3: 𝑩𝒓𝒆𝒂𝒌 𝒏𝒂 𝑻𝒂𝒚𝒐

0 0 0
                                    


Napatayo si Aeros at binitawan ang bewang ko. Naglakad ito papunta kay Khate. Hays

Napatingin ako sa kasama ko na nakatitig pala saakin. Tinignan nila kung saan pupunta si Aeros. Siniko ni Yvonne si Sabrina na nagcecellphone,ngunit di sya pinansin nito kaya bumulong nalang ito at bigla itong tumayo at pumunta kay Khate.

" Khate! Salamat at dumating ka. " masiglang saad ni Sabrina.

Hindi sumagot si Khate kasi nakatingin padin sya kay Aeros, biglang may pumahid sa luha ko. Napatingin ako sa gilid ko. si Cedrick.

Pinatayo nya ako at tumingin kay Aeros. Nakatitig din pala sya saamin- no hindi kay Cedrick. Sinabayan nya ako palabas at pumunta sa may parking lot.

" Please Cedrick iuwi mo na ako.... " bulong ko sa kanya.

Tumango lamang ito at binuksan ang kanyang sasakyan. Pinasakay nya ako sa passenger seat. Dali dali syang pumasok sa driver seat at pinaandar ang kotse.

" Criptica... " malumanay nyang saad.

Napaiyak ako sa sakit na nadarama. Grabe! Sana di nalang sya dumating. Nakakagigil. At ngayon nanjan na siya. Wala na finish na, I'm lonely again. Alam kong mahal pa sya nya si Khate alam ko, kasi dati nung pumunta ako sa condo nya, ganun padin ang ayos. Madaming pictures nila ni Khate, yung feeling na ako yung nandito nagpapasaya sa kanya pero.... hays di ko hawak desisyon nya.

" Criptica ... ako nalang kasi " saad ni Cedrick at hininto ang kotse.

Nagulat ako, napatingin ako sa kanya at magsasalita na sana ako ng bigla nya akong hinalikan. Napagulat ako, ng biglang bumukas ang pintuan sa gilid ko.

Umiwas ako at tumingin sa gilid kong saan galit na galit na galit na kulang nalang maging super sayan si Aeros.

Lumabas ako at hinawakan nya balikad ko.

" Criptica?! Ano yun?! Bat kayo naghahalikan?!! " sigaw nya saakin. Di ako sumagot at tumingin sa loob ng sasakyan nya. May tao. Feel ko may tao dun kasi di pinatay yung makina. Kilala ko sya kung sino. Si Khate.

Lumabas si Cedrick at kakausapin sana ako ng biglang sinapak ni Aeros si Cedrick.

Napahiyaw ako at inawat sila pero di sila nakinig. Nagsinapakan sila at dumudugo na ang ilong ni Cedrick. Yayakapin ko sana si Aeros para tumigil kaso na unahan ako ni Khate, kaya inawat ko nalang si Cedrick.

Di ko yun nakita, tama nga ako. Kasabay nya si Khate.

" Anlandi mo!! Wala kang kwentang girlfriend!! " panunumbat ni Aeros sa akin habang niyayakap ni Khate na bumubulong ng " Tama na Ros, tama na "

Grabeng bulong naririnig ko haha. Napatingin lang ako sa kanila.

" Sumusobra kana Aeros!! Wag mong pagsalitaan ng ganyan si Criptica, di mo sya kilala!! Potangina ka!! " balos na sigaw ni Cedrick kay Aeros.

Umiling si Aeros at napaiyak ako sa sakit ng binitawan nyang salita. Tatlong salita.

" BREAK NA TAYO!! " sigaw nya pagkatapos ay pumunta sa sasakyan nya habang sumusunod si Khate. Tinignan ko lang sila hanggang sa umaandar ang sasakyan paalis. Nandun lang ako.

Walang ginawa kundi umiyak. Niyakap ako ni Cedrick. Gusto kong magalit sa kanya pero, kasalanan ko to. Kasalanan ko.

Journey of Love ( On-Going ) Where stories live. Discover now