#mkaf 03

191 23 22
                                    

Messenger
Sometimes Friends 👌💰

Today 06:03 AM

Zane
Ano loloadan ka pa ba? @Kin
Taena kasi e, aga aga!

Kin
Oo, salamat salamat
Kelangan lang talaga pre
Bawi ako

Zane
Regular ba?

Kin
Sige pwede na yan, ako na magreregister
100 na pala ha? Para isang linggo. Lamats!

Danny
Ay gago parang alam ko na yan 😂
May pinopormahan bang bago yan?
Alam ko galawan nyan ni Kin e, babati ng good morning tapos magyayaya ng jogging pagkatapos mag-aalmusal kina Aling Henny tapos manlilibre ng taho for dessert.

Zane
Di lang taho, dude
Special~ taho pa, yung presyong bente!

Kin
Tangina nyo
@Zane load ko!

Zane
Presyong bente, galawang galante 👌💰

Kin
gAGO pero oo
Kaya ka binasted ni Francine kasi tiglilimampiso lang yung binili mo!
Ano, hanggang lalamunan lang? di pa pinaabot sa bituka
Parang di mayaman amputspa!

Danny
HAHAHHA nauulol na yung isa, Zane!
Loadan mo na

Zane
@Kin Ayaw mong mga 8am na batiin?
Para infinity kapag hiniga? Always and forever after kinda shit? UwU

Danny
HAHAHAHA gago nitong si Zane
Alam mo namang maaga yan nagtetext tapos mamayang tanghali magrereply!
Para mashe-share niya sa katext niya na nag-gamas siya sa bundok nila, tumulong nang libre sa mga mangingisda na kulang sa tao, at
AT!!! Zane ituloy mo 😂

Kin
Bwakanang ina nyo talaga!
Pota ano mag-aalas siete na! @Zane

Zane
At nagpa-anak ng buntis nang minsang makita niyang nag-lalabor na sa tabi ng kalsada🤱

Danny
Hero moments 🥺✊

Zane
Hero moments 🤭✊ (143)

Kin Candido left the group

Zane
Iyakin talaga non pagdating sa babae 😂

Danny
Di, dude, sige na, loadan mo na. Naawa na ako
Let him have it.

Zane Zaldua added Kin Candido to the group

Zane
Oks na boss @Kin
Oh tahan na, ha? Wag ka na iyak, bilhan kitang iskendi mamaya, mga two. 💋
Seen by Kin 6:28am

mahal kita afTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon