Ross and Lyka (One-shot) | Based on a true story

11 2 4
                                    

"Baby, gutom na ko, baby..."

Kantyawan at hiyawan agad ang narinig ko sa mga kaklase ko. Nakatambay kami dito sa student center dahil wala pa kaming klase ng mga kaibigan ko.

"Baby naman, bakit ka nagpapagutom?" nakanguso kong sabi. Agad akong kumuha ng snack sa tabi ko. "Baby, ito ang pagkain, oh..." pabebe kong sabi at ibinigay sa kanya.

Tinanggap naman niya iyon ng malaki ang ngiti.

"Nako, Lyka pag kayo nagkatuluyan, bibilhan ko pa kayo ng kotse..." sabi ni Ema at ngising-ngisi pa.

"Oo nga, dadagdagan ko Ema," gatong naman ni Arlyn.

Nagsalita naman si Diana, "Pag ako nagkasweldo, ibibigay ko sa inyo iyong isang buwang sweldo ko."

Natawa naman ako, saka hinarap si Ross. "Tara na nga magpakasal, pagkatapos maghiwalay rin tayo at paghatian nalang natin iyong mga binigay sa'tin," malaki ang ngiti kong sabi.

Inakbayan niya naman ako at ngumisi, "Ano? Tara, baby..."

Agad akong tumawa ng malakas, sinabayan nya rin naman ako sa pagtawa.

Ganito lang kami, we tease each other but we've never been serious sa lahat ng mga pinagsasasabi namin sa isa't isa.

Kilala si Ross bilang isa sa mga top students dito sa university. Dean's lister at running for cum laude. Kilala rin sya dahil sa mukha nya. Gwapo, matangkad at maganda ang katawan ni Ross. Napakatalino at isa pa sa mga hinangaan ko sa kanya ay ang galing nya sa pagguhit. He can paint any pictures using different styles of drawings. It can be by using color pen, paints, charcoal or just a ballpen napapaganda nya. Magaling eh, kaya medyo may kayabangan.

But he's kind and thoughtful in his own way, lalo na kapag sa kanya ko sinasabi iyong mga problema ko.

One day I told him about my first love which is also my first heartbreak.

"Alam mo Lyka, hindi mo deserve yang ganyang mga tao. Kung dumating ang panahon na humingi sya ng second chance sa'yo, huwag mong ibigay kasi hindi nya deserve 'yon, after what he'd done."

Sa pagkakataong ito ay seryoso ang mukha niya at ganun din ako, pero nang maproseso ko na ang sinabi nya. Ngumiti na lang ulit ako at hindi ko na inisip pa ang nakaraan.

Naglalakad kami palabas ng school para kumain sa labas. Ako, si Ross at si Joshua na bestfriend niya.

Dahil matangkad si Ross, ako ang pinili nyang patungan ng braso nya. Ganito naman ito palagi. Imbes na kay Joshua, sa akin pa talaga nakapatong ang ma-muscle nyang braso. Lakas.

'Hello, mahina po ang balikat ko. Babae kaya ako.'

Hindi ko naman masabi, dahil sa isip isip ko ay parang gusto ko rin na ganto ang ginagawa nya.

Noong una talaga ay pinagtitripan ko lang sya. Madami kasing nagkakagusto sa lalaking ito. Sabi ng mga kaibigan ko asarin ko raw itong si Ross na kunwari ay patay na patay ako sa kanya at kapag kumagat ay saka ko daw iwanan.

Doon nabuo ang "baby" endearment namin. Ako lang talaga noong una, pero sinasakyan nya nalang at nakikibaby narin sa'kin.

Never did I know na ako pala ang mahuhulog sa sarili kong patibong. Ako iyong tuluyang na-attract sa kanya. Nagkagusto ako ng hindi ko namamalayan.

Alam nya na may gusto ako sa kanya dahil palagi kong sinasabi. Ang hindi ko lang alam, ay kung tinatanggap nya ba iyon bilang seryosong bagay dahil alam nyang biro lang naman ang lahat ng sinasabi ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ross and Lyka (One-shot) | Based on a true storyWhere stories live. Discover now