Chapter 38

314 16 1
                                    


Decided.

Lumipas ang ilang araw ay ganun pa rin ang naging takbo ng buhay ko parang normal pero andun pa rin ang sakit, halos araw araw kung bumisita at ligawan ako ni miguel sa bahay. Kung minsan nga ay nahihiya na rin ako dahil maging ang ina ni miguel ay kasama rin niya sa pag bisita minsan. Kung minsan ay masaya ako kapag may mga kasama pero kapag mag isa lamang ako ay di ko parin mapigilan umiyak at malungkot.

Tuwing papasok ako ay di ko maiwasan na di kami magkita ni lester tuwing uwian dahil iisa lang naman ang labasan sa school, kaya naman ang ginagawa ko ay nag tatago ako sa likod ng school kung nasaan nandun ang hideout ng xylon gang pero dahil naging busy na ay wala ng tumatambay dun dahil nga malapit na mag bakasyon.

Lagi ako'ng nakikita ni ceylon na nagtatago pero iniiwasan na lamang ako nito at nilalampasan, panay ang ngisi niya tuwing mag tatama ang paningin namin. Lumipas naman ang araw, linggo at buwan ay unti unti ako'ng pinapatay ng kalungkutan, hindi ako ganto naapektuhan nung naghiwalay kami ni miguel pero sadyang mapag laro ang tadhana dahil lagi ko'ng nakikita si lester na hahalikan si gailee bago pumasok sa kotse nito.

It's killing me little by litte seeing him happy with her soon to be wife.

Tangina, sanaol.

"Hey."Napaingad ako ng magsalita si ceylon sa gilid ko, tila ay nag iba ang ihip ng hangin ngayon dahil sa ilang linggo niya ako nakikita ay ngayon lamang niya ako kinausap.

"Cey.."Nahihiya na pag tawag ko, nakagat ko ang pang-ibaba na labi ko at saka nag iwas ng tingin.

"Your always here, wala naman tao."Nanigkit ang mata nito habang hinahanap ang di mapakali na paningin ko.

"Nagpapahangin lang."lies! lies! lies!

"Nag papahingin ka o may iniiwasan ka na makita?" Bingo! He's right.

"Hindi, ano..."

"Ano?"Nakangisi na sabi nito.

"Nag papahangin talaga ako."

"Okay, okay. You say so,"Nagkibit balikat ito. "Wanna go out? I'm free."

"It's not date, e?"

Natatawa ito na umiling, "No. I've got my girl."Lumapit ito sakin at saka bumulong. "Kung dati sana, ay puwede pa."Natatawa ko na pinalo ang balikat niya.

"Ang landi mo."

"Sayo, dati? Oo."

"Libre mo ba yan?"Paninigurado ko dahil wala ako'ng budget.

"Oo, malakas ka sakin e."Kumindat pa ito. "Naging crush kaya kita dati."

"Stop with that dati."

"So, you want now?"

"Ewan ko sayo, ang gulo mo."

"Magulo ka rin kaya."At talagang hindi mag papatalo, Hmp!

Pumunta kami ni ceylon sa isang restaurant malapit sa school, hindi ko inaasahan na dito niya ako dadalhin dahil ang buong akala ko ay sa simpleng coffee shop lang ang anyaya niya. Hindi ko alam galante pala ang isa'ng 'to.

Marami ito'ng inorder na pagkain, bago sa pandinig ko palibhasa ay Italian kuno. Sa gitna ng pagkain namin ay di ko maiwasan masamid sa naging tanong niya, agad niya ako'ng binigyan ng juice at inabutan ng tissue.

"You okay?"Maagap na tanong nito.

"Ah, o-oo."

"Sorry about my question, i just wanna ask kung attend ka ba sa kasal ni lester?"Inulit pa nga!

Accidentally Inloved With A Mafia King ( MAFIASERIES #1 ) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن