Chapter 7

6 0 0
                                    


Kendra

Nasa likod kami ng sasakyan ni Kevin. Mag wa 1 hour nang hindi kami nag nag uusap ni Jason. Nasusuka na rin ako. Hindi ako makareklamo kase naman hindi kami close. Gusto ko nang makalanghap ako ng maayos at preskong hangin. Pasikat na ang araw at di ko na talaga to matitiis. May 4 hours pang susunod na biyahe.

"Ja-Jason, nasusuka a-ako." Muntik na ako mabunggo sa dashboard nang bigla biglang nag break si Jason. Kinalas ko agad ang seatbelt at lumabas. Medyo maliwanag na rin. Umupo ako sa may damuhan at doon nilabas ang kanina ko pa pinipigilan.

"Fuck!" Rinig kong mura niya. Hindi ko na siya pinansin at nagsuka pa ako. He handed me a tissue and I thanked him for that.

"Kendra Ann Guevarra? Are you pregnant?!" tanong niya bigla. Tumayo ako at inayos ang damit ko. Ang hilig niya pala tumawag sa buong pangalan mo kapag galit siya.

"Alam mo ang hilig mo mag jump into conclusions kahit di mo pa alam ang totoo." Sermon ko sa kanya.

"Tsk. Alam ba 'to ni Tita o ni Drake?!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Mukha ka talagang tanga."

He giggled. "Or tinakbuhan ka ni Drake?" Naningkit ang mata niya. "Matalino ka naman tao, Kendra and I admire you for that. Pero ang magpa buntis ng maaga? Tapos tinakbuhan ka pa? Lol. That's a mess."

Isa nalang sasapakin ko na 'to.

"Why are you looking at me like that? Do you want me to tell everyone that I'm the father of your baby? Okay. Fine." Sabi nya at ngumiti. I mean, ngumiti siya! Ramdam kong sincere siya sa sinabi niya. At that time, I can feel the Jasiel vibes.

"HAHAHAHA! You really believed I'm pregnant? HAHAHA!" Naging seryoso ang mukha niya. Oh no! Here comes, the Jason vibe! "Nasusuka ako kase, hindi ako makalanghap ng preskong hangin! Air conditioned ang sasakyan mo at nahihilo ako kapag ganyan."

"Alam mo naman palang ganyan ka, bakit hindi ka uminom ng gamot?!"

Nagpout ako ng lips ko. "Nakalimutan ko eh."

"Tsk. Get in. Put down the windows if you want." Pumasok siya sa kotse at pinaandar ang makina. Sumunod naman ako sa kanya.

"That's better." Sabi ko nang binaba ang salamin. Biglang nag ring ang phone ko.

Mixy calling...

Sinagot ko naman iyon.

"Hoy! Nasaan na ba kayo ni Jasiel ha? Bakit bigla kayong nawala?"

"Uhm... ano kase... tinawag ng kalikasan si Jasiel kaya kailangan naming huminto muna." Pagsisinungaling ko. Mas okay na 'to at para hindi na sila mag aalala pa.

"Okay. Bilisan mo, Jasiel at nang makapagkape tayo!

Tumango naman si Jason.

"Sige, Mix." At ibinaba ko na ang tawag.

Nang nakita na namin ang sasakyan ni Kevin na nakaparada sa harap ng isang tindahan. Nadatnan naming nagkakape na sila kaya naman ay nag order na rin kami ng maiinom naming. Black coffee ang inorder ko habang si Jason naman ay... ganon rin.

Nagpasya kaming tumuloy na sa pagbyabyahe nang nag ala sais na. Same pa rin kanina. Nasa unahan sina Kevin habang kami ni Jason nakasunod lang.

Parang mapapanis na tong laway ko pag hindi ko pa kakausapin si Jason.

"Galit ka ba?" tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya bilang sagot. Napayuko nalang ako. Ang hirap naman kase kausapin 'tong si Jason. Jason mode kase siya ngayon.

Waiting For KendraWhere stories live. Discover now