Kabanata 29

83.4K 4.1K 931
                                    


Kabanata 29:

NGAYON araw ang labas ni Daryl sa ospital kaya inasikaso ko ang mga papeles na dapat ayusin. Magaling na ang kaniyang mga sugat pero kailangan pa rin niyang uminom ng gamot upang maging mabilis ang paggaling ng kaniyang balat.

Lalo ko nakita ang pinsala sa kaniyang katawan dahil sa sunog noong gumaling na ang kaniyang sugat. He survived from second degree burn and I know how hard it is. Naaalala ko pa, may mga gabi na magigising ako na umiiyak siya habang yakap-yakap ako, sobrang sakit noon na makita siyang mahina na kahit gusto ko rin manghina ay hindi ko magawa dahil alam kong bukod sa mga anak niya ay ako ang lakas niya.

Paglabas ko ng elevator papunta sa kaniyang kwarto ay napatigil ako nang makita si Eugene sa labas noon. Nakapamulsa siya habang nakasandal sa pader animong may hinihintay.

Halos nakikita ko rin naman siya dahil madalas ay binibisita niya si Isaiah, hindi ko naman inaasahan nandito siya ngayon lalo't wala naman ang anak ko rito.

Nang matanaw niya ako ay umayos siya ng tayo saka ako nginitian, nilingon ko ang nakasaradong pintuan ni Daryl.

"What are you doing here, Eugene? Wala si Isaiah ngayon, sa bahay na sila naghihintay," bungad ko sa kaniya.

Tumango siya. "I know, hmm gusto sana ipaalam ang anak natin sa linggo," malumay na wika niya.

Bahagya akong lumayo sa pintuan ni Daryl dahil baka marinig niya kami, ayoko naman mag-away pa sila. "Ano bang meron? Can't you move it on Saturday? Birthday kasi ni Daryl sa linggo," mabilis kong paliwanag sa kaniya.

Nalukot ang kaniyang mukha.

"And?" naghihintay siya ng kasunod pang sasabihin ko.

Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking kamay, sinundan niya iyon ng tingin.

"Galit ka ba sa akin? Umiiwas ka? Lagi ako pumupunta rito para sunduin si Isaiah kapag nanditi siya pero hindi ka naman lumalabas," sumbat niya at hindi ko iyon nagustuhan.

Ito ang mahirap kapag lagi kang mabait, kapag may kaunti kang ginawa na hindi nila nagustuhan ay sa'yo na isisi.

Bumuntong hininga ako.

"Look, Eugene. Naiintindihan kong gusto mong bumawi kay Isaiah, I'll give you that. And yes, umiiwas ako sa'yo unang-una dahil galit pa rin ako tungkol sa a-anak ko." Mariin akong pumikit, napa-iling ako nang dumilat at akmang hahawakan niya ako ay umatras ako. "Galit ako, galit na galit pa rin pero iniisip ko si Isaiah e, gustong-gusto ka niyang makasama kaya kahit labag sa akin ay hinahayaan ko para sa anak ko but please don't expect me be good at you, we're okay but I'm not happy when you're around. Sinasabi ko lang para malinaw sa'yo, may boyfriend din ako, naisip mo ba maiisip ni Daryl kapag nakita tayo, hindi lang 'yon lang sasalita pero nagseselos 'yon, lalo na ngayon."

Humina nang humina ang boses ko sa huling salitang binitawan ko sa kaniya.

Ayos lang kung mabastusan siya sa pagiging straight forward ko sa kaniya, kaysa umasa siyang ayos kami kasi malayo iyon sa ganon kumbaga 'yong pakikitungo ko sa kaniya ay para sa anak ko na lang.

Umiling siya parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko.

"Ayaw mo bang bigyan ng kumpletong pamilya si Isaiah? I like you really, unang kita ko pa lang sa'yo," deretsyahan wika rin niya.

Imbes magulat ay natawa ako, I don't feel any feelings in his words na para bang kinabisado niya lang iyon.

"Don't push it, Eugene. Hindi ko alam kung anong nangyare sa inyo ni Daryl noon, kung anong pinag-awayan niyo but don't even think use my daughter."

Teach Me Again (Teach Series #2)Where stories live. Discover now