KABANATA TATLO

8 1 0
                                    

PAGKATAPOS kong magshower ay nakita ko na nakaayos na si lou at ako ay magb-blower pa ng buhok,kita pa rin ang inis sa mukha nito

Pumunta na ako sa vanity at nagsimula nang mag patuyo ng buhok ko,tiningnan ko siya sa reflection niya sa mirror

"Lou,kalma lang"

"Nakakainis talaga,napahiya pa ako sa ibang turista doon"

Naalala ko tuloy ang pagbagsak ko kanina,grabe masakit pa din ang balakang ko,hindi ko na lang sinabi sa kanila ang totoong nangyari sa akin,ang sagot ko lang sa kanila ay natalisod lang ako

"May mga ganon talagang nga turista lou,mga hindi marunong humingi ng sorry kahit sila yung nakagawa ng kasalanan...tss"

"Bakit?,may nakasalamuha ka ba kanina ng ganoong tao?"

"Wala"

"Tss"

Dumiretso na kami sa resto para makapag dinner na,sabi ni kuya Peter nauna na daw sila tito at tita pati na rin sila mom and dad,kaya kami lang magpipinsan ang kakain

Umupo ako sa tabi ni kuya Peter sa tapat ko ay si lou ay sa tabi naman niya ay si kuya Finn,pang apat na tao lang ang table na napili namin

"Kuya Peter,sayang at hindi ka nakasama",pagsisimula ko habang naghihintay sa mga pagkain na inorder ni kuya Finn,hindi naman ako pihikan sa pagkain

"Nah,you know Mae",he shrugged

"Sus,lagi ka na lang nakadikit diyan kau ate Mae,kuya",sabi ni Lou,kuya Peter is lou's big brother,while me and kuya Finn are both only child

"Well..napansin ko pala kanina na mukha kang badtrip ah?"

"Yeah,badtrip talaga"

Kuya Finn just laugh at nakitawa  na lang din ako,tumigil lang nang dumating na rin ang mga pagkain

Habang kumakain ay napag usapan namin ulit ang mga plano sa mga susunod pang araw

-

Mabilis ang rin natapos ang tatlong araw na bakasyon,nag-enjoy naman kami lahat.Ang mga parents namin ay nakapag relax at napaliban ang trabaho sa manila

We also buy souvenirs,niramihan ko yung akin dahil nangako ako sa mga friends ko sa manila na uuwian ko sila,lalo na si mylene,ang bestfriend ko,hindi kami nagkoroon ng communication habang nandito kami sa caramoan,siguro busy...

Hindi ko na rin kasi nache-check ang cellphone ko simula nang pumunta kami dito,nadistract ako ng sobra sa views dito

"I'll wait you here para sabay na tayong bumaba"

"Sige,bibilisan ko na ang pagkilos"

"Bakit kasi nilabas mo lahat ng gamit mo,hindi naman tayo titira dito,duhh",may gana pa itong umirap

"Alam mo lou,baka mahipan ka ng hangin kapag ganyan ka nang ganyan"

"Tss..bilisan mo na nga lang diyan,baka ma-late na naman tayo",she hissed

At binilisan ko na nga ang pag aayos ng mga gamit ko,dagdag pa kasi itong mga souvenirs eh,magtatampo kasi ang mga 'yon kapag di ko sila nabilhan,nangako pa naman ako

I'm not a type of person na nangbabali ng promise...

"Ano,nakilala mo na yung nakabangga sa iyo sa sabitang laya?",grabe yung galit niya dito,sinabi niya sa akin na pinahanap niya pa,naapakan daw pride niya

"Hindi pa nga eh,nakakabuset pa rin kapag iniisip ko 'yong nangyari!",halata ngang hindi pa ito kumakalma hanggang ngayon,akala mo makikipagsapakan eh,nakataas pa ang mga kamao

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Soaring Upon The Arrows.Where stories live. Discover now