SWITCH: The Soul Swapped

10 5 1
                                    

Chapter Four

    "NERDY GEEK"

Lumingon ako sa sumigaw. Ang aga -aga nag iingay sa hallway. Napairap ako dahil walang iba kundi si PG. Tumakbo ito at saka isinabit na naman ang  bag niya sa leeg ko. Nakahiligan na niya yun ah! Nilagpasan niya ako saka kumaway habang tumatakbo.

   "Hoy!! WALANGHIYA KA!"

Tumakbo na rin ako pero hindi ko na siya naabutan. Wala akong choice kundi ang dalhin na lang ang bag niya. Pagkapasok ko sa room namin, iilan pa lang ang tao.

   Nang makita ko si PG, ibinato ko na ang bag niya sa kaniya... . Nasalo naman niya. Sana hindi para sapol ang mukha... Inilagay ko ang bag ko sa upuan ko saka dumiretso sa may likuran dahil nandun ang mga locker namin .... Inilagay ko roon ang cellphone ko pagkatapos ay naglakad ako papunta sa upuan ko pero sinadya kung daanan yung kinaroroonan ni PG.... Binatukan ko siya ng malakas saka nilagpasan na. Nakaganti din.

  " Uy Nerdy , nabalitaan ko papasok na daw si Jerome at lumipat din si Stacy dito sa Room natin." Umupo lang ako. Wala naman akong paki sa Jerome na yun.

"Woahh!! Walang pake oh! Sabihin mo lang samin uupakan namin yung ogag na yun basta ba pakopya next time!" Sabi naman ng isang lalaki na nasa gilid. Nakahawak ito ng bola.

  "Gusto mong makakuha ng bilog? "

  "Ahh!! Oo nga pala. Bilog ang nakuha mo kahapon hahhahaha!!" Nag apiran pa sila ng tropa niya. Gago din mga to.

  "Kaya nga huwag sakin kumopya. "

  " Sige, libre mo na lang kami mamayang lunch!" Yung isa sa tropa ng lalaki kanina ang nag suggest. ..," ayy.. Scholar ka pala. Wala kang pera. Nakalimutan ko. Ikaw na lang ililibre namin!!" Tawanan ulit. Pinagtritripan ba ako?? Binato ko nga ng chalk. May chalk kasi sa may desk ko kanina. Yun yung pinambato ko. Inilagan naman nila. Tingin ko makakasundo ko tong mga to.

   "..ano lulumpuhin na ba namin ang gagong yun?" Tanong na naman ng lalaking may hawak na bola. Iningusan ko sila bago sumagot.

  "Sige ba. Basta kaya niyo. Baka naman puro lang kayo salita. "

  "Woahh!! Puro salita lang daw dude oh . Hahah. Maghintay ka lang. " Sabi nito saka kumindat. Maangas ah.

  "Pero si Ian lang kaya na yun eh. Back up na lang kami!" Napangiwi ako. Ang angas kanina tapos ngayon dinamay pa si PG.

  "Naku Nerdy Girl, huwag mong pakinggan yang mga yan. Puro angas lang yan. " Sita ng isang babaeng nakabraid. Oh! Halata nga.

  Nilingon ko si PG. Ngumunguya na naman ng chewing gum. Tumayo ako at umupo sa table niya so tumingala siya sakin.

  "Bigyan mo ako isang box next time. " Sabi ko habang kumukuha sa bag niya ng walang paalam. Nakapatong lang kasi yun sa mesa niya kanina kaya kinuha ko at ako ang naupo doon.

  "Magnanakaw ka na ngayon?" Sinamaan ko siya ng tingin.

  "Nakikita mo naman di ba? Hindi to consider as Stealing. " Idinuldol ko sa pagmumukha niya yung bag niya bago binuksan yung gum at isinubo. Hindi ako umalis sa mesa niya. Inilibot ko ang tingin sa loob ng may maalala ako. ..,".. ano nga palang schedule natin ngayon?" .., tanong ko sa kaniya.

  "Woah! Nerd ka ba talaga? Ako dapat nagtatanung niyan. " Napa tsk na lang ako. Walang silbi.

  "Hoy anong schedule natin ngayon?" Tanong ko sa lalaking may hawak na bola kanina. Lumingon naman siya saka sumagot.

  "Sleeping time ngayon diba?"

   "Gago. Eating time!"

   "Hindi baliw. Walang klase ngayon."

SWITCH: The Soulmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon