Chapter Eight

266 9 1
                                    

 

TINAWAGAN ni Jomai o Bianca si Louie na payag na siyang makipag-date dito. Alas-siete ng gabi ang usapan nilang sunduin siya nito sa kanyang bahay. Kaya pagkalabas niya ng opisina ay nagpasama agad siya kay Alice para bumili ng damit. Kailangang ipakita niya kay Ian na pinaghandaan niya ang date niyang iyon kay Louie at ito na ang magiging simula sa plano nila ni Alice.

            Nakapili siya ng red mini dress. Ang iteterno niyang footwear ay pipili na lang siya doon sa mga collections niya.

            “I think that’s suits you,” komento ni Alice ng makita nito ang hawak niyang damit pagkalabas niya sa fitting room. Abala rin kasi ito sa pamimili sa isang panig ng department store.

            Ngumiti siya sa tinuruan nito at naglalaro sa kanyang isip kung ang mga mangyayari mamaya.

IRITADO si Ian nang makarating siya sa opisina ni Arvin. Hindi siya sinipot ni Jomai. Hindi rin ito sumasagot sa mga text at tawag niya. Wala rin ito doon sa bahay nito ng puntahan niya ito.

            Saan naman kaya nagpunta ang babaeng iyon?, naitanong na lang niya sa kanyang sarili sa sobrang inis na naramdaman niya.

            Kumatok siya sa pintuan ng opisina ni Arvin. Hindi na siya naghintay na sumagot ito para papasukin siya at binuksan na niya ang pintuan.

            “Napadalaw ka?” tanong nito sa kanya nang umupo siya sa visitor’s chair sa harap ng mesa nito.

            “Nagfollow-up lang ako sa arkitekto mo sa design ng pinapagawa ko sa kanya at ‘yung kay Bianca na rin,” sagot niya.

            Tumangu-tango lang ito. Mukhang abala ito at naabala niya ito sa ginagawa nito.

            “I heard you’re dating someone now. Who’s that unlucky girl?” tanong niya rito na sinundan niya ng tawa.

            “Sira! Unlucky ka dyan.”

            “Ito ba ‘yung babae na sinabi ni Nell Vern na bumasag sa windshield mo?”

            Tumango ito. Ikinuwento nito sa kanya ang lahat. Maligaya siya para sa kaibigan niya. Pero siya ay nakaramdam naman ng habag para sa sarili. Siya itong very polite and serious pag pag-ibig ang pinag-uusapan, pero siya pa ang hindi nakahanap ng babaeng magpapasaya sa kanya. Why cupid is really unfair? Bakit ba naman kasi sa bestfriend pa niya siya nagmahal?

            How about Joemie? Do you really love her? Hindi niya napaghandaan ang tanong na iyon ng isip niya. Ano nga ba? Ipinilig niya ang kanyang ulo para mawaglit ang mga tanong na iyon na naglalaro sa isip niya.

            “So you mean, you win her?”

            “Yup! Akala ko nga hindi ko na siya mapapasagot. Wala naman talaga akong balak na pagbayarin siya sa danyos na nagawa niya sa sasakyan ko. All I want is to have fun and play with her. At iyon nga ang nangyari. I win her heart,” aniya.

            “Ibig sabihin niyan, going straight ka na?”

            Ngumiti siya. “Oo naman. I love her. Nagdilang anghel ka ng araw na iyon na sinabi mo sa akin na hahanapin ko talaga sa diksyunaryo ang definition ng ‘in love’ at hinanap ko nga iyon at nadagdag na ito ngayon sa bokabularyo ko.”

            Natawa siya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwalang tinamaan na nga ito ng pana ni Kupido. “Is that you, Mark Arvin?”

            “Akala ko talaga noon perwisyo lang ang babae sa buhay nating mga lalaki. But when I found her, nasabi ko na handa kong gawin talaga ang lahat mapasaya lang siya.”

Neighborhood Heartthrobs : Cesar Ian (Book 3)Where stories live. Discover now