7xx

177 11 6
                                    

“Ano ate?! Personal assistant ka ni Luhan my love so sweet?! Waah! Ang swerte mo!” kanina pa ako ginugulo ni Len nung sabihin kong PA nga ako ni Luhan baby ko.

“Oo nga, paulit-ulit ka. Saka akin lang si Luhan, baka gusto mong kalimutan kong kapatid kita.” Biro ko sa kaniya.

“Eh, ate baka naman kailangan din ng PA ni Kee! O kaya ni Hyumin, o kaya ni Nuri!”

“Oo na, oo na kapag sinabi nila na kailangan nila irerekomenda kita magtigil ka lang.”

“Ate, may bisita ka sa baba.” Bumaba ako para tignan kung sino yung bisita na sinasabi ni Pit. Ayun, nakaupo siya sa sala namin at kadaldalan si Mama.

“Oh, Kristoffer napadaan ka?”

“Anak, hindi mo naman sa amin sinasabi na may manliligaw ka na pala. Aba’t tinatanong ko nga tong si Kristoffer kung anong nakita sayo, mabaho ang paa, maasim ang kili-kili, mabaho ang utot-”

“MA!!” hinila ko agad si Tupe palabas na tawa ng tawa. Bwisit pahiyain daw ba ko!

“Hoy tumigil ka na ngang kakatawa kundi sisikmuraan kita!” halatang pinipigil na niyang tumawa pero hindi niya mapigilan.

“Sorry, sorry. Alam ko na kasi kung saan ka nagmana eh. Saka wala naman akong pakielam kung totoo man o hindi yung sinasabi ng nanay mo. Basta importante sa akin, ikaw. Si Ada.” Buti na lang nakatalikod ako sa kaniya kung hindi nakita na niya kung paano umakyat lahat sa mukha ko yung dugo ko sa katawan. My gosh!

“Bolahin mo lelang mo. Bakit ka ba nandito? Diba may game ka ngayon?” tumango siya.

“Yeah, that’s why I am here dahil sinusundo kita. Diba manonood ka? Don’t tell me nakalimutan mo na?” oo nga pala, nangako ako na papanoorin ko siya. Tsk, balak ko sanang gumawa ng cheesecake para kay Luhan ngayon eh. Pero baka magalit si Tupe pag di ko siya pinanood.

Nagpaalam ako na magbibihis lang ako saglit tapos umalis na kami.

Grabe, ngayon lang ako nakanood ng basketball sa MOA Arena. Kalaban nila ngayon, NU. Alam ko magagaling din tong mga to eh. Daming gwapo! Pero di ko mapagkakailang sobrang mas angat yung kaguwapuhan ni Kristoffer. Wow, kung naririnig niya ako malamang magpiyesta na sa tuwa yun.

“Wait, Ada ha. Mag warm up lang kami. Ito pop corn saka iced tea, kumain ka lang, kapag naubos bibilhan nalang ulit kita. O tapos, itong ipad ko, laruin mo kapag na-bored ka. Maya-maya pa naman yung start ng game.” Tumango tango lang ako habang inaabot niya sakin yung mga gamit niya. Grabe tong si Tupe, iniispoiled ako masyado.

“Pre, yan na ba yung girlfriend mo?” ka-team niya to, pero hindi ko alam yung pangalan. See? Wala akong kwentang estudyante ng school namin. Siniko siya ni Tupe. Nahiya ang loko. Hahaha.

“Hindi, siya si Ada, nililigawan ko. Ada, this is Rio, team mate ko.” Ayan na naman siya sa nililigawan thingy niya!

“Nice to finally meet you, Ada. Ikaw pala ang dahilan kung bakit laging star player tong mokong na to. At ikaw pala ang dahilan kung bakit wala na tong nilalapitang babae. Ano bang ginawa mo dito?” Grabe feeling ko sobrang pula na ng mukha ko! Kinikilig ako pero ayokong ipahalata.

“Tumigil ka na nga, gago ka. Halika na!” hinatak na ni Tupe si Rio bago pa makapagsalita ng kung anu-ano.

Nag-start na yung game at lamang na sila Tupe, grabe ang galing niya pala talaga. At tama siya, ang hot niya nga lalo kapag pawisan. Eh! Ano bang naiisip mo dyan, Ada?

Panay 3 points ang nagagawa niya. Halata namang pinapasa sa kaniya lagi yung bola kasi nga malakas siya.

*naega jug eul ttaekkaji agiga dangsin eul salang habnida~~*

Nagtinginan yung mga taong katabi ko nung tumunog yung cellphone ko. Nakakahiya, sino naman kaya tumatawag sakin? Unknown number eh.

“Hello?” bulong ko. Ayaw kong maka-interupt sa mga nanonood ng game.

“Creepy girl, pumunta ka dito sa hotel ngayon.”

“Teka, sino ba to?” creepy girl daw eh siya nga tong creepy diyan. Saka anong hotel, bastos to ah!

“Oorasan kita, if you’re not here after 30 minutes, I’ll fire you as my personal assistant.”

End call. Omooo~ si Luhan yun! Pero teka, pano niya nalaman yung number ko? Stalker ko na ba siya? Omg so kilig!!

Pero teka, tinignan ko si Tupe, 2nd quarter pa lang ng game. May dalawa pa. Baka magtampo to sakin kapag iniwan ko siya dito. Sabi pa naman niya magdidinner kami mamaya…

Eh, kaya lang si Luhan baby ko naghihintay. Hay, siguro naman maiintindihan ni Tupe dahil trabaho naman to eh. Diba?

Umalis na ako agad bago pa mag-time out kasi siguradong hindi niya ako hahayaang makaalis. Nag-taxi na lang ako papunta sa hotel.

“You’re late, ugly duckling. Marunong ka bang tumingin ng oras? O wala kang pambili ng relo?” yun agad yung bungad sakin ni Luhan pag pasok ko sa kwarto niya.

“A-ah, eh sorry. Galing kasi ako sa basketball game ng kaibigan ko. Medyo malayo-layo din kasi yun dito. 5 minutes lang naman akong late.”

I heard him say, ‘tss’ then hinila niya ako papunta sa kwarto niya.

“A-anong gagawin natin dito?” alam kong mahal ko si Luhan pero di pa ako ready na isuko ang Palawan no! Pakasalan niya muna ako! Chareng.

Tumawa siya, anong nakakatawa sa sinabi ko?

“Seriously? Do you really think pagnanasaan kita? Look at youself okay? Kapag tinapat ka sa mga koreanang naging girlfriends ko, magmumukha kang dumi sa kuko nila.” Ouch.

“Here. Labhan mo tong lahat. Gusto ko matapos mo yan ngayong gabi.” Turo niya dun sa mga labahin niya.

“T-teka, bakit ang dami mong labahin? Tatlong araw ka palang nandito ah! Minuminuto ka bang nagpapalit ng damit?” grabe kasi, tambak talaga yung mga damit niya.

“Aangal ka pa? Okay, dagdagan natin.” Binuksan niya yung maleta niya at nilabas yung mga bago niyang damit na hindi naman madumi tapos isinama niya sa mga marumi. Grabe naman!!

“Teka, diba personal assistant mo ako? Kasama ba to sa mga ginagawa ng PA?” lumapit siya sa akin. Amoy na amoy ko yung pabango niya, sobrang bango niya. Plus mukhang kakaligo niya lang. Nagnanasa na naman ako kay Luhan baby ko!

“Diba papasuwelduhin kita? I want my money to be worth it sa isang katulad mo. And personal assistant means katulong. So don’t think that I will treat you like a princess when you should be treated like a slave.”

Tears started to fall in my eyes when left me standing there. Oo nga naman, sino ba namang tangang ituturing akong prinsesa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How to: Make a KPOP idol fall in love... (to a FAN?!)Where stories live. Discover now