Kabanata 1

6 1 0
                                    

Mabining hangin ang sumalubong sa aking mukha nang lumabas ako sa teresa ng aming bahay. Umagang umaga pa lamang ay nagiingay na ang kapitbahay naming si Aling Rosita at pinapagalitan na naman ang anak niya na si Onyok.

Uminom ako sa aking tasa habang nakatanaw sa gate ng bahay namin nang marinig ko ang boses ni Lola.

"Napasimulan na kasi 'yong bahay na 'yon kaya papatapos na lang. Gusto kasi ni Abi eh magkaron sila ng pwesto dito sa-" hindi ko na narinig ang sinasabi ni lola dahil papunta sila sa likod ng bahay namin

Sinundan ko lang sila ng tingin nang kasama niyang si Mang Ambet, kilalang karpentero sa baryo. Hindi pa kasi nauuso din ang mga inhinyero at arkitekto kaya ang gumagawa ng mga bahay-bahay dito ay mga katiwalang karpentero at kilalang manggagawa.

Maaga pa kaya naman naisipan kong mag-jogging na lang. I changed my outfit with my racer back and leggings. Di ako pwedeng magsuot ng sports bra dito dahil maraming chismosang kapitbahay na akala mo makasalanan ka kapag nagsuot ka ng gano'n.

I plugged my airpods and started to jog around the lands of La Fuente. Mukhang magpapagawa na ng bahay si Ate malapit kay Lola kaya nagtawag na ng manggagawa si Lola.

Lola owns a piece of land in our baryo, that can house all of us, from my family down to my cousins and gusto naman nila 'yon para sama-sama. My family is one of the old money here in our town kaya naman hindi na kataka-taka iyon. She was known in our small town because of her kindness and because she is a servant in our chapel. And add to that fact na bestfriends din sila ng isang Senyora dito sa baryo.

Naikot ko ang daanan papunta ng chapel at pabalik na nang makita ko na may ilang truck na ng bato ang papunta sa amin. Magsisimula na agad? Ang bilis ah.

Nakarating din ako sa bahay at nakita ang limang manggagawa doon na kausap ni Mang Ambet.

"Amara! Ikaw na bata ka kanina pa kita hinahanap!" sigaw ni Lola. Pero alam ko naman na hindi siya galit, high pitched lang talaga siya.

"Nag-jogging lang, 'La. Ano pong meron?" tanga-tangahan kong tanong kahit alam ko naman. Wala may masabi lang, gusto kasi ni Lola 'yun, yung naguusap kami.

"Magpapagawa na yung pinsan mo ng bahay dito, gustong malapit sa mga tita mo eh" sabi niya, may bahay na rin kasi ang mga tiya at tiyo ko sa likod ng malaking bahay ni lola kung saan ako nakatira.

"Sila Mang Ambet yung gagawa" sabi niya kaya tumanggo lang ako at tiningnan ang mga manggagawa.

Ngunit isang pares ng kulay abong mga mata ang sumalubong sa tingin ko. Nang makita 'yon ay agad siyang nagiwas ng tingin at namula ang tainga. I'm sure he was checking me out. I smirked. That's a very unsual move with the boys I've been with. Madalas naiintimidate sila sakin that they wouldn't bother to spare me a glance. Ayaw kasi ng mga lalaki sa independent woman, and that's what I am. With the unos in my card, they will all feel intimidated just like that.

Inilihis ko ang tingin ko, pero sa peripheral view ay tanaw na tanaw ko ang hulma ng katawan niya na wari mo'y iniukit ng masinsin. Ang mga ugat sa kanyang braso, ang kanyang panga at ang kanyang makapal na kilay at mamula-mulang labi ang mas lalong nagbigay sa kanya ng kakisigan. I am not a hypocrite, I know how to appreciate art when I see one.

Naramdaman ko muli ang mga mata niya na hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. This guy really. I shook my head with what I am thinking. What the hell? I excused myself and just go get a shower. Geez, did I really fantasize about that boy? Gosh, Amara Eunice get a grip!

Isang oras ang itinagal ko sa banyo bago ako lumabas suot ang kulay pink kong bathrobe. I screamed when I saw an unfamiliar face. I only live with my grandmom and two of my cousins so I knew that he isn't one of those!

"What the hell?! Anong ginagawa mo dito?" Sigaw ko sa lalaking nakayuko sa mga cabinet malapit sa lababo. Kita ko ang pagpasada niya ng tingin sa akin at ang bahagyang pagpula ng kanyang pisngi.

"A-ah pinakuha sakin ni Donya y-yung ibang gamit. Naiwan kasi ni Mang Ambet yung iba kaya di kami makapagsimula" sabi niya at pinakita pa ang ilang lagare at mga alambre.

Tinaas ko ang isang kilay ko, "Then what are you looking at? Go get it"

"A-ah sige" Sabi niya at nagmamadaling kinu-kuha ang mga gamit. Kaya napatawa ako ng bahagya. For a well built man, he sure is a scaredy cat. Napahinto siya at lumingon sakin "B-bakit?"

"Are you scared of me?"

"Hindi ah" Sabi niya at itinaas ko lang ulit ang kilay ko na tila ba nanunutya "Hindi nga po, m-ma'am"

"Oh really?"

"Oo nga po"

"Okay if you say so" sabi ko at tumalikod na , narinig ko naman na napabuntong hininga siya. I smirked, "And oh?"

"Ma'am!" Alertong sabi niya

"What's your name?"

"Reigan po, ma'am"

"Reigan, call me Amara" I said and walked away.

Reigan huh?

Can Love Depreciate? (The Other Side Series #1)Where stories live. Discover now