Chapter 12

18.8K 439 26
                                    

< Dennise P.O.V >

Nandito kami ngayon sa BEG, nakaupo sa bleachers at hinihintay ang pagdating ni coach pati na rin nung iba naming team mates, may trainning kasi kami ngayon. 

Ella: HAAAAY!... Back to reality nanaman tayo.

Sabi ni Ella na kararating palang at agad na umupo sa vacant seat sa tabi ni Jia.

Den: Mukhang gustong gusto mo sa retreat ah.

Ella: Syempre naman, nandoon kaya si Jeron Teng.

Napangiti nalang ako sa sinabi ni Ella.

"Si Jeron ba talaga?" Sabi ko sa isip ko. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko yung mga lambingan nila ni Mae.

Aly: Kaya naman pala eh... Gusto mo, ibigay ko sayo yung number nya?.

Ella: Talaga?! (Nakangiti nyang tanong kay Alyssa.)

Aly: Oo, pero may kondisyon.

Ella: Besh kahit ano pa yang kondisyon na yan, basta para lang sa number ni Jeron.

Aeriel: Ano ba yan Ella?! Kababae mong tao.

Ella: Eh bakit ikaw, hindi mo ba gagawin ang lahat para makuha yung number ni Enrique Gil? (Sabi nya kay Aeriel.)

Aeriel: Uhm..... Sabagay.

Ella: Oh diba? (Muli syang tumingin kay Ly.) Ano ba yung kundisyon mo besh?

Aly: May date kasi kami ni Jeron sa saturday.

"Date?!" Sabay sabay naming tanong kay Aly.

WHAT THE?!

Wala na nga akong problema kay Axel dahil mukhang hindi na sila magkakasama ulit ni Ly tapos meron nanamang bago. At si King archer pa talaga?!

Aly: Guys. Easy...

Ella: Easy?! Alam mo naman na super crush ko yun tapos makikipag date kapa sa kanya?!

Aly:Besh! Pwede wag kang OA? Yun na nga yung kondisyon ko sayo, sumama ka sa date namin. Kunwari chaperone kita pero ikaw yung irereto ko kay Jeron.

Ella: Well... ayaw kong maging chaperone mo pero agree ako dyan sa gusto mong mangyari.

Mabuti naman at iyon ang nasa isip ni Aly. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil dun, ang ibig sabihin kasi ay wala na akong ibang po- problemahin kundi ang pag-amin sa kanya.

Tinapik naman ako ni Aeriel kaya napatingin ako sa kanya, magkatabi lang kasi kami. Inilapit nya yung bibig nya sa taenga ko at binulungan ako.

Aeriel: Kamusta na nga pala kayo nung bf mo? Kayo pa rin ba?

Den: Kinausap kona sya at nakipaghiwalay na ako sa kanya. (Bulong ko kay Aeriel.)

Aeriel: Buti pumayag?

Den: Nagalit nga eh. Pero wala naman syang magagawa kung yun ang gusto ko.

Ilang sandali pa ay dumating na yung mga team mates namin at kasama nila si coach kaya nag-umpisa na rin kaming mag warm up.

~~~~

< Alyssa's P.O.V >

After trainning ay tumambay lang muna kami sa BEG, naka upo kami ni Maddie sa sahig. Kaharap ko sya at pareho kaming busy sa paglalaro ng chess sa cellphone nya. Nasa bleacher naman sa may tabi namin sila Den, Kim at Bea, pinapanood nila kami habang naglalaro. Yung iba naman naming kasama ay may ibang pinagkakaabalahan.

"LY!"

Napatingin ako sa kabilang side ng court at nakita ko si Marge na nanakbo papalapit sa amin, agad syang umupo sa tabi ni Maddie.

I LOVED YOU FIRST by ColtDonde viven las historias. Descúbrelo ahora