#2

8 4 1
                                    

Kamukha mo si paraluman



Ang bagal lumipas ng oras kapag may hinihintay ka, nasasabik na 'kong siyang makita.

Ngayon ay nasa unang taon na 'ko ng kolehiyo, sa kursong business ad, dahil balang araw ako na ang mamamahala ng pinaghirapan ng aking ama.

Balita ko si Chelsey ay Education ang kinuhang kurso, dati palamang nabanggit na niyang gusto niya maging guro. Tumatawag naman ako sa bahay ngunit madalang ko siyang makausap, lalo na ngayon.
Siguro busy siya, dalawang linggo na din akong tumatawag at wala siya sa'min.

Nagulat ako ng pagtingin ko sa calendaryo ay malapit na pala ang kaarawan niya.

Sabado ito, wala naman kaming klase noon balak ko siyang sorpresahin. Maghahanda ako ng regalo para sakanya, sana matuwa siya.

Huwebes palang ngayon, napakatagal ng oras talaga kapag naghihintay, naiinip na ko kaya minabuti ko na lang makinig sa discussion.

Iba padin talaga pag hindi ko siya kasama, nakakalungkot naman.

Namimiss ko na ang asarin siya, yung inis at yamot sa mukha niya na mas nagpapaganda sakanya, ewan ko ba basta masaya ako kapag nakukuha ko ang atensyon niya.

Hinanda ko na ang gitara na gagamitin ko, naisipan ko na lang kantahan siya ng isang kanta mula sa paborito niyang lokal na banda, ang Eraserheads.

Dati naaalala ko pa kapag, kinakantahan ko siya ng kantang "Ang huling El Bimbo" ay tuwang tuwa siya at todo puri sa boses ko.

Ang saya ko kapag napapasaya siya. Lalo na yung tawa niya nagsilbing musika na sa tenga ko.

Naisipan kong ito na lang din ang kantahin sa kaarawan niya, dahil sigurado ako na hindi ito papayag sa engrandeng handa o regalo, dahil ang babaeng kagaya niya ay sobrang simple lang.

Isa sa mga bagay na nagustuhan ko sakanya, siya yung tipo ng babaeng hindi mo narinig mag reklamo sa kung anong materyal na bagay ang meron siya.


Biyernes ng gabi, nagdesisyon na 'kong umuwi sa Mariveles, kung saan andun ang bahay namin sa probinsya, dahil mahaba habang byahe ito. Siguro ay madaling araw na akong makakarating dun, sakto lang para makapaghanda.

Tulog na ang mga tao ng dumating ako kaya napag isipan ko na ding magpahinga. Kinabukasan ko na iisipin ang sorpresa ko.

Nagising ako sa tunog ng alarm, naligo muna ako at nagbihis, tyaka ko dinala ang gitara at hinanap na si Chelsey.

Si Papa ang naabutan ko sa hapag, nag text ako sakanya na uuwi ako para sa kaarawan ni Chelsey kaya alam niya, halata padin ang gulat sakanyang mukha, 'di niya siguro inaasahan na madaling araw ako nakarating.

Kumain na muna ako bago nag tanong kung nasan sj Chelsey at ang kanyang nanay dahil hindi ko pa sila nakikita.

At ang sabi naman ng aking ama ay nagsimba daw ito.

Alas dose ng tanghali ng may matanaw akong tumigil na tricycle sa harap ng aming gate, mula sa hardin nakita ko ang pababa dito ni Chelsey at ng kanyang ina.

Nagdesisyon ako na pagbuksan sila ng gate, ipinuwesto ko na ang gitara at maghahanda ng kumanta ng bigla kong naramdaman ang pagsigaw at biglang pagyakap ni Chelsey sakin!

Sa gulat ko ay parang ako pa ang na sorpresa niya, ang duga bakit ba mahal kita.

"Bakit hindi mo sinabi—" hindi na natapos ang kanyang sasabihin dahil nagsimula akong tumugtog.

Luwag ang yakap niya sakin at pinanood ako sa aking ginagawa.

Medyo kabado ngunit ipinagpatuloy ko.

Ang huling el bimboWhere stories live. Discover now