19

34 16 1
                                    

-Narration-

Tahimik na nagkaklase pero ang sama pa rin ng tinginan ni Hyunjin at JR sa isa't-isa. Para bang may kuryente na sa kanilang mga mata at ito ay nagtatagpo sa gitna.

Nasa dulong upuan si Hyunjin habang nasa pangapat na hilera naman si JR katabi si Soomin. Nasa likod lang ni JR si Hyunjin. Umirap na lang si JR at hindi pinansin ang binata. Pero nagulat sya ng may tumama sa kanyang ulo. Napunta ang papel sa gilid ang papel kaya naman kaagad nya itong pinulot.



Binuksan nya iyon at muling nilingon si Hyunjin habang binibigyan ng nakamamatay na tingin. Ngumiti lang ng malapad si Hyunjin kaya naman mas lalong nainis si JR. Huminga na lang sya ng malalim saka muling itinuon ang sarili sa lecture na itinuturo.



Habang walang nakatingin ay muling binato ni Hyunjin ang dalaga ng mga papel. Sinisigurado nya na walang makakakita sa paghagis nya dahil subsob sa pag aaral ang ilan nyang kaklase. Ang ilan pa nga ay literal na nakasubsob na sa desk at tahimik na natutulog. Ang ilan naman ay nakatutuk lang sa libro ang mga mata.


Naiirita naman si JR dahil sa paulit-ulit na pagbabato sa kanya ni Hyunjin ng mga papel. Umiling-iling na lang sya at hindi pinansin ang binata.


"Uy JR ok ka lang?"Pabulong na tanong ni Soomin.


"Ok lang naman may sira ulo lang na gumugulo sa akin kanina pa,"wika ni JR habang mahigpit ang paghawak sa ballpen.


"Pag itong lalaking ito hindi tumigil malilintikan na 'to saakin." Wika ni JR sa kanyang isipan habang pinapakalma ang sarili.


Muli syang binato ni Hyunjin ng mga papel kaya hindi na nakapagtimpi pa si JR at binato na nya ng pencil case si Hyunjin. Mabilis na nakailag si Hyunjin kaya ang metal na pencil case ay nahulog sa sahig. Gumawa ito ng ingay ng ito'y mahulog sa sahig dahilan para matigilan ang lahat at lumingon kay JR. Nagpipigil naman ng tawa si Hyunjin ng makita ang gulat na reaksyon ni JR.


"Miss Min! anong nangyayari dyan?"Tanong ng teacher.

Umiling-iling lang si JR pero biglang nagsalita yung kaklase nya.

"Miss Ahn...may mga papel mo sa gilid at ilalim ng upuan ni JR,"wika ng classmate nila.

Lumapit naman si Miss Ahn at kaagad na tiningnan ang mga kalat.

"Miss Min pakipaliwanag nga kung bakit may mga kalat sa magkabilang gilid at sa ilalim ng upuan mo,"nakacross arms pa si Miss Ahn.

Muling tumingin si JR kay Hyunjin. Hindi lang basta tingin dahil pinapatay na nya si Hyunjin sa kanyang isipan.

"Si Hyunjin po kasi miss Ahn. Kanina pa nagbabato ng mga papel sa akin,"Itinuro pa ni JR ang nakangiting si Hyunjin.

Ng tumingin naman si Miss Ahn sa direksyon ni Hyunjin ay biglang nawala ang ngiti ng binata. Napalitan ito ng mukhang nagmamakaawa. Yun bang painosente.

"Hindi ko po alam ang sinasabi ng babae na yan,"magalang na wika ni Hyunjin.

Napairap naman si JR dahil mukhang umaakting nanaman si Hyunjin. Muling nagpalitan ng masasamang tingin sina JR at Hyunjin habang hindi nakatingin si Miss Ahn. Napailing-iling na lang si Miss Ahn sa dahil sa inasal ng dalawang estudyante.

"Dahil naistorbo mo ang klase go to detention miss Min,"seryosong wika ni Miss Ahn.

"Huh? Ang unfair naman po hindi ko naman po kasalan yun,"nakasimangot na wika ni JR.

"Go to detention Miss Min,"muling wika ni Miss Ahn at itinuro pa ang pinto.

Tumayo na si JR at muling tumingin ng masama kay Hyunjin. Si Hyunjin naman ay nagpipigil ng tawa. Yumuko na lang sya at tinakpan nya ang bigbig para hindi makitang natatawa sya.

Kick It [SKZ Fanfic]Where stories live. Discover now