Chapter 17

293 7 0
                                    

Isang buwan.

Sa isang buwan ay maraming nangyari.

At isang buwan na rin ang nakalipas ng makauwi kami rito sa pilipinas.

Nandito ako ngayon sa condominium ko.

Umuwi lang ako last week.

Hindi ko na malayan ng bigla nalang tumulo ang luha ko.

Ewan.... Siguro dahil nasasaktan ako ngayon?

Sobrang sakit lang kasi na sa isang buwan na dumaan ay hindi ako pinapansin ni Drake.

Mula nung makauwi kami rito ay ilang araw lang nun bigla nalang siyang nag bago.

Ang ngiting pinapakita niya saakin at masayahing mukha ay seryoso na.

At ang malambing niyang boses, Ay naging malamig.

Hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit nag bago siya.

Tinatry ko naman siyang kausapin pero tinatabuyan niya nalang ako palayo.

At syempre bilang girlfriend niya ay nasaktan ako.

Ikaw ba naman pag tabuyan ng boyfriend mo.

Tinanong ko ang mga kaibigan niya na kung anong nangyari sakaniya, Bakit nagbago siya? sobrang sakit rin kasi iniiwasan nila ang mga tanong ko, Feeling ko nga may tinatago silang secreto sakin mag babarkada eh.

Ding dong!

Kaagad akong natigil sa pag iyak at napatingin sa pintoan ng bigla nalang may mag doorbell.

Kaagad kung pinunasan ang luha ko saka tumayo.

At binuksan ang pintoan.

At bumungad sakin ang mukha ni Lincoln.

Yung kaibigan ni Drake na sa canada Naka tira.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Nothing, Masama na bang bumisita sa girlfriend ng kaibigan ko?" Sabi niya.

Ngumiti naman ako ng bahagya.

"Pasok ka." Ani ko at tumabi para makapasok siya

Pumasok naman siya kaya agad ko ng sinarado ang pintoan at sinundan siya patungong living room.

Umupo naman siya sa couch.

"So?"

"Anong so?" Sabi ko.

"So kamusta ka dito?" Tanong niya.

"Okay naman ako" kahit hindi naman....

"Mabuti." Sabi niya.

Umupo naman ako sa tabi niya ngunit malayo sa kaniya.

"Nga pala, Bakit ka umuwi sa pilipinas?" Tanong ko.

"Am I not welcome here in phillipines?" Tanong niya.

"H-hindi naman sa ganon." Sabi ko.

At napakamot sa ulo.

Tumingin naman siya sakin kaya nag salubong ang mga mata namin.

Pero ilang segundo palang ay kaagad ko ng iniwas ang tingin ko.

Dahil hindi ko siya kayang titigan para siya si drake, Nakakatunaw kung maka titig.

He's handsome I admit it, Pero mas gwapo parin si drake.

Syempre boyfriend ko eh.

"Wanna go out?" Tanong niya na ikinatingin ko sakaniya.

Ngumiti naman ako ng bahagya.

Pwede naman siguro akong gumala no? Kesa mag mukmok rito sa loob ng condo ko at araw-araw nalang umiyak.

"Sige ba basta libre mo?" Sabi ko.

Tumawa naman siya.

"Oh sure my pleasure." ngiting sabi niya.

"Sige wait ka lang jan mag bibihis na muna ako." Sabi ko at tumango naman siya kaya kaagad na akong tumayo at pumasok sa kwarto.

Kaagad akong naligo pero madali lang.

Ayoko namang pag hinatayin siya ng matagal.

Matapos akong maligo ay lumabas na ako ng banyo at dumeretso sa walk in closet ko at kinuha doon ang susuotin ko.

Ang susuotin ko kasi ay maong na short at croptop na kulay puti at pinarisan ko ng puti na sapatos.

Matapos ako ay pinusod ko ang buhok ko para maging presentable rin naman ako.

Nang Matapos ako sa lahat ay kinuha ko na ang Shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto.

Nakita ko naman siyang bagong labas galing sa kusina.

Ano kaya ang ginagawa niya doon?

Siguro ay uminom ng tubig..

"Okay ka na ba?" Tanong niya kaya tumango naman ako.

Saka kami sabay na lumabas.

Pero syempre ni lock ko ang unit ko baka may makapasok mahirap na.

Nang makarating kami sa basement ay lumabas na kami ng elevator at napatulala ako sa sasakyan na nasa harap ko ngayon.

Wow! Ang ganda! Kagaya ng kay drake.

Kaso ang sakaniya ay ferrari? Or basta something ganon.

At sakaniya naman ay bmw na silver ang kulay.

Okay this is so oh my god.

"Pasok ka na." Sabi niya.

Kaya nginitian ko siya at pumasok na sa front seat.

Nang makaupo na ako ng maayos ay isinarado na niya ang pintoan at umikot siya saka sumakay sa driver seat.

kaagad niya iyon pinaandar paalis.

Mr. Billionaire ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora