ANG KANYANG TAHANAN

4 0 0
                                    

  
Bulaklak sa gitna ng mga damo
Pinalilibutan ng mga gamo gamo
Habang humahampas ang hangin
Bunsod para gumalaw ito

Bulaklak na kulay puti
Di kailangan ng anumang papuri
Sa pagtatapos ng buhay nito
Papanaw ito sa gitna ng burol

Di gaanong mataas
Di ka mapapagod sa pag akyat
Kahit pa ang tali ay may lamat
Dahil ang burol na kanyang tahanan ang nais makita

Sa pagitan ng nag aagaw dilim na kalangitan
Tatahakin mo ang daan patungo sa kanyang kanlungan
Tila iyon ang oras na siyay matatagpuan
Di mo alintana kung gaano kalayo ang lalakaran

Sa ors na siyay malungkot
Sa oras na siyay nababagot
Kukunin mo ang mundo
At da kanyay iaabot
Minsan ka na niyang binigyan ng sakit
Nasa iyong mga matay may bahid
Ngunit kahit kailan di mo pinatid
Bagkus lalong kumapit

Di mo kailangang mag panggap
na tila ok lang ang lahat
Batid na may lamat
Ang pag- ibig na pinagsaluhan

Ilang beses na siyang sumuko
At piniling yumuko
Napagod tingnan ang paligid
Habang luhay gumigilid

Pinilit mo siyang itinayo
At sayoy wag lumayo
Mga kamay na inilahad
Pinahid ang luha ng banayad

Hindi siya isang bulaklak na puti
Sa gitna ng burol na tahimik
Hindi siya nag iisa marami sila
Pero para sa kanya nag iisa siya

Walang katulad,
walang kawangis,
Walang kapantay,
walang hihigit

Mag isa siya sa lugar na iyong pinupuntahan
Nakikita niya sa kinatatayuan
Ang ganda ng langit,
Ng mga bituwin sa dilim

Mag isa siya sa mundong ikaw lang ang nagbigay
Mag isa siya sa lugar na ikaw lang ang nakakaalam
Lugar na ginawa niyang tahanan,
Simula ng ikay dumating

Sa oras na mawala siya
Puntahan mo ang lugar niya
Sa isang burol na tahimik
Makikita mo ang ganda ng paligid

Mga punong nakatayo damong sumasayaw,
langit na payapa
Mga huni ng ibong nag sisilbing musika
Ang tirahan niya ay ikaw mismo ang nagbigay

Ang pulang nasa kanyang dibdib ang  tirahan niya
sa oras na ikay kailangan niya
Pumupunta siya sa kanyang tahanan
Dun ka niya nasisilayan.

POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon