87

245 5 0
                                    

Hindi natigil ang aking pag-iyak. I just want to end this. Gusto ko 'lang naman maging masaya, bakit hindi pwede?

"Hindi ako nag kulang sa' yo! Simpleng hiling ko hindi mo matupad? Anong klase kang anak!" Namumula ito sa galit habang ako ay umiiyak sa kaniyang harapan.

"Rianna!" si Mommy ni Caspian.

Hindi ito pinansin ni Mommy, bagkus ay nag patuloy sa pag bato ng salita sa akin na ikinadudurog ko.

"Alam mo? Kinakahiya talaga kita, eh! Fuck, bakit ba nabuhay ka pa? Para ka 'lang namang dumi sa buhay ko!" Isang sampal nanaman ang aking natanggap.

"Tita!" si Caspian.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa amin. Akmang hahawakan niya ang braso ko ng marinig ko ang sigaw ng kaniyang mommy. "Don't, Caspian! Let her be, let her say what she wants!"

"Mommy..." Si Caspian. Tumango lamang ang mommy niya sa kaniya.

"B-bakit ganiyan ka, Hainna? Saan ako nag kulang sa'yo?" Nanghihinang usal ni Mommy.

Tumingin ako sa kaniya. Halos gumuho ang mundo ko ng makita ang kaniyang pag iyak.

"Mommy..."

"Don't call me that!" agap nito. "Sana... sana hindi na 'lang kita naging anak. Sana hinayaan na 'lang kitang mamatay noong bata ka pa."

"Hainna, my dear..." Tawag ng mommy ni Caspian.

Huminga ako ng malalim at pinilit ang sarili kong mag salita.

"Bakit, Hainna? Saan ako nag kulang saiyo, huh?" Si Mommy.

"Sa lahat." Mabilisan kong sagot.

Tumahimik ang lahat.

Ayaw ko na. Gusto ko ng mag pahinga. Ang bigat bigat na ng dala dala ko. Simula pag ka bata pa ito. Ayaw kong mamatay na dala dala 'to.

"Sa lahat, Mama." Isang butil ng luha ang nalaglag mula sa aking mga mata. Mabilis ko itong hinawi at tumingin sa aking Ina. She's bitting my lips, like she's waiting for more.

"Mama... Anak mo ako." I said. "Mama, alam ko namang ayaw mo sa akin, eh. Alam ko namang ayaw mo na nabuhay ako, eh. Alam ko naman na hiyang hiya ka kasi trabahador yung nakabuntis saiyo tapos nag bunga, ako." tuloy tuloy kong salita.

"Alam ko naman na... na ayaw mo na nabuhay ako, eh. Pero tang ina 'lang, Mama. Hindi ko naman kasalanan na nabuhay ako. Hindi ko naman kasalanan na hindi mo ako tanggap."

"Mama, pumasok ako sa Law school. Simula ng pag aaral nag top ako... kasi umaasa ako na baka sa ganoong paraan mo ako matanggap, Mama. Hanggang ngayon, Ma. Umaasa ako hanggang ngayon na baka matanggap mo ako." Nanginginig ang aking mga labi.

"Hainna..." Napahawak si Mommy sa kaniyang dibdib na parang nanghihina. Ngumiti ako sa kaniya.

"But it's okay, Mama. Hindi mo kasalanan na umaasa ako na baka... baka matanggap mo ako." Tumawa ako.

"Ma, hindi ko naman kailangan ng pera, eh. Iyon ba ang sinasabi mong hindi ka nag kulang? sa pera? Mama, hindi ko naman kailangan ng pera para mabuhay... Ikaw yung kailangan ko..."

"A-alam mo ba, Ma... Noong nalaman ko na naniwala ka na ako yung pumatay sa kambal ni Cloy? Napaka sakit, Ma. Ikaw yung nanay ko, dapat ikaw yung nasa side ko noon." Huminga ako ng malalim.

"T-tapos sumabay pa noong nalaman ko na mag papakasal ka... Mama, ayaw mo ba talaga sa akin? Ayos naman ako, Ma."

"Gusto ko lang naman maging masaya kasama ka, Ma. Gusto ko lang naman makasama yung Nanay ko." Iyak na ako ng iyak. "Akala ko yung pagiging artista mo yung dahilan kung bakit ayaw mo sa akin... iyon pala, buong ako yung ayaw mo."

"Mama, pagod na pagod na po ako... Mama, pagod na pagod na 'yung anak mo, oh. Gusto ko ng yakap mo, Mama."

"Mama, naging matigas ako. Mama, naging matapang ako sa lahat ng bagay. Pero ngayon, Ma? hirap na hirap na ako..."

"Ma, hindi pera ang kailangan ko... ikaw, ikaw mismo. Ngayon, ipapakasal mo ako para mawala na ako sa buhay mo? Ganoon na ba talaga ako ka walang kwenta sayo? wala ka na talagang paki-alam sa akin?"

"Mama, kahit ngayon 'lang, oh. Anak mo parin naman ako." Muli akong lumuha. "Kahit ngayon 'lang, ipagtanggol mo naman ako, Ma.

Torn Again (Again Series #5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon