CHAPTER 9 (We're living in a world of fools)

936 19 0
                                    

Sino nga ba si Amanda Britt? Kanina ko pa naririnig na pinag-uusapan siya ng nga tao sa opisina. Is she a celebrity? Hindi rin kasi masyadong updated ang jologs na katulad ko. I'm too busy with my med books. Malapit na ang exams at in three weeks time na siya. Anyways, ayoko magmukhang chismosa para tanungin kung sino ba si Amanda Britt o kung saang lupalop man siya galing. All I know is foreigner yun dahil di naman pangpilipino ang last name niya just like mine.

I fixed my mini duffel bag at kinuha ko ang ID ko para makapagpunch ng time in. Medyo nasasanay na ako sa buhay opisina pero hinahanap pa rin ng sistema ko ang adrenaline rush na bigay ng ER. Opthalmology kasi ang kukuhanin ko at medyo malayo pero napapaisip na ako dahil masaya sa ER. 

I sighed, miss na miss ko na ang ospital at ang lahat ng medical equipments. Miss ko na mag EKG at magkabit ng dextrose. I love using defibrillators. Nakakatangay talaga ng pagod kapag nakikita mong gumagaling ang pasyente. The willingness to work is within me kaya alam kong hindi ako magsasawa magdoktor.

Hindi ko rin alam kung anong meron sa akin at bakit naglilitanya ako nang mag-isa. Is this normal? I am going crazy. Ayoko na talaga magsuot ng white coat with a feminne dress inside. It's annoying and I'm not girly... I love being jologs. It's not something I'm ashamed of kahit na nasa mundo ako ng nga sosyal.

I hate company meeting, flag raising and this speech. Kanina pa ako nakaupo dito at nakikinig sa mission and vision ng kompanya at naaasar na ako. Ang mga babae naman tutok na tutok kay Xavier at sa mga gwapong board members nito. Kaya pala parang may fashion show ngayon.

Pasimple kong hinubad ang flat shoes ko dahil magkakapaltos na ako. I took out my iPhone and started scrolling facebook news feed. Boring. Wala na akong magawa. Di naman ako mahilig sa games kasi nga nakakasira lang ng mata.  Gustong-gusto ko pa naman magmusic pero naiwanan ko ang earphones ko sa table ko.

"Di ka nakikinig." Narinig kong may bumulong sa likuran ko. I turned around and it's Atty. Corpuz. Nakipagpalit siya sa babaeng katabi ko at tumabi sa akin.

"It's boring. Don't tell me you enjoy these stuff? Seriously?" I asked him at napatawa siya.

What will I get if I listen to all these bullsh*t? Temporary comlany doctor lang ako. Hindi ako para makinig. This is such a waste of time at nilalamig na ako. Nakakabadtrip na talaga, pero wala akong choice. Humihilab na nga ang tiyan ko sa gutom eh.

"No. Actually kung hindi lang kami investor dito, malamang criminal lawyer ako. Boring maging corporate lawyer, nakakasakal sa isang four-walled room. Ang boring kaya, kasi puro papel, kape at babae ang kaharap mo dito." I giggled.

"I miss the hospital. I wish to be done with this. I could've saved people with more serious cases but I'm stuck here doing nothing and getting paid to look decent. Tama ba 'yun? I'm  a doctor." He giggled and elbowed me.

"You sound like Wonderwoman." I snorted.

"Nope...  I'm not Wonderwoman; just a normal human being. Besides, I'm born to be a doctor just like you were born to be a hotshot lawyer." Natawa siyang bigla.

"So hot pala ako?"

"You know women here created a huge fans club for you. Pahumble ka pa."

"Kasali ka ba?"

"As if! I don't join silly organizations for the benefit of what? Hmmm... Attention?"

"They crave for my attention, Dr. Jung. Nagtataka nga kung bakit di ka man lang affected sa kagwapuhan ko." I gave him a sarcastic laugh.

"Okay ka lang? Mas gwapo sa'yo ang head ng emergency Medicine ng FMC. DR. Cruz is like a Greek god, as in literally." He pouted and I made a face

"Grabe ka naman, nahurt ang feelings ko."

How deep is your love?Where stories live. Discover now