Escaping Mr. Blood Sucker

24 3 2
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME...

------------------------------------------------------------------------

Simula

Tagaktak ang pawis ko habang nanakbo. I don't know where exactly I am. Ang alam ko lang ay nasa madilim, malawak at masukal na kakahuyan ako at kailangan ko ng tulong. Nanlalabo ang aking paningin dahil sa walang humpay na pagpatak ng aking mga luha. 

"You can't escape me, dear" Malayo ako sa kaniya pero rinig na rinig ko siya. 

"P-please! Tigilan mo na ako!" Naluluhang sambit ko.

Nagpatuloy lang ako pagtakbo. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang makalayo sa kanya. Hindi ko alam kung saan patungo ang tinatahak ko. Kanina pa ako tumatakbo ngunit tanging dilim pa din ang nakikita ko. 

"You can't escape me, dear!"

Paulit ulit at unti unting lumalakas ang sinasabi niya sa aking pandinig. Napatakip na lamang ako sa magkabilang tenga. 

"T-tama na!!" Ang tanging nasabi ko na lamang bago unti unting napaupo sa mga tuyong dahon na nasa lupa. 

"You can't escape me" 

Nanatili akong nakayuko nang itim at matulis na sapatos ang tumambad sa aking harapan. 

"Felicia... "

Nanlalaki ang mga mata kong nag angat ng tingin. I saw a red-eyed man. Ang balat niya ay sobrang putla na para bang kailanman ay hindi nasinagan ng araw. Nakangiti sya sa akin na para bang nangangamusta.

How did he know my name? 

Unti unti syang lumapit sa akin at tinitigan ako. Walang lumalabas na anumang salita sa aking bibig. Tanging pagsabay lamang ng mga dahon sa hangin at tunog ng mga kuliglig ang nangingibabaw sa amin.

Maya maya pa ay hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at walang sabi sabi ay hinila niya ako patayo. Nagsimulang magtambol ang puso ko sa takot at kaba.

Lalo akong kinabahan nang bigla niyang ilabas ang kaniyang dalawang mahahabang pangil.

"H-huwag... Parang a-awa mo na!" tanging mahinang sambit ko.

Nanghihina ang aking mga binti ngunit nanigas ang aking katawan sa kinatatayuan ko. Gustuhin ko mang tumakbo at tumakas palayo sa kaniya ay hindi ko na magawa dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa balikat ko. 

Napapikit na lang ako ng unti unti niyang ilapit ang mukha niya sa leeg ko. Napasinghap ako ng dumampi ang dulo ng kaniyang ilong dito. Inaamoy niya 'yon. 

Pilit ko siyang tinutulak pero hindi siya nagpapatinag. 

"You can't escape me Felicia. Even if you do your greatest escape, I'll always follow you. All ways leads you back to me" Pabulong ngunit madiin niyang wika.

Hindi ko na nagawa pang magsalita. 

Napahiyaw na lang ako ng may maramdamang dalawang matulis na ngipin na bumaon sa leeg ko. 

"Ahhhhhh!!!!!" Agad akong napahawak sa aking leeg nang siya'y humiwalay sa akin.

Napaatras ako ng makakita ng dugo sa aking mga daliri. Unti unti akong umatras ngunit sa bawat hakbang palayo ko sa kaniya ay isang hakbang din ang ginagawa niya palapit sa akin. 

"You can't escape me Dear!" 

Sa huling hakbang ko paatras ay napalingon ako sa aking likuran. Isa itong bangin. Malalim na bangin. 

"I'm your home..." Sa halip na pumunta sa kaniya ay humakbang na lang ako paatras. 

Naramdaman ko na lang na dinuduyan ako ng hangin pababa. All I can do is to scream. 

"Felicia! Felicia! Felicia!"

"T-tama na!!"

Napabalikwas ako bigla ng bangon. Pawisan at hinihingal.

Iginala ko ang tingin ko sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang nasa kwarto ako.

It was just a nightmare! But it feels like a living nightmare. 

Ramdam ko ang patuloy na pagpatak ng pawis ko kaya pinunasan ko 'yon. Binuksan ko ang lampshade na nasa tabi ng kama.

Napahawak ako sa kanang bahagi ng leeg ko ng maramdaman ang pagkirot nito. Natigilan ako ng makakita ng dugo sa kamay ko. 

Dali dali akong tumakbo sa salamin para tingnan 'yon.

Nanlaki ang mata ko ng makakita ng... kagat? Malalalim na dalawang butas na magkahiwalay. 

Ibigsabihin... Totoong may kumagat sa akin?

Napagawi ang paningin ko sa balcony ng may nakita akong gumalaw sa peripheral vision ko. Kita ko ang anino ng isang lalaki sa likod ng kurtina. Tumatagos ang titig niya sa pagitan ng kurtina dahil ramdam na ramdam ko 'yon. 

Dahan dahan akong humakbang palapit sa balcony. Tanging ingay lang ng mga kuliglig ang maririnig.

Hindi siya umaalis don.

Bilog at maliwanag na buwan ang nagbibigay ilaw para makita ko siya.

"Sinong nandyan?" Tanong ko habang lakas loob na lumalapit sa kanya.

Ngunit hindi siya sumasagot. Nanatili lamang siyang nakatayo sa likod ng kurtina.

Habang papalapit ay unti unti ring bumibilis ang tibok ng puso ko. Kagaya ng kaba at takot na naramdaman ko sa aking panaginip.

Nang hawiin ko ang kurtina ay bigla siyang tumalikod at humakbang paatras. 

Mukhang may balak siyang tumalon pababa mula dito sa taas "Sandali!" sigaw ko pero hindi siya nakinig. Ni hindi niya manlang ako nilingon.

Tumungtong siya sa railings. Napako ako sa kinatatayuan ko. Maybe I'm just dreaming again so I pinch myself but unfortunately I'm not.

With just a snap, he suddenly turns into a bat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 28, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Escaping Mr. Blood SuckerWhere stories live. Discover now