang may sariling iniisip. Ganon! But anyways may iniisip naman talaga ako! Ang iniisip ko ay kung paano ko lulusutan si krisz para hindi na ako makapasok. Ganern!

    "Ahm krisz? Pwede mo ba akong samahan?" sabi ko sa kaniya na may pagdadalawang isip. Matagal ko na kasing iniisip to eh! Matagal ko nang napag-isipan na gusto ko talagang magpakulay nang buhok! Oo gusto ko magpakulay nang buhok!

    Tiningnan ako ni krisz na may halong pagtataka. Iniisip siguro niya na tatakasan ko siya pero no!

   "Saan naman tayo pupunta?" sabi niya na may halong pagdududa. Kailangan ko bang sabihin ito? Wait parang natatakot ako? Hay! Bahala na!

   "Matagal ko na talagang gusto magpakulay nang buhok krisz. Pwede mo ba akong samahan sa salon para magpakulay nang buhok?" nahihiya kong sagot sa kaniya.

   Tiningnan niya lang ako nang mata sa mata. Parang inoobserbaran? Sana pumayag siya? Sana? Pero biglang nagbago ang tingin niya sa akin! From to seryoso to -

    "Ano ka ba? Oo naman noh? At tiyaka gusto ko rin magpakulay nang buhok!" sabi niya sa akin sabay ngiti. Hay salamat Lord!

    Mabuti nalang talaga at mabait itong si krisz. "Pagkatapos nating kumain eh bihis na tayo ha?" sabi niya sabay kain nang mabilis.

    Aba?! Siya pa excited?  So ayun na nga.......nagbihis na kami tapos umalis.

JIMIN POV

 
    BAKIT kaya wala pa sila? Ano kayang nangyari? Nag-aalala na ako eh! Baka hindi na siya tanggapin sa trabaho?

   "Bakit wala pa sila?" reklamong saad ni RM Hyung sa amin.

   "Baka naman papunta na?" sabi ni Jin Hyung tapos hagod nang likod kay RM Hyung para pakalmahin. Kasi parang kakain na nang buhay si RM Hyung eh. Nakakatakot siya magalit? Tingin pa lang nakakapatay na!

    "Kung ganyan naman pala sila kalate eh dapat hi-" putol na sabi ni RM Hyung nang may pumasok.

    "Sorry kung late kami!" sabi ni krisz tapos tingin pababa. Pero napako ang tingin ko kay sofia......grabe!! Napakaganda niya sa suot na denim shorts na may lace sa gilid tapos naka korean tshirt na malaki. Tapos......tapos........yung buhok niyang Ash Silver hair. Napakaganda niya ngayon!

    "Hindi na mauulit." sabi ni krisz.

SOFIA'S POV

   HINDI ako makatingin nang maayos! Hindi ako makapagsalita nang maayos nang dahil kay RM. Grabe siya makatingin sa akin! Para siyang kakatay nang tao!

   "Bakit mo daw sinampal si Taehyung?" tanong sa akin ni Namjoon! At shet hindi ako makasalita!? Maski isang salita man lang o isang letra! Wala akong ibang maisip? Lord help!

   "Sasagot ka o hindi? Kung hindi ka sasagot eh nandiyan naman ang pintuan para sayo." kalmado niya g sabi sa akin pero deep inside niyan parang nagtitimpi siya nang dahil sa akin.

    "Ahm...kasi..." ano ba sofia hindi mo yan kasalanan!

    "Ano?!" cold niyang sabi sa akin pero halatang naiinis. Kaya ko ba to? Lord? Ikaw na po ang bahala sa akin?

    Tiningnan ko naman sila kaso para rin silang takot kay Namjoon. Mag-isip ka nang paraan? Wag lang tanga? Gusto ko nang umiyak nang dahil sa sarili ko!

I DON'T KNOW YOU? (kim taehyung) Where stories live. Discover now