Chapter 11: Kapatid

92 7 1
                                    

Gian Phoenix Vergara

Pag kauwi ko napapaisip ako kung sino ang sinasabihan niyang maghanda, may kaaway ba siya na di ko kilala?, may alam ba sila na di ko alam? Sana lang talaga wala siyang tinatago

Isang linggo na din ang makalipas simula ng araw na yon. Pag hatid sundo ko siya lagi. Lagi ko din siyang kasama umuwi. Lagi ko din siya hinahatid sa room nila.

Patagal ng patagal may nakikita akong tao sa kanya di ko lang maalala kung sino, pero sigurado ako may kamuka siya.

"Brie may kapatid ka ba?" Tanong ko habang naglalakad kami papasok sa university

"Yep"

"Lalake o babae?"

"Lalake, si kuya lang naman kapatid ko. Actually half brother ko siya, but i treat him as my normal sibling."

"Oh ok"

"Bakit mo nga pala natanong?"

"Uh wala naman"

"Hmm ok"

"Tara na hahatid na kita sa room niyo" bago ako umakbay

Pagkahatid ko sa kanya sa room huminto muna ako sa labas ng room namin dahil wala pa sila Richard, Dylan at Chris. Asan na naman kaya yung mga yon? Tinext ko muna sila bago pumasok. Nilagay ko muna sa bulsa ng hoodie ko ang phone ko. Nagulat ako ng magvibrate ito kaya naman nagpaalam muna ako na mag ccr.

[Bilisan niyo late na kayo mga tanga]

[Nakita namin si Jane kaya kami natagalan] si Dylan

[Oo nga hinabol namin siya kaso ang bilis niya magpatakbo ng sasakyan, nakita ko siya umaaligid sa labas ng school.] si Chris

Napatigil ako sa nabasa ko, talagang gusto talaga nila kami gantihan noh? Kailangan lagi kong kasama si Brie dahil baka kung ano pa ang magawa nila sa kanya.

Nag break muna kaya tinetext ko si Brie kung nasan siya, nauna kase sila lumbas kaya nauna na siya sa canteen.

Umabsent na lang sila Dylan dahil daw baka mapagalitan pa sila ng prof. Pag dating ko sa canteen, lumingon ako kung saan saan. Nakita ko ang table sa may sulok at nakita ko siya na naka heads down. Nung nilapitan ko siya tinanong ko siya.

"Anong nangyare sayo Brie?"

"Wag ka magulo masaket puson ko, masaket ulo ko tapos masaket pa balakang ko" sabi nya habang nag aakto na parang nagbibilang sa kamay. Kaya pala may dalaw pala kaya mainit ulo.

"Ok chill"

"Tara na kumain na tayo babalik agad ako sa room para umidlip."

"Sige sige"

Pagkatapos niya kumain nagnamadali siyang umalis sa table. Ok lang tapos na din naman ako eh. Aalis na sana ako ng makita ko ang phone niya sa table. Hays naiwan niya na naman sa sobrang pagmamadali. Pero nagulat ako sa nakita ko.

Nakita ko ang wallpaper niya na may kasama siyang lalake at babae. Yung lalake sigurado ako na kuya niya to dahil kamukha niya, sa kabila naman ay ang sinasabi kong parang pamilyar na mukha sa akin na kamukhang kamukha niya.

乂❤‿❤乂

Playing With the Playboy (SIMPLICITY GIRLS SERIES 1) (EDITING)Where stories live. Discover now